Chapter Twenty-Four

167 6 3
                                    

PRIMITIVA


After I blurted out those embarassing words, Ayrton and Raiden spit out the lemonade on the table. Carrhiza is still clueless while she's patting Xavier's back when he choke on his food. I couldn't help myself but to blame my freakin' stupidity. Pilit kong inalis ang kamay ni Kane nakahawak sa kamay ko na nagawa ko naman.

"P-Prim, anong banana ang nahawakan mo?" Tanong ni Raiden dahilan para manliit ako sa kinauupuan ko. "C-Captain, hindi mo naman sinabi na may banana ka pala diyan" Dagdag nito na mas lalong ikinakaba ko.

"Shut the fuck up, moron!" Galit na wika ni Kane sabay bato sa kanya ng kutsara na mabuti ay nasalo niya. Nanlaki ang mga mata nito at namutla.

"J-Joke lang, Captain" Hingi nito ng paumanhin saka napakamot sa ulo niya. "Tinatanong ko lang naman si Prim kung anong klaseng banana ang nahawakan niya. Sabi niya kasi malaki daw at matigas" Saad nitong muli dahilan para umakyat lahat ng dugo ko sa mukha.

A sudden movement coming from Kane makes me gasps. Lumipad kasi papunta kay Raiden ang tinidor na hindi niya naiwasan. Tumama ito sa balikat niya bago nahulog sa semento. The sound of it captures the students attention. Kaagad akong napabaling kay Kane at sobrang dilim na ng mukha nito. Parang may invisible na ulap sa tuktok nito at anytime lang ay kukulog at kikidlat na.

"Are you wishing for your death, Madrigal?" Malamig nitong tanong dahilan para hawakan ko ito sa braso niya.

"Pre, anong gusto niyong kape? 3 in 1 o original?"__Ayrton

"3 in 1 nalang para hindi na kailangan ng asukal"___Xavier

"Sa biskwit? Anong gusto niyo? Paborita o 'yung isang balde na halo-halo 'yung laman?"___Levi

"Mas gusto ko sandwhich"___Ayrton

"Ang arte mo naman. Masyadong magastos sa palaman"___Levi

"Sinong hihiram ng upuan at la mesa sa barangay?"___Xavier

"Kayo nalang. Malakas kayo kay Kapitan"___Levi

"Sinong gagawa ng tarpaulin?"___Ayrton

"Huwag na, hindi na makikilala ang mukha niyan"----Xavier

Pabalik-balik ang tingin ko sa tatlo na hindi ko ma-gets ang mga pinag-uusapan. Sabay-sabay silang napatingin kay Raiden na natuod na sa kinauupuan at putlang-putla ang mukha. Hinawakan ni Levi at Xavier si Raiden sa balikat at sa braso naman si Ayrton.

"Condolence, Tol" Sabay-sabay nilang sabi rito. Napanganga naman kaming dalawa ni Carrhiza. Ano bang pinagsasabi ng mga 'to? Mukhang nakabalik naman si Raiden sa huwestiyo at mabilis na dinagukan ang tatlo.

"MGA GAGO KAYO! Ba't niyo ako pinaglalamayan? Eh kung kayo ang ibaon ko sa lupa ngayon na?!" Galit nitong sabi at pinagsusuntok ang tatlo. Mabilis naman na nagsitakbuhan ang tatlo habang tumatawa hinabol niya rin ang mga ito palabas ng cafeteria.

Narinig ko naman ang pag-Tss ni Kane sa tabi ko at kinuha ang Pasta saka nilagyan ang plato ko at plato niya. Napakurap-kurap ako at kahit anong pag-iisip ko ay hindi ko parin maintindihan kung anong nangyayari don sa apat. Mga unggoy. Tss.

Unexpectedly Yours [Completed/Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon