Lahat ay nakaayos na sa memorial service ni lisa. Ang mga bisita na binayaran nila jisoo ay nag-umpisa na din magpuntahan, si jennie naman ay tahimik lang sa isang gilid at pilit na kinukundisyon ang sarili para sa gagawing pangpapanggap.
Jennie: (kelangan mong ilabas ang acting skills mo jennie, hindi nila maaaring mahalata na alam mo na ang lahat. Humanda ka sakin lisa sa oras na matapos ang operasyon ko sisiguraduhin kong lulumpuhin talaga kitang kawayan ka!)
Jisoo:(napansin ko naman si jennie na tahimik lang sa isang tabi. Kawawa naman ang pinsan ko ang aga nabyuda. Tarantado ka lisa ang laki na nang nagastos ko para bayaran tong mga kunwari e nakikiramay sa burol mo!)
Chaeung: love..
Jisoo: oh love andyan ka na pala! asan si lisa?
Chaeung: ayun sa cremation jar siraulo!
Jisoo: ay oo nga pala hehehe
Chaeung: baka may makarinig sayo siraulo ka! nasa kotse si lisa, malamang e nagtataka yun.
Jisoo: huh?! bakit naman nagtataka ang unggoy na yun?!
Chaeung: sino ba naman hindi magtataka e kahit ako man din nagugulat sa dami ng tao puro hindi ko kilala! san mo ba nahagip yang mga yan?!
Jisoo: hehehe sa tabi-tabi lang..
Chaeung: kawawa naman si jennie (looking at jennie's direction) sa pangalawang pagkakataon e niloloko nyo na naman sya.
Jisoo: kaya nga e hayup na unggoy na yun ako nakokonsensya sa ginagawa nya sa pinsan ko. Pero wala na tayong magagawa kaya hayaan na lang naten si lisa dumiskarte sa mga plano nya.
Chaeung: naku siguraduhin lang nya na magtatagumpay sya sa plano nya kundi ako mismo tuluyang papatay saknya. Pgkakasyahin ko yung buong katawan nya dyan sa jar na yan!
Jisoo: haist! halika na love puntahan na naten si jennie.
At the car..
Lisa: san ba napulot ni jisoo yang mga tao na yan?! burol ang pupuntahan pero parang nagpa'party ang loko!
Mr.Manoban: anak sigurado ka ba talaga sa mga ginagawa mo?!
Lisa: opo papa. PAsensya na po kayo at nadamay pa kayo sa kalokohan ko.
Mr.Manoban: siguraduhin mo lang na magiging maayos ang lahat matapos ng operasyon ni jennie ah kundi malilintikan ka skin.
Lisa: papa naman! pati ba naman ikaw pinagbabantaan ang buhay ko?! baka naman matuluyan na kong mamatay nyan!
Mr.Manoban: naninigurado lang anak (hindi lang ako ang nagbabanta sa buhay mo anak.)
At the memorial..
Jisoo: jen kumain ka na muna. Mukhang wala ka pang kinakain.
Jennie: (this is it jennie kim! show to them what you've got!) sa tingin mo ba jisoo makakakain pa ko sa lagay kong ito? (iyak jennie! iyak!)
Chaeung: pero jen kelangan mo parin kumain, hindi magiging masaya si lisa kung asan man sya ngayon pag nalaman nya na pinababayaan mo ang sarili mo!
Jennie: (talagang hindi sya magiging masaya pag binugbog ko sya chaeung!) maya-maya na ko kakain chaeung. Salamat pala sa pag-aasikaso nang lahat. PAsensya na at wala man lang ako naitulong sa pag-aayos ng burol ni lisa (tarantado kang unggoy ka!)
Jisoo: ayos lang jennie alam naman namen na hindi mo pa kayang kumilos dahil sa bigat nang nararamdaman mo.
Jennie: (isa ka pang kuneho ka! napakagaling nyo talagang umarte ng jowa mo na ang talent ay kumain lang!) makakabawi din ako sainyong lahat. HAyaan nyo lang muna akong magluksa sa pagkawala ng taong mahal ko! (sa susunod kayo na ang pagluluksaan kong mga impakto kayo!)
BINABASA MO ANG
My Blind Love
AcakI can't see you but i can feel you. I can't see your image but i feel your presence. Gusto na kitang makilala pero paano mangyayari na makita ng isang bulag na katulad ko ang taong nagpapabago ng buhay ko. This is the story of my love na hindi ko ma...