Chapter Twenty-Eight

168 3 0
                                    

Prim's POV

After taking a bath I decided to text Kuya. Tinanong ko kung nasa airport na ba ito. I'm just excited to know if my parents are already here. Sinagot naman ako nito na nandoon na daw siya at hinihintay sina Mama at Papa. Can't wait to see them.

Nakaupo na ako sa kama habang nagsusuklay ng buhok. I check the school's site at halos lahat ng article ay tungkol kay Maddox. Some of them pity her but some people are judging her. Isama mo na doon ang mga sinasabi nilang masasakit na salita for Maddox. I couldn't help but to feel bad about her. Mabuti nalang kung hindi niya to nakikita since this will worsen the situation.

Pinatay ko nalang ang cellphone ko at pinagpatuloy ang pagsusuklay ng buhok. Napabaling naman ako sa pinto ng may kumatok roon saka ito bumukas. Nakita ko si Carrhiza na nakadungaw sa pinto habang nakangiti kaya ngumiti rin ako. Itinaas nito ang kamay at may bitbit siyang plastic bag na may lamang pagkain at inumin.

"Pasok" Wika ko nakaagad niya namang sinunod. Akala ko ay siya lang ang bumibisita but I was wrong. I saw the four idiots following her. May mga bitbit itong grocery bags na halos ikinalaki ng mga mata ko.

"Bakit nandito 'yang mga 'yan?" Tanong ko kay at nginuso ang apat na abala sa paglagay ng mga bitbit sa nag-iisang table. Sa dami nito ang ilan ay ipinatong na sa sofa.

"They insisted. Ayaw magpapigil" Wika nito at umupo sa upuan pagkatapos ipatong ang bitbit sa bedside table. "Ang kukulit nila. Mga isip bata pa" Reklamo niya at napairap. Napangiti naman ako. Seems like she's now comfortable with them.

"Tanong ko lang ha? Binitbit na ba nila lahat dito ang buong grocery store? Parang dalawang buwang budget na 'yong pinamili nila" Puna ko at napangiwi ng makita ulit ang mga binili nila. There are can goods, rice, instants, pringles, junkfoods at kung ano-ano pa na hindi ganun ka healthy sa katawan.

"Ewan ko sa mga 'yan. Nagtalo pa silang lahat don kanina sa mall kung ano ang bibilhin and they end up buying those goods. Practical na daw tapos tipid pa" Nakasimangot na saad ni Carrhiza kaya hindi ko mapigilang matawa ng mahina.

"Really? Practical at tipid? Ibang klase. Ang yayaman ng mga unggoy na 'yan tapos magtitipid pa sila?" Hindi makapaniwalang saad ko at napailing. Hindi naman sumagot si Carrhiza at napaismid nalang.

Lumapit naman sa amin ang apat na unggoy na parang stress na stress. "Prim, okay na ba ang ala-ala mo?" Tanong sakin ni Raiden.

"Oo nga, Prim. Bumalik na ba?" Dagdag namang tanong ni Levi kaya napairap ako.

"Oo. Kahapon lang bumalik" Mapaklang saad ko. Pinanindigan ko kasi talaga na hindi ko sila naaalala kaya ayun ito tinatanong parin ako kung bumalik naba ang ala-ala ko. Lumiwanag naman ang mga mukha nila na muntik ko ng ikahagalpak ng tawa. Parang nabunutan ng hindi lang tinik kundi kutsilyo sa dibdib.

Kaagad namang tinulak ni Raiden si Ayrton at tumayo ito sa harapan ko. "Sige nga, sino ako?" Saad nito at nag-pose pa sa harapan ko na parang si Buzz sa toy story. Napairap naman ako.

"Manyakis na unggoy" Sagot ko na ikinatawa ng tatlo. Sumimangot naman ito at pinagbabatukan 'yung tatlo. Napailing nalang ako. I wonder how Kane manage to stay with this people. Ang iingay at kukulit. Speaking of him, he told me that he'll be back pero hindi naman pala. Tss. Napabuntong hininga nalang ako at napabaling sa apat.

"Manahimik nga muna kayo!" Sigaw ni Carrhiza. Tumigil naman ang apat sa pagbabangayan kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Sandali nga muna, ano bang gagawin niyo diyan?" Tanong ko at tinuro ang mga pinamili nila.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon