>FLASHBACK<Third Person's POV
Lumabas si Kane ng opisina niya at napahawak sa sintido niya saka ito hinilot at napatingin sa wrist watch niya. Meron pa talaga siyang kinse minutos para bilhin ang inutos ni Prim ngunit nag-aalangan ito. Matunog itong napabuga ng hangin saka problemadong naglakad upang tahakin ang daan patungo sa main gate ng school.
Hindi naman ito nakasara dahil lagi itong nakabukas sa tuwing oras ng Break Time at Lunch Time ngunit strikto parin sila sa mga estudyanteng lumalabas ng paaralan para kumain sa iilang kainan na malapit lang dito. Habang naglalakad ito sa hallway ay sumalubong sa kanya sina Raiden at Levi na kapwa nabigla ng makita ito.
"Oh, Captain? Saan ang punta mo?" Tanong ni Raiden pero napakamot sa ulo si Kane saka dagliang napasilip sa labas ng gate.
"To buy something" Tipid nitong saad at lalagpasan na sana ang dalawa ng magsalita si Raiden.
"Sasama kami"
Kaagad napapikit ng mariin si Kane at saka napamulat bago inis na binalingan ng tingin ang dalawa. Kapwa nakangiti ang dalawa ng malapad at naghihintay na pumayag si Kane.
"No need" Inis nitong wika at iniwan ang dalawa na nakakunot noo at dismayado. Nagkatinginan sila at pasimpleng sinundan ang binata na palabas na ng gate.
Nang makalabas na ito ay kaagad siyang napabuga ng hangin saka napatigil sa paglalakad at napatitig sa tindahang nasa kabilang dako. 'MARITES STORE' iyon ang pangalan na nakalagay sa itaas ng tindahan. Ilang beses siyang napamura sa isipan saka nag-umpisang maglakad palapit roon pero napatigil rin ng makaramdam siya ng kaba at hiya. Napatigil rin ang dalawang nakasunod sa kanya at nagtaka.
"Ano bang meron kay Captain?" Tanong ni Levi kay Raiden na may pagtataka rin sa mukha. "Parang balisa. May problema ba siya?" Dagdag na tanong nito pero isang kibit-balikat lang ang isinagot nito sa kanya.
Hindi naman sila napansin ni Kane na okupado ang isipan habang nakatitig parin sa tindahan.
"T*ng*na!" Mahinang mura nito saka napakamot sa kilay nito at tumuloy ulit sa paglalakad patawid sa kabilang kalsada. 'I'm doing this for you, Love'
Pagdating niya sa tindahan ay kaagad niyang nakita ang isang babae na may hawak na abaniko habang pinapaypayan ang sarili. Abala ito sa panonood ng kung ano sa cellphone niya at panaka-naka ring tumatawa. Nasa singkwenta na ang edad nito. Kane cleared his throat para maagaw ang atensiyon ng ginang. Napatingin ito sa kanya at ngumiti.
Ibinaba ng ginang ang cellphone niya sa mesa at lumapit sa may dungawan upang itanon kung ano ang bibilhin nito. Biglang napalunok si Kane habang nakatitig sa ginang na ngayon ay nakatingin sa kanya at pasimpleng pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
'Aba'y kay gwapong binata. Ilan na kayang dalaga ang nasungkit nito?' Saad ng ginang sa kanyang isipan at hindi nakaligtas sa paningin ni Kane ang makahulugang ngiti sa labinng ginang kaya tumikhim ulit siya dahilan para mag-seryoso ang ginang.
"Anong bibilhin mo, Hijo?" Marahang tanong nito at tinitigan siyang muli ng maigi. Bigla namang nanlamig ang mga kamay ni Kane at may namuong pawis sa noo nito. Hindi niya alam kung paano niy sasabihin ang nais nitong bilhin.
"I want to buy..." He swallowed hard and roam his eyes around the store. Nakita niya ang mga napkin na nakapatong sa isa sa bahagi ng cabinet kaya ti!nuro niya ito. Alam niya naman ang itsura nito dahil nakikita niya naman iyon sa commercial sa TV. Sinundan naman ito ng tingin ng Ginang.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...