Chapter Fifty-Seven

106 3 0
                                    

Prim's POV

The first day has ended already. I and Carrhiza are walking on our way to school's gate. Kane left already dahil tumawag ang parents nito at may kailangan daw silang puntahan. He insisted to drive me home but I didn't accept his offer.

I need to talk to Carrhiza first. I need to congratulate her because she won the first place. Kahit hindi pa siya ang champion at least nakapasok siya. Kailangan ko ring makausap ito dahil medyo lutang ito buong araw.

"Aren't you going to say anything?" I uttered after the long pause. I've been talking to her for almost 2 minutes already but she's still spacing out. She gave me a skeptical gaze.

"S-Sorry. Ano palang sinasabi mo?"

Gusto kong umirap sa sinabi nito. I just heave a deep sigh and tap her back.

"Magsabi ka nga sakin. Is it because of Xavier again?" And that made her stop from walking. Kalaunan ay naglakad ulit ito pagkatapos ay tumawa saka pabiro akong hinampas. But I didn't laugh. I gave her my weirdest glance.

"Stop acting like you're not affected about it, Rhiz. I saw how your face earlier when we talked about him. I know I gave you advices to let go of him but looking at you right now, you're not fully healed"

Tumingin ito sakin. "Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko, Prim. May nararamdaman parin kasi ako kay Xavier at meron rin kay Raiden. I don't know"

Pati rin ako ay naguluhan sa sinabi nito. Mas naging komplikado tuloy. Napabuntong hininga naman ako. "Hindi mo naman sila pwedeng mahalin ng sabay. Ibalanse mo nalang kung sino ang mas matimbang sa kanila"

Napakamot naman ito sa ulo niya saka napabuntong hininga. Hindi ito sumagot. Nang makalabas kami sa gate ay sakto namang nandito na ang sundo niya. Nagpaalam na ito kaya dumiretso narin ako pauwi. Quarter to six na rin. My phone vibrated kaya kinuha ko ito mula sa bag ko. Napangiti ako ng makita ang pangalan ni Kane sa screen ng cellphone ko.

"Kumusta?" Tanong ko kaagad sa kanya.

[I'm fine. How about you? Did you get home already?]

Napangiti naman ako sa tanong nito.

"Hindi pa. Medyo malapit na ako sa bahay"

[Tss. Dapat nagpahatid ka na sakin kanina]

"Diba nga dumiretso ka na diyan sa meeting place niyo? Teka nga pala, so anong nangyari sa pinuntahan mo?" Tanong ko. Matagal itong hindi nagsalita at narinig ko ang isang boses ng babae sa kabilang linya.

[Kane? What are you still---Wait, Mom!] Rinig kong wika nito kaya nahiniha kong Mama niya iyon.

[Sorry Love but I need to hang up now. Text me if you're already home. I need to know if you're safe]

"Sige. Ingat ka rin. I love you, Baby Love"

[I love you too, Baby Love]

Pagkatapos ng tawag ay pinatay ko na ito saka nakangiting ibinalik sa bag ko ang cellphone. Natanaw ko na ang gate namin pero bumagal ang lakad ko ng mapansin ko ang dalawang sasakyan na nakaparada. Nang makalapit ako ay kunot noo ko itong pinagmasdan bago pumasok sa loob ng gate. Sino naman kaya ang bisita namin?

Maingat akong naglakad papasok ng bahay at narinig ko ang mga kwentuhan at tawanan sa loob. Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ay nakita ko ang dalawang lalaki na nakatalikod mula sa pwesto ko. Kasing edad lang sila nina Mama at Papa.

"How's Prim? Kailangan ko rin siyang makausap about sa nangyari. I didn't mean to blame her for what happened to my son" Wika ng ginang.

Natigilan ako ng marinig ang pamilyar nitong boses. Dumako ang paningin ko sa isang lalaki na nakaupo at naka-side view mula sa pwesto ko. Natulala ako at napamaang ang labi ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng mahinuha kung sino ito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya. Naramdaman ko nalang ang isang butil ng luha na pumatak mula sa mata ko.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon