Epilogue 2

242 5 0
                                    

Prim's POV

Nagising ako na nasa loob ng isang regular room ng hospital. Ramdam ko parin ang pagod at medyo pananakit ng maselang parte ng katawan ko dahil sa panganganak. Nilibot ko ang paningin ko sa buong silid at nakita ko si Kane na hawak-hawak ang kamay ko at nakadukmo sa hospital bed.

Naalala ko pa ang mukha nito noong oras na manganganak ako at akala ko hihimatayin siya dahil ang putla-putla talaga ng mukha niya. Napabaling ang paningin ko sa buong silid.

Nasa sofa sina Raiden at Carrhiza na magkatabi samantala ang tatlo ay may kutson na nakalatag sa sahig at doon nagyayakapan. Napangiti naman ako. Ang mga ito talaga. Nangnak na ako't lahat-lahat nandito parin sila. Actually, it's overwhelming.

Naalala ko pa kanina ang naranasan ko at sasabihin kong ayoko ng umulit pa dahil sobra akong nahirapan kanina. Akala ko mamamatay na ako kanina. Bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Kuya at Mama. Kaagad na dumapo ang tingin nila sakin kaya sumenyas ako na huwag silang maingay baka magising sila.

Nakangiti naman silang tumango at maingat na isinara ang pinto. Nang makalapit sila sakin ay hinalikan nila akong dalawa sa noo. I mouthed if 'where are my babies'. Gusto ko na silang makita at yakapin saka halikan.

"They're at the nursery, Baby" Bulong ni Mama. "But don't worry dadalhin rin sila namin dito mamaya. Sa ngayon, kumain ka muna. Kailangan mong magpalakas" Dagdag ni Mama kaya napangiti ako.

Naramdaman ko naman ang pagalaw ni Kane na hanggang ngayon ay hawak ang kamay ko. Unti-unti itong tumunghay sakin.

"You're awake. Kamusta ang pakiramdam mo, Love? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong nito. Umiling naman ako.

"She's fine, Rockford" Sabi ni Kuya na nagbabalat ng orange. Napatingin sa kanya si Kane. "Mukhang ikaw ang kailangan kanina ng dugo Kane. Paglabas mo ng Delivery room ang putla mo" Dagdag ni Kuya dahilan para matawa ako.

"Luckily, you didn't pass out earlier" Puna rin ni Mama saka siya natawa.

Umiwas nalang ng tingin si Kane saka nakita ko ang pamumula ng tenga niya. Mahina naman akong natawa.

_____

"Here are the babies!" Masiglang sabi ni Mama at kasunod non ay pumasok siya bitbit ang pinsesa namin kasunod niya naman si Kuya at Kane na bitbit ang mga Prinsipe namin.

Nakaupo lang ako sa kama at excited na itinaas ang mga kamay ko upang abutin ang mga mumunting anghel ko. Walang mapagsisidlan ang saya na nararamdaman ko ngayon. I can't wait to hear them calling me Mom.

Kaagad na iniabot sakin ni Mama ang prinsesa ko. Maingat ko itong binuhat. Medyo natakot pa ako dahil ang lambot ng katawan niya. I'm afraid that I might break her bones.

Lumapit sakin si Kane hawak ang dalawa kong prinsipe saka siya umupo sa tabi ko. Nag-unahan naman sa pagpasok ang apat na unggoy kasama si Kuya at Aziz pati si Yvo. Carrhiza, Rainna, Ate Ayrshire, Shanaiah, Ezperanza, saka Ate ni Kane na kakauwi lang galing sa paris. Oo, nandito silang lahat at tila nagkaroon ng biglang reunion party ang loob ng kwarto ko.

Hinalikan ko sa noo ang prinsesa ko saka pati ang mga prinsipe ko. Ang cute nilang tatlo. I saw Kane smiling while looking at our babies. Napangiti rin ako saka sumandal sa balikat niya. I can finally say that we are family now.

"Prim, may naisip na ba kayong pangalan ng babies niyo?" Tanong ni Yvo sa akin kaya napatingin kami sa kanya. Mga pangalan?

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon