20. First Date

116 2 0
                                    

Lisa: ang tagal naman nun! woooaahh! relax lisa ikaw nakaisip nitong idea na toh kaya panindigan mo!!!

Habang hinihintay ni lisa ang pagbaba ni jennie ay napukaw ng paningin nya ang mga litrato sa ibabaw ng furnace kaya agad nyang nilapitan ito.

Lisa: (eto pala ang mga magulang ni jennie. Ang cute naman ni jennie nung bata sya! makuhaan nga ng pictures etong mga...)

Napahinto si lisa sa sinasabi ng isip nya nang makita ang isang litrato kung saan kasama ng maliit na jennie ang kanyang ina.

Lisa: (mama?? teka paanong..)

Jennie: lisa??!! andyan ka ba??

Lisa: oo jen andito ako, napakata...(napalunok ako ng malalim ng makita ko ang isang jennie kim ngayon sa harapan ko, she was so fucking beatiful! she was just wearing a floral dress that fits on her sexy waist and a pair of a plain flat doll shoes at ang mas nagpaganda sknya ay ang high ponytail nya, napaka-aliwalas ng mukha nya)

Jennie: tutulungan mo ba ako bumaba o titingnan mo lang ako?! (alam kong nagagandahan ka skin si lisa dahil naaaninag ko ang di mo paggalaw sa kinatatayuan mo)

Lisa: ahh! yeahh hehehe pasensya na may nakita kase ako sa likod mo na nakatayo e kaya nawala ako sa focus.

Jennie: lokohin mo sarili mo! (alam ko naman na nagandahan ka skin lisa!)

Lisa: dahan-dahan ah baka mahulog tayo.
Pero kung mangyari yun sasaluhin naman kita, para di ka na bumagsak sa iba! (pota hahaha pati ako natawa sa banat ko)

Jennie: e kung sipain kaya kita dyan para ikaw na lang mahulog nuh! idadamay mo pa ko! (echoz lang haha natawa kase ako sa banat ng unggoy na toh pero kinikilig talaga ako)

Lisa: grabe ka naman skin! hindi ka ba nabiyayaan ng kasweetan sa katawan kahit konti lang?

JEnnie: kung nabiyayaan ako ng kasweetan sa katawan lisa wag kang mag-alala ikaw ang kauna-unahang tao na makakaramdam nun (what?! jennie kim bumabanat ka din!! grrr...KAinis nakakahiya)

Lisa: no comment! (pero sa totoo lang kinilig talaga ako sa banat na yun hahaha just imagine sa dami ng nagkakagusto sayo jennie skin ka tinamaan ng lintek hahaha)

Ilang minuto pa ay narating na nila jennie at lisa ang garahe at nagulat naman si lisa ng makita ang anim na laxuary cars.

Jennie: just choose..

Lisa: teka...sayo lahat toh?

Jennie: gusto mo bang makita mga papers nyang para maniwala k9ang akin yan?

Lisa: hindi naman sa ganun, pero paano ka nakabili ng mga ito?

Jennie: si jisoo ang pumili ng mga yan, i just pay for it.. Sabi nya kase bagay sa pagkatao ko ang mga kotse na yan that's why i buy them..

Lisa: (halata ngang bagay sa pagkatao ni jennie ang mga ito, grabe takaw pansin sa kalsada ang mga ito pag ginamit namen) ahh jennie hahaha baka pwedeng maglakad na lang tayo. Tutal naman e malapit lang dito yung park di ba?

Jennie: adik ka ba talaga? pumunta pa tayo dito sa garahe tapos sasabihin mo skin ngayon na sa park lang pala tayo?!

Lisa: jennie kase..

Jennie: ok let's go!

Lisa: (tingnan mo tong isang toh! toyo talaga kahit kelan! hahaha nakakatuwa ka talaga jennie sarap mong isako tapos kilitiin ng kilitiin!)

Jennie: dyan ka na lang? don't waste my day lalisa manoban!

Lisa: oo na eto na!

Agad na sinundan ni lisa si jennie at hinawakan ang kamay nito at nilagay sa braso nya. Hindi naman naiwasang kiligin ni jennie dahil sa gesture ni lisa napaka-gentle woman kase nito kahit na palage silang nagbabangayan ay hindi jito hinahayaan na mapahamak talaga sya at ramdam na ramdam nya ang mga salitang binitawan nito kanina.

My Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon