Chapter Eighteen

165 7 0
                                    

PRIMITIVA


"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko habang abala sila sa pag-ayos ng table. Dinugtungan nila ng isa pang table ang table namin tapos kinuha rin nila ang ilang bakanteng upuan.

"Sharing the foods with you both" Wika ni Levi na tumabi sakin at inilapag ang isang karton ng Hawaiian pizza sa table na may tatlong bawas na.

"Really? O baka manggugulo lang kayo?" I sarcastically said and rolled my eyes. Natawa naman si Ayrton na nasa kabilang side ko habang kumakain ng Nachos.

"Don't be so hard on us, Prim. We're friends" Nagsalubong naman ang kilay ko sa tinuran ni Raiden.

"Friends, my ass" Wika ko. Napatingin naman ako sa kabilang table at nakita kong nag-iisa doon si Xavier na walang kibo. "Bakit niyo iniwan 'yon don?" Tanong ko at tinuro si Xavier.

"Nandito kasi si Nerd" Napabaling naman ako kay Raiden ng magsalita ito. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Quit calling her Nerd, dimwit" Mariing saad ko. "Her name is Carrhiza. Itatak mo nga yan sa kokote mo" Masungit kong turan dahilan para mapakamot ito sa ulo niya. Bumaling ito kay Carrhiza na ngayon ay halatang naiilang. Tsk. Hindi talaga marunong makiramdam ang mga gungong na 'to.

"Hi, Carrhiza. I'm Raiden" Pakilala ni Raiden dito at iniabot pa ang kamay niya. Tinitigan lang ito ni Carrhiza at hindi siya pinansin dahilan para pagtawanan siya ng dalawa.

"Hahaha Kumain ka nalang, Raiden" Kantyaw ni Levi at inusog ang Lasagna sa harapan nito. "Isang Raiden Javier Madrigal hindi pinansin HAHAHA"

"Wala ka pala eh. Iinom mo nalang 'yan" Dagdag namang pang-aasar ni Ayrton dito dahilan para bigyan niya ito ng tig-iisang batok.

"Taena niyo! Manahimik nga kayo. Mga gungong" Tila inis na inis nitong saad at padabog na kinuha ang pineapple juice saka uminom doon. Napailing nalang ako sa mga kalokohan nila.

"Prim, anong order niyo?" Tanong sakin ni Levi. Clueless ko itong tiningnan. "Ako na ang oorder" Wika niya at ngumiti. Umiling naman ako.

"Hindi na. Kami nalang"
"No. I insist" Seryosong wika nito kaya wala akong nagawa kung hindi sabihin ang order ko pati na rin ang kay Carrhiza. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makarating siya sa counter.

Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik na ito at umupo muli sa tabi ko. "Let's just wait for a minute" Wika nito kaya nagpasalamat ako sa kanya na sinuklian niya lang ng ngiti.

"Raiden, akina nga yan!" Napabaling naman ako kay Carrhiza na inaagaw ang salamin niya sa kamay ni Raiden. Pilit itong inilalayo ni Raiden sa kanya.

"Sandali lang. I-try ko lang naman kung anong itsura ko dito" Wika nito at pinasingkit ang mga mata habang tinitingnan ang frame ng salamin.

"Isa! Ano ba!" Reklamo ni Carrhiza at halatang inis na inis na talaga. Napatingin sa kanya si Raiden at ngumiti.

"Ayaw" Nang-aasar nitong sabi at isinuot ang salamin ni Carrhiza saka tumingin sa amin na parang nagpo-pose na isang model. "Ano ayos ba?" Tanong nito habang nakangiti at tinaas-baba ang kilay niya. Hindi ko naman napigilang matawa sa mukha niya. Pati narin ang mga kaibigan niya ay natawa rin. Although he's handsome but that glasses doesn't suit him well.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon