Carrhiza's POV
Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang mga bisita ni Raiden na nagsasayawan at may kung ano-ano pang ginagawa. Marami rin ngang nag-iinuman na mga ka-teammates din nila. Napabuntong hininga ako. Parang bigla akong nawalan ng gana. Napatingin ako sa mga kasama ko at malungkot akong napagiti. Although I'm happy seeing my best friend happy with Kane may part sa akin na naiinggit ako sa kanila. Sana all diba?
Lahat nalang yata ng bagay sa mundo wala ako. Hindi kami mayaman, scholar lang ako, walang mamahaling gamit, masyadong conservative, may malaking salamin at higit sa lahat laging sawi sa pag-ibig. Siguro ang ipinagpapasalamat ko nalang ay ang pagkakaroon ng mapagmahal na magulang at mga kapatid.
Napatingin ako kay Raiden na kanina pa nakatayo sa may railings nitong rooftop ng bahay niya. Simula kanina nang dumating ako ganyan na siya. Inaya na nga siya ng mga kaibigan niya pero tumanggi lang ito. Mula rin kanina ay umiinom parin ito ng alak hanggang ngayon.
Ano kayang problema ng supot na 'to? Tumayo at ibinaba ang beer na hawak ko. Hindi ko naman ito ininom. Trip ko lang hawakan dahil naiinis ako sa dalawa sa tabi ko na naglalampungan kanina. Baka sakaling mandilim ang paningin ko at ipukpok ko sa ulo nila. Tss.
Pero hindi naman ako masamang tao para gawin 'yon. Kahit gaano pa ako naiinis sa isang tao hindi ko binalak na manakit. Tumingin ako kay Xavier ng hawakan nito ang kamay ko. Nakasalubong ang kilay nito. Nagharumintado naman ang puso ko pero pinili kong patigasin ang mukha ko at taasan siya ng kilay.
"Saan ka pupunta?" Tanong nito pero hindi ko ito pinansin at inalis ang kamay niya sa kamay ko.
"You don't have to know" Malamig kong saad saka na ako tumalikod.
"I have to know, Carrhiza" Wika nito kaya napatigil ako sa paglalakad at inis na nilingon ito.
"And why do you have to know? Ano ba kita?" Sarkastikong tanong ko rito. Matagal itong nakatitig sakin at wala manlang isinagot kaya dismayado akong napailing saka na naglakad papunta sa pwesto ni Raiden.
Ngunit hindi pa man ako nakakarating doon ay may humila na sa braso ko. "Ano ba!" Inis kong saad ng mahinuha kong sino ang may gawa non.
"Kaibigan mo ako, Carrhiza" Mariing saad nito dahilan para kumirot ang puso ko. Pagak akong natawa saka napailing. Pabalya kong inalis ang kamay niya sa braso ko.
"Then stop acting like my freakin' boyfriend when you're always saying that I'm just your fucking friend" Malamig kong saad at tinalikuran kaagad ito para itago ang sakit sa mga mata ko.
Hanggang ngayon naguguluhan parin ako sa pinapakita sakin ni Xavier. He's caring, sweet and protective. Minsan rin napaka-seloso pero lagi niyang sinasabi sakin na kaibigan niya ako kaya ganun siya sakin. Hindi ko talaga siya maintindihan.
Pinipilit ko namang mag-move on pero wala akong magagawa dahil hindi parin naaalis 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Napabuntong hininga nalang ako saka tumabi kay Raiden. Napatingin ito sakin saglit saka ibinalik ang paningin sa baso ng alak na iniinom niya. Mapupungay na ang mga mata nito.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya sakin habang ang paningin ay nasa malayo.
"Wala lang. Wala kasing nang-aasar sakin" Pagbibiro ko at mahinang natawa. Saglit itong tumingin sakin at hindi nagsalita. Tumingin ako sa kalangitan na puno ng mga bituwin. Matagal kaming tahimik hanggang sa mapatingin ako rito.
"May problema ka ba?" Tanong ko rito. Humawak ito sa railings saka tumingin sakin.
"Ano bang pake mo?" Tanong nito dahilan para sapukin ko siya sa braso. Tumingin ito sakin at binigyan ako ng nakakamatay na tingin. Ngumiti ako rito. Iniwas niya lang ang tingin niya sakin.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]
RomanceIn an unexpected time In an unexpected moment In an unexpected scenario She will have an instant boyfriend. A boyfriend that will turn her life into chaos. Will she be able to bring back her old life or she will accept her new life? ______ Date Star...