PRIMITIVA
Nangunot ang noo ko ng sabay pa silang nagsalita kasunod noon ang malutong nilang tawanan dahilan para mas magtaka ako sa mga kinikilos nila. Did I said something funny?
"Woah! Gago ka daw, Captain!" Saad ng lalaking may dimple sa magkabilang pisngi at tumawa ito ng pagkalakas-lakas lahat tuloy ng estudyante napabaling ang tingin samin. Ngayon ko lang rin napansin na may mga itsura rin pala ang mga ito.
"Ikaw kaya ang gaguhin ko, Madrigal?" Halata ang kaseryosohan at inis sa boses ni Kane at kasabay non ang pagtahimik ng lalaki sa likuran niya. Napaiwas ako ng tingin ng bumaling ito sakin.
"I let you pass yesterday, lady but this time I won't tolerate your filthy mouth" He said firmly and grab my arm. "I need to punish that mouth of yours, Harriette" Dagdag nito at kinaladkad ako papunta sa kung saan. Nanlaki naman ang mga mata ko at pinilit na kumawala sa kanya pero mas malakas siya sakin.
"H-Hoy! Saan mo ako dadalhin?!" Pinilit kong alisin ang kamay niya sa braso ko pero hindi ko manlang magawang alisin ni daliri niya. Bwisit! "A-Ano ba?!" Reklamo ko ulit pero parang wala siyang naririnig. Napatingin ako sa paligid at napansin ko na naaagaw na namin ang atensyon ng mga estudyante. Patay na naman ako nito.
Nakarating kami sa isang maliit na parang resthouse tapos wala pa masyadong estudyante. Kaagad akong nilukob ng pangamba dahil may kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip ko. Binuksan niya ang pinto kaya nanlaki ang mga mata ko. Tumingin ito sakin kaya umiling ako at hinila ang kamay ko pero ngumisi lang ito at mabilis niya akong hinila sa loob at kaagad inilock ang pinto. Mabilis kong pinihit ang door knob pero lang ya ayaw magbukas. Kinalampag ko naman ito baka sakaling may makarinig.
"Somebody help! Tulong!" Sigaw ko saka kinalampag ulit ang pinto. Inis akong bumaling sa lalaking nakaupo sa recliner at hawak sa kaliwang kamay niya ang isang ballpen habang nakatingin sakin.
"Don't exert too much effort, Lady. They cannot hear you outside. This place is soundproof" Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Parang nawalan ako bigla ng lakas.
"A-Ano ba kasing lugar 'to?" Tanong ko at isinawalang bahala ang katotohanang kami lang dalawa dito.
"My office" Walang ganang sagot niya. Opisina? Opisina niya 'to? Ibang klase!
"Why did you bring me here?!" Inis kong tanong at hinalungkat ang bag ko. I need to call for help. Hinanap ko sa contacts ang number ni Aziz. He's my only hope this time.
"What are you doing?" Kunot noong tanong nito habang palapit na sakin ngayon.
"Isn't it obvious? Tatawag ng pulis" Walang ganang saad ko at kaagad kinontak si Aziz pero bago ko manlang mailagay sa tenga ko ang cellphone ay mabilis niya itong hinablot at sa tingin ko'y pinatay niya ang tawag. Kukuhanin ko sana sa kanya pero kaagad niya itong isinilid sa bulsa ng slacks niya. Arrrgghhh! Napapadyak ako sa inis at napabuga ng hangin. I shoot deadly stares over him but he just smirk.
"Palabasin mo na kasi ako dito! Kailangan ko pang pumasok sa klase" Wika ko pero umiling ito.
"Your class?" Tumingin ito sa wrist watch niya. "You're 30 minutes late already. Mamaya pa ang sunod mong klase" Parang wala lang sa kanya habang sinasabi ito at humalukipkip. Napabuga nalang ako ng hangin at kinalma ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...