27. Meet The Parents

109 3 0
                                    

Habang nasa byahe ang dalawa ay napansin ni lisa na nakatingin sa kanya si jennie.

Lisa: hindi ako makapagfocus sa pagddrive. (e panu ba naman napakaganda ng nakatingin skin kahit na alam kong bulag sya dko parin maiwasan ang hindi mailang)

Jennie: just focus on the road lisa. (as if naman na nakikita talaga kita)

Lisa: naiilang ako jennie.

Jennie: ok sorry.. (agad ko namang binaling ang position ko sa kabilang side)

Lisa: malapit na tayo jen.

Jennie: saan mo ba kase ako dadalhin?! wag mong sabihin na nagprepare ka ng date, sinasabi ko na sayo masasayang lang yun dahil hindi ko naman...

Lisa: shhh.. Andito na tayo. Kahit kelan talaga napakadaldal mo!

JEnnie: (simula lang naman ng dumating ka sa buhay ko kaya ako naging madaldal ng ganito)

Lisa: (lumabas naman ako mula sa driver seat, kinuha ko na kuna ang mga bulaklak na binili ko at agad na pumunta sa kabila upang pagbuksan si jennie) ohh dahan dahan lang ah.

Jennie: sinabi ko na kase sayo na..

Lisa: pwede ba kahit ngayon lang manahimik ka muna?

JEnnie: (agad ko namang tinikom ang bibig ko dahil sa sinabi ni lisa. Ayos tong isang toh ah hindi ko alam na napapasunod nya ko sa mga utos nya!)

Hinawakan ni lisa ang kamay ni jennie at nag-umpisa na silang maglakad patungo sa direksyon kung saan nakahimlay ang mga labi ng magulang ni jennie. Ilang minuto pa ay narating na nila ang puntod ng mga ito.

Jennie: (teka bakit parang alam ko tong lugar na toh at yung amoy ng mga bulaklak. Wag mo sabihing....)

Lisa: we're here!! good'afternoon po Mr. And Mrs. Kim.

Jennie: lisa?

Lisa: ahhmm ako nga po pala si lalisa panpriya manoban, kasama ko po pala ang nag-iisa nyong prinsesa na si jennie.

Jennie: (anu ba lisa?! hindi ko maintindihan ang nangyayari dahil nag-uumpisa na din tumulo ang mga luha ko ngayon na alam ko na nasa harapan kame ng puntod nila mommy at daddy.)

Lisa: ahh nga po pala may dala po kameng bulaklak ni jennue para po sainyo, pasensya na po hindi ko pa po kase alam ang paborito nyong bulaklak e pero hayaan nyo po sa susunod na punta namen e sisiguraduhin ko na paboritong bulaklak nyo na po ang dala namen.

JENnie: (sobra ang tuwa na nararamdaman ko ngayon dahil sa mga sinasabi ni lisa kala mommy at daddy. Hindi ko alam kung paano nya nalaman dito at kung anu ba talaga ang plano nya kung bakit kame andito)

Lisa: alam ko po na magugulat kayo sa sasabihin ko sainyo pero.. (agad ko namang hinawakan ang kamay ni jennie na ngayon ay napansin ko na naluluha ang mga mata) gusto ko po sanang pormal na magpaalam sainyo na kung inyong mararapatin ay gusto ko pong ligawan ang anak nyo.(shit naiiyak na ko anu ba yan?!) Hhehehe pasensya na po kung naiiyak ako, this is my first time po na magpaalam na manligaw sa taong gusto ko (looking at jennie) sa taong gusto kong alagaan, sa taong gusto kong protektahan at sa taong gustong gusto kong mahalin sa paraang alam ko. Ahmm ma'am and sir hindi po ako nangangako pero hayaan nyo pong subukan ko na patunayan ang layunin ko sa anak nyo. HAYaan nyo pong ipagpatuloy ko ang pag-aalaga at pagmamahal na naiwan nyo sa inyong unica iha. Salamat po ulit at sana patuloy nyo parin pong gabayan at bantayan ang prinsesa nyo. Wag na po kayong mag-alala masyado sknya dahil sisiguraduhin ko pong lage syang nasa maayos na kalagayan kasama po namen nila chaeung at ng pinsan nya na si jisoo. (muli kong binitawan ang kamay ni jennie upang lumuhod sa haraoan ng mga magulang nito bilang pagrespeto)

Hindi maipaliwanag ni jennie ang saya na nararamdamn nya sa mga salitang binitawan ni lisa sa harao ng ountod ng mga magulang nya. Eto kase ang unang pagkakataon na may nagpaalam sa mga ito na kung maaari ay ligawan sya karamihan kase ng nagsasabi sknya na manligaw ay binabasted nya agad dahil wala syang maramdamang espesyal sa mga ito maging kay kai man pero nang si lisa ang dumating sa buhay nya ay alam nya na agad na eto ang taong gusto nyang makasama hanggang sa huli, ang taong gusto nyang mahalin sa mahabang panahon at ang taong handa nyang igive up ang lahat ng meron sya para lamang dito.

Lisa: (pagtayo ko naman mula sa pagluhid ay napansin ko si jennie na nakatingin skin habang umiiyak kaya agad akong tumayo at pinunasan ang mga luha nito) huy bakit ka umiiyak? may mali ba kong nasabi sa mga magulang mo?

Jennie: wala lisa. Natutuwa lang ako ngayon. Hindi ko inexpect na dito mo ko dadalhin kala mommy at daddy at mas lalong hindi ko inexpect na magpapaalam ka skanila na ligawan ako.

Lisa: dba sinabi ko naman kase sayo hindi ako marunong manligaw pero alam ko na mas importante na ipaalam ko muna sa mga magulang mo ang intensyon ko sayo. Bilang paggalang na din at pagrespeto sknila.

JENnie: thank you lisa.

Lisa: para saan?

Jennie: dahil dinala mo ko dito. Sa totoo lang sa sobrang busy ko sa kumpanya ay halos nakakalimutan ko na ang dalawin sila. Siguro nagtatampo na sila skin dahil hindi ko man lang sila napupuntahan.

Lisa: pero ngayon for sure happy na sila.
kase andito ka na. Sige na kausapin mo na sila for sure mis na mis mo na sila and take note wag mo kalimutan na magsorry ah..

Jennie: sorry?!

Lisa: kase naging salbahe kang bata nung nawala sila hehehe sige na take your time. Antayin kita sa may waiting shed. Don't worry eto lang sa gilid kaya malapit padin ako sayo.. Sige na.

Jennie: thank you.

ilang sandali pa ay umalis na sila at nagpunta sa waiting shed pero sinisilip silip nya padin si jennie dahil baka madapa ito at hindi jya hawak ang walking stick nya. Habang si jennie naman ay nag-umpisa nang lumuhod at hindi na napigilan ang mga luha na magbaksakan sa mga mata nya.

JEnnie: mommy! daddy! miss na miss ko na po kayo! i know it's been 5yrs nang iwan nyo ko pero until now yung pain and loneliness it keeps hunting me! i'm so sorry for being such a stupid spoiled brat kid this past years, i'm sorry dahil napabayaan ko nuon ang kumpanya nyo na iniwan skin, i'm sorry dahil napabayaan ko din ang sarili ko.. i'm really sorry mom and dad..

Lisa: (hindi talaga ako umalis sa tabi ni jennie dahil alam kong mangyayari ang bagay na ito pero hinayaan ko lang sya na magsorry at patuloy na kausapin ang mga magulang nya)

Jennie: mom, dad.. Look at me now mas matapang na ko ngayon, kaya ko nang ipagpatuloy ang mga naiwan nyong legacy skin, kaya ko nang patunayan sa lahat na hindi kayo nagsisisi na sa akin nyo iniwan ang lahat. Thank you for always supporting and guiding me despite na hindi ko na kayo kasama. MAs lalo akong naging ok ngayon mom and dad dahil narin kay jisoo and chaeung, they never leave me sa lahat ng nangyari through up's and down's. Lalo pa ngayon sa pagdating ni lisa sa buhay ko. ALam nyo ba mom and dad binigyan nya ko ng pag-asa na makakita ulit.. i can't explain pero sa twing nakakakita ako ng liwanag ay alam ko na agad na si lisa yun and one time there was an incident that i saw her whole image.

Lisa: (what? kelan yun? so it means nakita na nya ang itsura ko? naku baka nung lasing ako mun? hindi hindi pero paano?! kelan? bakit hindi mo skin nasabi yun jennie?)

Jennie: and that time sinabi din skin ng doctor na may pag-asa pa daw po ako makakita.. DBa mom and dad ang galing? and it was all started when i met lisa, she's my saviour and now she keeps me happy always. Sya nga lang ang tanging tao na nasisigawan ako and look mom and dad alam nyo ba na sya lang ang taong nagparamdam skin na napakaimportante ko. Hindi ako nagkamali and i'm sure kayo din po alam nyong hindi ako magkakamali sa pagpili sknya na mahalin sya at gustuhin na makasama ko habang buhay.

Hindi naman malaman ni lisa kung anu ang nararamdaman nya lalo at sinabi ni jennie na sya ang taong gusto nitong makasama habang buhay.

Lisa: (ang alam ko manliligaw palang ako ah e bakit habang huhay na ang usapan nitong si jennie? kasal agad?  dpa ko ready pero isa lang ang sigurado ko at yun ay ang mahalin ka jennie kim at alagaan ka sa lahat ng pagkakataon na ibibigay skin ni lord).


My Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon