Chapter Eighty-two

127 4 0
                                    

Prim's POV

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Medyo masakit parin pero mas maayos na kumpara kanina. May narinig akong usapan sa may sala ng bahay. Base sa mga boses nito mukhang kilala ko na kung sino-sino sila.

Ki-aga aga nambubulabog na sila.

"I go for 2"

"Sigurado ako, apat"

"Isa lang 'yan mga abno. Alam niyo namang firdt time diba?"

"Hindi 'yan si Captain pa. Alam ko nakaabot sila ng lima!"

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Nang makababa ako ng hagdan ay nakahinga ako ng maluwag. Saktong pagtingin ko sa pwesto ng apat na unggoy ay napatingin rin sila sakin. Kaagad silang napatayo at may mga ngiti sa labi.

"Prim, kamusta? Mukhang blooming tayo ngayon ah?" Puna ni Raiden sa akin.

"Kamusta ang unang gabi?" Tanong rin ni Ayrton kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam pero kaagad akong umiwas ng tingin. I remember again what happened last night.

"Mga sira! Ano bang ginagawa niyo dito ng ganito kaaga at nambubulabog kayo?" Tanong ko at namewang sa harapan nila. Nagkatinginan naman silang apat saka tumingin ulit sakin.

"Syempre nangangamusta sa newly weds!" Masiglang sabi ni Levi at nakipag-apiran pa sa kanilang tatlo.

"Dinala na rin namin sina Hurricane at Nemo"

Eksakto rin namang bumaba sa kandungan ni Xavier si Hurricane at tumakbo palapit sa 'kin kaya binuhat ko ito.

Kaagad silang lumapit sakin. Ipinatong ni Raiden ang siko niya sa balikat ko saka nagsiksikan sa pwesto ko ang tatlo na ikinakunot ng noo ko. Ano bang nangyayari sa apat na 'to? Tumikhim si Raiden kaya napatingin ako sa kanya.

"Pasensiya na sa itatanong ko Prim pero nakailang rounds ba kayo ni Captain kagabi?" Mas lalong kumunot ang noo ko sa tanong nito.

"R-Rounds?"

"Oo. Rounds. Ilang rounds ang naabot niyong dalawa ni, Captain? Naka-dalawa ba?"___Xavier

"Lima?"___Ayrton

"Apat?"___Levi

"O tatlo?"___Raiden

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila. Mga abnoy na unggoy! Ano bang rounds?!

"Huwag mong sabihin na isang rounds lang ang nakaya niyo ni Captain? Tsk. Tsk. Mahina" Tila dismayadong turan ni Raiden saka napailing pa at lumayo sakin saka napa-cross arms.

"Teka nga muna. Ano bang rounds ang mga pinagsasabi niyo? Hindi kami nag-sparring kagabi ni Kane nag-s-------" Naiwan sa ere ang sasabin ko. Waaa! Bastos na bunganga. Kaagad natuon ang paningin nila saking lahat saka may mga nakakalokong ngiti sa mga labi nila.

"Prim, iyon nga ang ibig naming sabihin. Nakailang tot tot ba kayo ni Captian kagabi?" Tanong ni Raiden kaya napangiwi ako saka pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon