Prim's POV
"Ako? Susuntukin ka? Hindi! I'm just stretching my arm. You know" Sabi ko habang nakangiti at inunat-unat ang kamay ko na muntik na namang dumapo sa mukha niya kanina. Natawa naman ako ng irapan ako nito. Kita mo 'to. Daig pa ako kung makairap.
"Tss" Ungot nito. Inunahan ko ito sa paglalakad habang hawak ang kamay niya at humarap sa kanya. I walk backwards as I look into him.
"Sa susunod kasi ikaw nalang ang umiwas" Wika ko rito at pilyo siyang nginitian. Nakita ko naman ang pagsimangot nito kaya mas lalo akong natawa.
Tumigil naman ito sa paglalakad kaya napatigil rin ako. Lumapit ito sakin. He just pat my head and wrapped his arms around my shoulder and pull me closer to him.
"You just really like hurting me" Wika nito kaya napatingala ako rito.
"Defense mechanism lang 'yon. Hindi ko naman sadya" Saad ko kaya tumingin rin ito sakin. Marahan lang nitong pinisil ang ilong ko.
"But you still need to pay for that, Harriette"Seryoso nitong sabi kaya nagsalubong ang kilay ko. "You punch me thrice so I will charge three too for the damage that you caused" Dagdag nito kaya kaagad akong lumayo sa kanya.
"Ano? Nag-sorry naman ako ah?" Reklamo ko rito pero umiling lang ito at humakbang palapit sakin. Nanatili lang akong nakatayo hanggang sa makalapit siya sakin.
"But you still need to pay for it" Giit nito kaya napairap ako.
"Magkano ba lahat yon?" Walang ganang wika ko sa kanya. Ngumiti naman ito ng nakakaloko.
Nahigit ko ang hininga ko ng hawakan nito ang magkabilang balikat ko at inilapit ang mukha sakin. Napakurap-kurap ako.
"A kiss will do" Wika nito dahilan para manlaki ang mga mata ko. Mabilis namang dumapo ang kamay ko sa mukha niya at tinulak ito palayo sakin.
"Damn it!" Mura nito. Pinag-cross ko naman ang kamay ko sa itaas ng dibdib ko at tinaasan siya ng kilay.
"A-Anong kiss ka diyan? Bawal pa 'yon" Saad ko at humakbang paatras. Nakita ko naman ang pagkamot nito sa kilay niya.
"Hindi ko naman sinabing hahalikan kita ngayon" Mahinahon nitong sabi. Kaagad akong napatingin sa paligid mabuti nalang walang ibang estudyante dito sa parking lot. Sumenyas naman ang kamay nito na pinapalapit ako. Hindi naman ako gumalaw sa kinatatayuan ko.
"Tss. Come here" Wika nito pero hindi parin ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Napabuntong hininga ito saka siya na mismo ang lumapit sakin. Kinuha nito ang kamay ko at pinagsalikop ito sa kamay niya. Marahan ako nitong hinila para maglakad kaya sumunod naman ako.
"I was just kidding, Harriette. I won't do that. This is not yet the right time for that" Malumanay nitong sabi kaya napatingin ako rito. Seryoso lang ang mukha nito habang nakatingin sa dinadaanan namin. Tumigil naman kami sa tapat ng sasakyan nito. Binitawan nito ang kamay ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Tinitigan ako nito ng seryoso sa mga mata ko.
"I respect you more than what you think, Harriette. Always remember that" He sincerely said kaya kusa akong napangiti. I suddenly feel overwhelm with what he said. Tumango naman ako.
"Kulang nalang popcorn" Kaagad akong napalayo kay Kane ng marinig ang boses ni Raiden sa di kalayuan samin at may hawka na cellphone. Kasama nito sina Levi at Ayrton na may kanya-kanyang hawak rin na cellphone at nakatutok samin. Nangunot naman ang noo ko.
"Gago! Ba't ka nag-ingay diyan!" Wika ni Ayrton at siniko sa tagiliran si Raiden.
"Sayang 'yung pagkuha ko ng video. Nasama pati boses mong bulok!" Saad naman ni Levi at binatukan si Raiden.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...