Chapter Twenty-Six

174 7 0
                                    

PRIMITIVA


I still can't believe that Maddox has Mental illness. She almost killed me and I can't forgive her about that but I pity her. I pity her because of her young age she experience that. Hindi biro ang pinagdadaanan niya. Napabuntong hininga ako at napatingin sa labas ng bintana at kitang-kita mula rito ang kulay kahel na kalangitan.

Ako nalang ang mag-isang naiwan dito dahil umuwi muna si Carrhiza at babalik nalang daw siya bukas. Si Aziz naman ay umalis na rin dahil may aasikasuhin daw habang si Kuya naman pagkatapos niyang makausap ang doctor ay uuwi muna daw para magluto ng hapunan ko ngayon. Ang apat na unggoy naman pinalayas na ni Kuya dahil nakakagulo na sila sa labas. They keep on pestering me. Tinatamad pa kasi akong kausapin ang mga unggoy na 'yon. Sa susunod nalang.

About my injury, the doctor said that I still need to stay here at the hospital for awhile. Dahil kailangan nilang siguraduhin na okay na talaga ako bago nila ako i-discharge. Nakakalungkot lang dahil marami na naman akong mami-miss na lesson saka mapo-postpone rin ang lakad namin ni Carrhiza this weekend.

I heave a deep sigh again. Napatingin ako muli sa labas ng bintana at unti-unti ng lumulubog ang araw. I really hate being alone especially in this freakin' hospital. Kanina pa ako may hinihintay pero wala parin siya. Isang taong lang ang hinahanap ang sistema ko pero wala siya rito. Did he choose to stay with Maddox?

Napailing-iling maman ako. Of course, Prim! Maddox is his Fiancé. Sagot ko sa sariling tanong ko sa aking isipan. Napahawak ako sa dibdib ko. As the day passes by, this feeling for him is keep on growing inside me and I don't like this. Kinalma ko nalang ang sarili ko. I suddenly feel sad for no reason. I feel alone again.

Habang papalubog ang araw ay mas lalo akong nalulungkot. A sudden fear embraces me when the darkness started to devour the surroundings. I really hate darkness. Binuksan ko ang lampara para mas makadagdag sa liwanag sa loob ng kwarto. The door creaked open so I immediately turn my gaze over there. My face lightened up when I saw him. My heart skip as our eyes met.

His hair is a bit messy and he looks so tired. Nakasuot parin ito ng school uniform pero wala na sa ayos ang tie nito. He's wearing his glasses again. Isinara nito ng marahan ang pintuan saka naglakad palapit sakin. Hinubad nito ang coat at ipinatong sa backrest ng sofa saka naglakad palapit sa kama ko at umupo sa nag-iisang upuan.

"How are you?" Malumanay na tanong nito habang nakatitig sakin.

"Okay na rin" Sagot ko at ibinaling sa ibang direksiyon ang paningin ko. I don't know why pero bigla akong nakaramdam ng pagtatampo sa kanya. Aish! Pinilit ko nalang na ialis iyon sa sistema ko. Nahihibang ka na, Prim. Hindi na rin ito muling nagsalita kaya tumingin ako sa kanya.

"I-I'm sorry" Biglang wika nito dahilan para mapakunot ang noo ko. "You shouldn't be on this state if it's not because of me" Wika nitong muli at batid ko ang sinseridad sa tinig nito.

"Paano mo naman naging kasalanan 'to? Hindi naman ikaw ang bumugbog sakin don sa Cr at lalong-lalo namang hindi ikaw ang nang-untog sa bungo ko don sa sahig" Wika ko pero nakita ko lang ang pag-iwas nito ng tingin.

"Maddox is after you because of me, so still it's my fault. If I distance myself from you before and choose to stay away, this will never happened" Wika nito. Hindi ko alam pero kumirot ang puso ko sa huling sinabi niya. Napahigpit ang hawak ko sa comforter at ibinaling nalang sa ibang direksiyon ang paningin ko.

"Edi sana, hindi ka nalang lumapit pa sakin, hindi ka laging nagpapakita sakin kapag kailangan ko ng tulong at sana hindi ka na rin nagpakita ngayon" Masungit kong turan at pilit tinatakpan ang sakit na nararamdaman ko. I heard him cuss but I never dare to turn my gaze over him. Kinalma ko ang sarili ko dahil naninikip ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon