Third Person's POV
Kane brought Prim to the clinic. Walang imik si Prim habang nasa tabi niya si Kane at nilalagyan ng ice pack ang ilong niya na natamaan ng bola ng Tennis. Lumabas na ang nurse after i check ito at kaunting pahinga lang ay magiging okay na rin siya.
"How are you feeling?" Nag-aalalang tanong ni Kane sa kanya. Tumingin naman sa kanya si Prim at ngumiti.
"Medyo nahihilo parin pero okay na"
Marahang hinaplos ang buhok nito saka siya hinalikan sa noo.
Bumukas naman bigla ang pinto ng kwarto kung nasaan sila at pumasok ang apat kasama si Carrhiza. May pag-aalala rin sa mga mukha nito. Kaagad umupo ang apat at nagsiksikan sa nag-iisang sofa saka nagtulakan pa.
Samantalang nanatiling nakatayo si Carrhiza at napakamot sa ulong nakatingin sa apat saka napairap bago balingan sina Kane at Prim.
"Ano? Kumusta, Prim? Ayos ka na ba?"
Lumapit ng kaunti si Carrhiza sa kanila.
"I'm fine, Rhiz. No need to worry"
Tumango naman si Carrhiza.
"Ano ba kasing nangyari, Prim?" Napabaling ng tingin si Prim kay Levi dahil sa tanong nito.
Saglit na tumingin si Prim kay Kane at umiwas ng tingin bago tumingin kay Levi saka ngumiti ng kaunti.
"Due to my negligence I didn't notice the ball that's why"
"Akala ko dahil kay Shanaiah" Biglang saad ni Ayrton dahilan para tumingin sa kanya ang lahat.
Kumunot ang noo ni Kane at matiim na tumitig kay Prim na ngayon ay bakas ang gulat sa mukha niya. Balisa namang umiwas ng tingin si Ayrton.
"A-Akala ko lang naman. Bakit ba ganyan kayo makatingin sakin?" Ilang nitong turan at napakamot sa ulo niya.
Hindi naman umimik si Prim at nanatiling nakatungo habang ang mga kamay nito ay mahigpit na nakahawak sa kumot. She wanted to deny it but that was the real reason after all.
"S-Siguro, Prim. Alis muna kami" Wika ni Carrhiza at sinenyasan ang apat na kinukuyog si Ayrton sa may Sofa. "Hoy! Tara na!" Tawag ni Carrhiza sa apat. Kaagad namang tumayo si Raiden at lumapit sa kanya saka inakbayan ito at hinila palabas.
Nagpaalam rin ang tatlo kina Prim at kaagad lumabas ng clinic. Naiwan ang dalawa at tila nagpapakiramdaman lang sa isa't-isa.
Inalis ni Kane ang ice pack sa ilong ni Prim at tinitigan ito ng maigi. Medyo namumula ito at namamaga dahil sa pagtama ng bola.
"You saw Shanaiah talking to me earlier. Thet's the real reason right?" Malumanay nitong tanong dahilan para tumingin sa kanya si Prim.
"Huwag nalang nating pag-usapan" Iwas-tinging pakli nito at saka siya yumuko siya at napabuntong hininga. "Hindi naman iyon big deal. Okay lang naman sakin. I know you're friends after all" Dagdag nito saka umayos ng upo sa kama.
Napabuntong hininga si Kane at pinasadahan ng daliri nito ang buhok niya saka tumitig kay Prim. Medyo nagsasalubong ang kilay nito.
"Really? Hindi ba big deal sa iyo 'yon? Is it okay for you?" Tanong ni Kane at nakita niya ang sandaling paglatay ng sakit sa mata ni Prim pero pinili nitong huwag magpakita ng kahit anumang emosyon sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...