Prim's POV
Nilibot ko na lahat ng lugar na maaari niyang puntahan pero wala siya. Bumalik ako sa may clinic saka hinanap ulit siya sa mga benches na malapit roon.
Palagpas na sana ako sa isa sa mga bench ng makita ko itong nakahiga roon at ginawang unan ang braso saka yung isa naman ay nakatakip sa mga mata niya.
Napahugot ako ng malalim na hininga saka marahan itong nilapitan. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Tiningnan ko ang mukha niya na natutulog. Masama talaga ang pakiramdam niya. Kung pwede lang sanag huwag siyang maglaro mamaya.
"Kane...." Tawag ko saka marahang niyugyog ang braso niya. Inalis nito ang kamay sa kanyang mga mata saka papikit-pikit na tumingin sakin.
"You're here" Matamlay nitong sabi saka ngumiti sakin. Ngumiti naman ako saka ipinakita sa kanya ang gamot.
"Kanina pa ako hanap ng hanap sayo. Saan ka ba galing?" Mahinahon na tanong ko. Umiwas ito ng tingin.
"Something came up kaya inasikaso ko muna. I'm sorry kung hindi ako nagkapagpaalam sayo"
"Okay lang inumin mo na 'to para gumaan ang pakiramdam mo" Sabi ko pero ngumuso ito at umiling. Heto na naman po tayo. Napaismid nalang ako saka napabuntong hininga at ipinatong sa noo niya ang ice pack.
"Kane, kailangan mong uminom ng gamot" I exert more patience this time. Umiling na naman ito ulit.
Patience, Prim. Patience.
"Not until you give me my kiss, Baby Love" He said huskily kaya napahilot ako sa sintido ko. Dapat hind ko nalang sinabi 'yon kanina.
I bit my lower lip. Bakit ba ganito siya kakulit? Napatingin ako sa paligid at medyo wala namang estudyante dito. Hindi talaga titigil to hanggat hindi ko naibibigay ang gusto niya.
"Tss. O-Okay fine" Pagsuko ko saka inilapit ang mukha ko saka mabilis na hinalikan siya sa pisngi pero nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya kaya kumunot ang noo ko.
"Bakit sa pisngi?"
"Then, where do you want me to kiss you?" Salubong ang kilay na tanong ko rito at kaagad itong ngumiti saka tinuro ang labi niya kaya namilog ang mata ko at saka hinampas ang braso niya.
"Tss. Ayoko nga. Inumin mo nalang 'to" Wika ko pero umiling ito dahilan para impit akong mapasigaw dahil sa inis at frustration. Ang loko nakangiti lang. Napabuntong hininga ako. Maybe a quick one will do?
Hinawakan ko nalang ang baba niya saka inilapit ang mukha ko sa kanya. Naramdaman ko ang malambot at mainit nitong labi sa labi ko. Lalayo na sana ako pero hinawakan nito ang batok ko kaya hindi ko kaagad nailayo ang labi ko. Gumalaw ang labi nito. His kissed me slow and gentle.
Naipatong ko sa dibdib niya ang kanang kamay ko. Tumagal ito ng sampung segundo bago niya bitawan ang labi ko. Aminin ko man o hindi pero nagustuhan ko 'yung halik niya. Hindi ko alam kung ano ang tawag don dahil wala akong alam sa halik pero isa lang ang masasabi ko, nakakaadik 'yun.
Waah! Ano bang sinasabi ko?! Nakatitig ito sakin habang nakangiti kaya naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Mabilis kong tinakpan ang pisngi ko saka napayuko. I heard him chuckle.
"Don't be shy, Baby Love" Mahinang saad nito kaya mas nakaramdam ako ng hiya.
Hinawakan nito ang magkabilang kamay ko at marahang inalis sa mukha ko. I bit my bottom lip habang nakayuko hinawakan nito ang baba ko saka inangat. Sumalubong sakin itong nakangiti ng matamis. I diverted my gaze somewhere else.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...