Chapter Fifty-Three

115 1 0
                                    

Prim's POV

Maaga akong nagising dahil marami akong gagawin sa school. There are requirements that I need to pass to the Dean and I have a meeting with my coach this morning. Lumabas na ako ng silid ko at sumalubong naman sa akin si Kuya na palabas rin ng kwarto niya. Bihis na bihis ito dahil balita ko may meeting siya sa shareholders ngayon. Napangiti ito saka inilagay ang kamay niya sa ulo ko ng makalapit ito sakin.

"Isasabay ka ba ni Kane?" Tanong nito ng pababa na kami ng hagdan. Umiling naman ako. Sinabi niya sakin kanina na mauuna siya sa school dahil marami siyang aasikasuhin. Well, naiintindihan ko naman 'yon.

"Himala yata at hindi ka niya masusundo?"

"Marami siyang gagawin ngayon"

Napabaling naman ako sa may dulo ng hagdan ng makita ko roon si Hurricane na winawagayway ang buntot at kumakahol. Kaagad ko itong sinalubong ng yakap. Kaya pala wala siya don sa loob ng kwarto ko.

"Good morning, Baby" Malambing kong saad saka ako napangiti ng dilaan nito ang pisngi ko.

Ibinaba ko naman ito ng makita ko si Papa na kakagaling lang sa labas.

"Good morning po" Bati ko saka kunot noong napatingin sa kamay niya na medyo maputik. "Bakit po madumi ang kamay niyo?" Nagtatakang tanong ko. Natawa naman ito.

"Nanguha lang ako anak ng pagkain ni Nemo at pinakain ko siya. Nakakatuwa 'yung alaga mo na 'yon hindi nahihiya" Wika nito saka siya natawa kaya natawa rin ako. "Iyong pagong kasi ng lolo mo sa Sorsogon ni ayaw lumabas sa Shell niya noong nagbakasyon tayo doon" Dagdag nito dahilan para lalo akong mapatawa.

"Alam niyo naman po mana sa amo 'yan, walang hiya" Wika ni Kuya sa tabi ko dahilan para dumapo ang kamay ko sa braso niya at kinurot ito. Kaagad siyang napalayo sakin habang nakangiwi at nakahawak sa braso niya na kinurot ko.

"Aray! Masyado ka ng mapanakit!" Reklamo ni Kuya. "Hindi ko alam kung paano ka natatagalan ni Kane sa ugali mo" Dagdag nito kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"O siya, tama na 'yan. Kumain na muna tayo ng agahan" Wika ni Papa.

Kumapit naman ako sa braso ni Papa at inirapan si Kuya na nakahawak parin sa braso niya. Pinaningkitan ako nito ng mata pero nag-make face lang ako. Nang makarating kami sa kusina ay nakita namin si Mama na naghahanda na ng almusal.

"Good morning, Ma" Bati ko at lumapit sa kanya saka humalik sa pisngi niya.

"Good morning rin, Baby" Bati nito saka na kami umupo sa kanya-kanya naming pwesto.

Nasa magkabilang dulo ng mesa sina Mama at Papa samantalamg magkaharap naman kami ni Kuya. Nagdasal muna kami bago kumain. Kaagad akong kumuha ng paborito kong pancake with chocolate Syrup. Tumingin naman sakin si Kuya.

"Magdahan-dahan ka nga sa pagkain, Harriette. Parang hindi babae" Saway sakin ni Kuya sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Whatever" Wika ko saka tinuloy nalang ang pagkain. Napailing nalang ito saka kumain narin.

"Siya nga pala, anak. Malapit na ang birthday mo saan mo gustong mag-celebrate?" Napatigil naman ako sa pagkain at napatingin sa kanila. Oo nga pala malapit na ang birthday ko.

Last year we celebrated my birthday at Sorsogon para makasama namin si Lolo at Tita Clarisse. I'm thinking about celebrating my birthday somewhere else gusto kong maka-bonding ulit sila. Alam kong simple lang 'yon pero siguradong masaya naman. Naisip ko kaagad ang mga kaibigan ko at si Kane. Siguro papayagan naman ako nina Mama at Papa na isama sila.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon