SA TULONG NG DADDY Shinji niya, nagawang dalhin nila Jos si Akaniro sa pinakamalapit na ospital mula sa Black Kingdom. Kaagad na inasikaso ng mga doktor si Akaniro at kasalukuyan na itong nasa Emergency Room. Hindi mapakali si Jos. Panay pakawala niya ng malalim na hininga habang wala sa sariling palakad-lakad siya ng wala sa deriksyon."Will you calm down, Jos."
Napahinto si Jos sa pagpaparoo't parito ng marinig niyang magsalita si Ian. "How can I? Something is not right here." Dahilan niya rito. "Something is odd."
"Nagawa mo pa bang kausapin si Akaniro pagkakita mo sa kanya bago siya tuluyang nawalan ng malay?"
Napabaling si Jos sa Daddy niya nang sumabat ito. Doon lang niya naalala ang pangalang binanggit nito. Hindi niya iyon kilala pero parang narinig na niya ang pangalan na iyon somewhere.
"Yes." Malalim ang iniisip na sagot niya sa Daddy niya.
"Ano? May sinabi ba siya kung sino ang bumaril sa kanya? O kung kilala niya ba ang may gawa noon sa kanya?" Sunod-sunod na tanong nito sa kanya.
Bahagya siyang umiling bago nagsalita. "I'm not sure though but he mentioned a name that sounds familiar to me." Aniya.
"What name?" Sabat ni Ian.
Silang tatlo lang ang naroroon sa labas ng Emergency Room habang hinihintay na makalabas ang doktor na nag-aasikaso kay Akaniro. Ryker and the others ay nagpaiwan sa Black Kingdom upang mag-imbestiga at naglinis na rin ng mga kalat.
Napatitig si Si Jos sa dalawang kasama niya sa labas ng Emergency Room bago binanggit ang pangalang sinabi sa kanya ni Akaniro. "Dr. Gamic."
"Si Dr. Gamic?"
Kaagad na natuon ang atensyon ni Jos sa Daddy niya nang muli nitong banggitin ang pangalang iyon na para bang kilala niya ito.
"You know him?" Jos voice out her thought.
"Of course. I know him. He was once a family doctor after all." Sagot nito.
"Anong kinalaman ni Dr. Gamic sa nangyari kay Akaniro?" Ian asked.
Napabuntong hininga si Jos. "I don't know but Akaniro also mentioned Inori. He asked me to protect Inori."
"Who's Inori?" Sabay na tanong ng dalawang lalaki.
"Akaniro's beloved." Maiksi niyang sagot sa mga ito pero mukhang isa iyong bombang sumabog para sa mga ito dahil sa gulat na biglang rumihestro sa mukha ng mga ito. "What so shocking?" Walang gana niyang tanong sa mga ito.
"Akaniro, that's it." Napailing-iling si Ian. "And here I thought that he's a monster."
"Well, big news. Monster knows how to love too." Aniya na puno ng sarkasmo.
"Where is this Inori you're talking about? Anong kinalaman niya rito?" Her Daddy Shinji asked, confused.
"Inori is currently in the laboratory. She's sick and the reason why Akaniro wants the Ruin." Sagot niya rito sa pinaka-iksing detalye para maintindihan nito ang dahilan ng lahat ng nagawa ni Akaniro. "And speaking of the Ruin. May interes ba si Dr. Gamic dito?"
Hindi nakaligtas sa mga mata ni Jos ang palitan ng tingin ng Daddy niya at ni Ian. Sa reaksyon pa lang ng mga ito masasabi na niya kung ano ang sagot sa tanong niyang iyon.
"So, he's interested too huh..." Palatak niya saka napatingala sa kisame ng ospital.
Akala ni Jos, kapag nalutas na niya ang problema kay Akaniro ay maaayos na ang lahat, na babalik na sa dating tahimik at payapa ang buhay niya pero mukhang nagkamali siya. Hindi pa pala natatapos doon ang gulong dulot ng mecha sa bihay niya. Napabuntong hininga na lamang siya.
Akamang magtatanong sanang muli si Jos sa Daddy niya tungkol sa Dr. Gamic na tinutukoy ni Akaniro nang biglang mag-ingay ang cellphone na nasa bulsa ng suot niyang jacket. Wala sa sariling kinuha ito ni Jos at tiningnan ang dahilan ng pag-iingay niyon nang mapagtanto niyang hindi pala sa kanya ang cellphone na iyon. It was Akaniro's phone.
Nang makitang isa sa mga tauhan ni Akaniro na nagbabantay kay Inori sa laboratory ang tumatawag ay kaagad niya itong sinagot, only to be shocked on the news she has received.
"What happened?"
Napakurap-kurap si Jos at napalingon kay Ian nang magtanong ito. "Inori..."
"May nangyari ba sa kanya?" Shinji asked.
Kaagad na umiling-iling si Jos. "Gising na raw siya." sagot niya rito. "Kailangan kong pumunta sa lab ngayon para i-check ang kalagayan niya." Paalam niya sa mga ito. "Kayo na muna ang bahala kay Akaniro." Pahabol pa niya at hindi na hinintay pa ang sagot ng mga ito saka mabilis na tinungo ang exit ng ospital.
NAGKATINGINAN NA lamang sina Ian at Shinji ng tuluyan nang mawala sa paningin nila si Jos.
"Call Ellio, Ian. Tell him to guard Jos." Utos ni Shinji nang mag-sink in na sa isipan niya ang mga nangyayari at ang maaari pang mangyari. This time, sisiguraduhin niyang hindi na sila mahuhuli pa. "Tatawagan ko rin si Violet para magpatulong sa paghahanap kay Dr. Gamic. I can feel that he is our dead end."
Kaagad namang sumunod si Ian sa inutos niya rito. Kaya naman ay dinukot na rin ni Shinji ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya at tinawagan si Violet na kaagad namang sumagot.
Matapos niyang sabihin dito ang mga nalalaman niya at sabihin dito ang mga hinuha niyang maaaring mangyari ay kaagad itong nagsuhestyon na magpatawag ng meeting sa Empire habang pinapahanap pa nila ang lokasyon ni Dr. Gamic na sinang-ayunan naman niya.
Matapos patayin ang tawag ay kaagad na hinanap ng mga mata ni Shinji si Ian na noon ay nakaupo na ulit sa waiting area ng emergency room. Mukhang tapos na rin itong kausapin si Ellio.
"Anong sabi?" Tanong ni Shinji pagkalapit niya rito.
"Consider it done daw." Sagot nito.
Tumangu-tango siya. "May gaganaping meeting ngayon sa Empire, kailangang nandoon ako kaya sayo ko muna iiwan si Akaniro." Paalam niya rito. "Call me kapag may balita na."
"Sige, Tito." sagot nito sa kanya sabay tayo mula sa pagkakaupo kapagkawan ay inabot sa kanya ang susi na dinukot nito sa bulsa nito.
Kaagad naman niya itong tinanggap nang mapagtantong kotse iyon ng sasakyan. Tinapik ni Shinji sa balikat si Ian bago siya tumalikod at lumabas na ng ospital.
Bago niya pinaharurot ang sasakyan patungong Empire, isang hiling ang naiusal ni Shinji sa sarili. 'Sana matapos na ang lahat ng kaguluhang ito.'
BINABASA MO ANG
VF BOOK 2: VIXEN's HEIR
AcciónAlright reserved ©2017 VF BOOK 2: VIXEN's HEIR He will take his own path. Like her mother, he is unpredictable... and also, he is an unbeatable. He inherited it all, every single pieces that his lovely mother has... and now, he had more than the exp...