23. Chaesoo Moments 2

77 1 0
                                    

Jisoo: chaeung anu ba?! napapagod na ko e bakit ba ang bilis mo maglakad!?

Chaeung: sino ba kase nagsabing sundan mo ko ah! at isa pa kahit bagalan ko ang lakad ko e sa isang hakbang ko tatlong hakbang mo na ang katumbas sa liit ng mga biyas mo!

Jisoo: ouch! grabe ka naman magsalita! pero teka lang huminto ka nga muna saglit! may sasabihin ako e!

Chaeung: pwede mo naman kaseng sabihin habang naglalakd dba?

Jisoo: (haist! talagang hindi ka hihinto ah!)

Binilisan ni jisoo ang paghakbang upang maabutan si chaeung at ilang sandali nga ay naabutan nya ito. Agad nyang pinigilan si chaeung at iniharap sknya.

Chaeung: what the!!

Jisoo: please let me talk for just a second then after you hear what i'm going to tell you, you can leave promise!

Chaeung: speak!

Jisoo: ok.. I know mahirap sayong paniwalaan ang sasabihin ko but one thing i will assure to you..

Chaeung: what it is?

Jisoo: na lahat ng sasabihin ko ay galing sa puso ko! (agad ko namang kinuha mula sa pocket ko ang isang papel na naglalaman ng nararamdaman ko paea kay chaeung, medyo old style ang ginamit ko para maiba naman at para maisip ni chaeung na sknya ko lang ginawa ang bagay na ito)

Chaeung: (nagulat naman ako ng may kinuha si jisoo mula sa bulsa nya, isang papel na napansin kong ang daming nakasulat. Old style pala ang isang toh kaya pala ang daming naloloko nito e)

Jisoo: ok listen to me. First, sayo ko lang ginawa ang pagsulat ng nararamdaman ko, i know old style toh pero maniwala ka sayo ko lang ginawa na toh chaeung. Second, (inumpisahan ko nang basahin ang lahat ng naisulat ko na naglalaman ng  nararamdaman ko para kay chaeung) alam ko mahirap para sayo paniwalaan ang lahat ng sasabihin ng isang katulad ko pero hayaan mo kong patunayan sayo ang lahat ng ito. Gusto kita park chaeung. I don't know when did it start pero in every single day hindi talaga ako mapakali pag hindi kita nakikita kaya sumusugal ako na kahit pinagtatabuyan na ko nila jennie at lisa ay talagang pupunta ako dito para makita ka. Hindi ko alam na ang isang katulad ko ay magkakagusto sa isang katulad mo na takot sa mga taong manloloko pero alam mo ba na simula nang maramdaman ko tong feelings na to towards you ay bigla akong nangako sa sarili ko na magbabago ako, magbabago ako hindi lang para sa sarili ko kundi para maniwala ka na may isang kagaya ko na womanizer, manloloko, siraulo na kayang magbago para lang patunayan ang nararamdaman ko para sayo. I'm sorry kung sa tingin mi na pinagttripan kita, na akala mo gagawin kitang biktima ko, na akala mo ay niloloko lang kita pero maniwala ka kahit sa pagkakataon lang na ito..HAyaan mong patunayan ko ang sarili ko sayo. Ms park Chaeung just let me prove myself to you. Hindi man ako nangangako pero susubukan ko dahil gusto kong magbago para sayo, para tanggapin mo yung nararamdaman ko para sayo. Please let me court you?

Hindi alam ni chaeung ang totoong mararamdaman nya sa sinasabi ni jisoo ngayon sknya. Kitang kita kase nya sa mata ni jisoo kung gaano ito kaseryoso sa lahat ng binitawan nitong salita sknya.

Jisoo: please chaeung?

Chaeung: (hindi ko alam ang isasagot ko. Oo aaminin ko gusto din kita jisoo pero hindi mo maiaalis skin ang hindi matakot sumugal sa isang katulad mo)

Jisoo: (napansin kong tatalikod sana skin si chaeung kaya agad ko itong pinigilan) chaeung!!!

Chaeung: what?!

Jisoo: wala ka man lang bang sasabihin?

Chaeung: sabi mo kanina pakinggan lang kita tapos pwede na kong umalis? tapos ngayon gusto mong may sabihin ako sayo? sira talaga tuktok mo e nuh.

Jisoo: ahhh kase baka lang naman...

Chaeung: sa oras na magloko ka habang nililigawan ako e wag ka nang magpakita skin, alam ko naman ang oras ng pasok ko i just want you to inform me kapag pupunta ka na sa restaurant mo dahil ayoko namang makaistorbo sa trabaho mo. Lunch break ko ay same kay jennie at lisa kaya kung gusto mo kong makita make sure na kasama sila dahil double couples tayong apat! at last! ayoko nang may kinakausap kang ibang babae o lalake man yan pag kasama mo ko! hahayaan kitang lumandi pag dmu ko kasama pero make sure na hindi kita mahuhuli sa akto. Ok na? oh sya babalik na ko sa office at baka nagwawala na ang pinsan mo dun at malamang e nagbabangayan na yung dalawa at hindi alam ni lisa kung paano ieexplain kay jennie ang mga paper works duon. Wala ka na bang sasabihin bago ako umalis?

Natahimik naman si jisoo sa lahat ng sinabi ni chaeung sknya. PAkiramdam nya ay sasabog sya sa sobrang kilig na nararamdaman matapos magsalita ni chaeung.

Chaeung: hoy wala ka na bang sasabihin kase aalis na ko!

Jisoo: ahhh hehehe masusunod chaeung! thank you!!!

agad namang tumalikod si chaeung na may ngiti sa mga labi dahil sa kilig na nararamdaman habang si jisoo naman ay walang oagsidlan ang saya na nararamdaman dahil pinayagan sya ni chaeung na manligaw dito.

AT the office...

JEnnie: anu ba lisa ayusin mo kase hindi ko maintindihan sinasabi mo!

Lisa: bakit ba kase skin mo pinapagawa toh ah! (takte naman e asan na ba si chaeung masasakal ko na ang pusa na toh e kundi ko lang talaga mahal toh malamang naisako ko na ang isang toh!)

Jennie: wala si chaeung dba? at isa pa dapat kase pinag-aaralan mo din ang mga ganyang bagay. Paano pag naging sila na ni jisoo e di lage na silang magdadate e di tayo ajg lageng magkasama na so it means ikaw ang gagawa ng gawain ni chaeung!

Lisa: ang dami ko namang sinabi e! intindihin mo na lang kase hindi pa ko kasyadong pamilyar sa mga korean language na toh anu ka ba taga'thailand ako remember.

Jennie: nasa korea ka kaya kung ppwede lang e matuto ka ng lengguhe namen ok!

Lisa: grrrr talagang hindi ka nauubusan ng sasabihin e nuh!

Jennie: oh bakit nagrereklamo ka na ngayon?

Chaeung: (haist ok na sana e masaya na ko dahil sa ginawang pagpapakilig skin ni jisoo e tapos etong dalawa lang na toh ang babasag ng kasayahan ko haist mga demonyo talaga!) hoy kayong dalawa! hanggang hallway naririnig ko na yang bangayan nyo ah anu bang plano nyo ah? hindi ba talaga kayo magkakasundo?

Lisa: si jennie kase e skin pinapagawa yung trabaho mo e hindi ko pa nga kabisado lahat.

Jennie: bakit ako? at first sinabi ko na kase sayo na pag-aralan mo hindi ba? pero anu ginagawa mo? binubwisit mo lang talaga ako..

Lisa: naiinlove ka na nga skin sa pambbwisit ko sayo e!

JEnnie: oh kita mo! yan dyan ka kagaling ang mambola!

Lisa: kunwari ka pa e kinikilig ka naman!

Chaeung: pwede ba magsipagtahimik nga kayong dalawa! ikaw lisa alam mo na kasama sa trabaho mo bilang personal assistant ni jennie ang pinapagawa nya sayo. PAano pag naisipan ko nang magfocus sa clothing business ko paano si jennie? e di nalugi ang kumpanya dba?! at ikaw naman jennie wag kang puro salita kay lisa e totoo naman ang sinasabi nya na inlove ka na sa mga ginagawa nyang pambobola sayo kaya tantanan mo kahit isang araw lang ang pagbubunga-nga mo kahit isang araw lang.. KAyong dalawa! imbes na ang ganda na ng mood ko dahil sa pag-amin skin ni jisoo e nasisira ng kabaliwan nyo! dinadamay nyo pa ko sa kabaliwan nyo!!

NAtahimik naman ang dalawa sa pagsigaw ni chaeung pero imbes na tumahimik ay mas lalo pang nagkasundo ang mga ito upang asarin si chaeung.

Jennie: so umamin na nga si jisoo sayo?

Lisa: anu sinagot Mo? share mo naman!

Jennie: liligawan ka na ba nya?

Lisa: magkwento ka naman chaeung!

Chaeung: yaaaaahhhh!!! mababaliw ako sainyong dalawa! makalayas na nga ulit!

Jennie: hoy san ka pupunta?

Chaeung: lilipat ako ng pwesto malayo sainyong dalawa! mga baliw!!!

At tuluyan na ngang lumabas si chaeung at naiwan naman ang dalawa na nagtawanan matapos ang pang-aasar nila kay chaeung.

My Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon