NAGISING si Jos na namamanhid ang buong katawan. Nang ipalibot niya ang mga mata at makita ang sariling kalagayan, mariin na lamang siyang napapikit.Again? Paulit-ulit na lang ba itong mangyayari sa kanya? Wala na ba talaga itong katapusan? Tss...
Malalim na napabuntong-hininga si Jos bago muling ibinuka ang mga mata. Mataman niyang pinasadahan ang sarili na mahigpit na nakagapos sa isang metal na upuan. If her memory serves her right, ito rin ang upuan na pinagtalian sa kanya ni Akaniro no'ng una siya nitong nahuli. Gustuhin man niyang gumawa ng paraan para makatakas ay hindi niya magawa dahil tiyak niyang sa isang pagkakamaling galaw niya ay libo-libong bultahe ng kuryente ang tatama sa kanya. Kung bakit ba naman kasi naging conductor pa ng electricity ang katawan ng tao. Muli na lamang siyang napabuntong-hininga.
Ilang minutong pakikipagtitigan ni Jos sa kisame nang bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan niya. Mabilis niyang ipinikit ang mga mata at nagkunwari siyang walang malay. Mataman niyang pinakiramdaman ang dalawang bagong dating. Ramdam niya ang mabilis na pagkilos ng dalawa hangga't sa may panibago na namang dumating at magbigay ng utos ito sa dalawang nauna.
Then, she heard another voice again and this time, it's familiar kaya hindi niya napigilan ang magbukas ng mga mata. Doon lang niya napagtantong nakatitig na pala sa kanya ang lalaki. Wala na sa paligid ang mga kasama nito.
Matalim ang mga matang tiningnan niya si Akaniro. Gusto niya itong gilitan ng leeg ngunit bigla siyang natigilan nang marinig ang lumabas sa mga labi nito. Hindi niya iyon inaasahan kaya muntik nang bumagsak ang panga niya sa gulat. Gayunpaman ay hindi niya hinayaan ang sariling maging kampante, cause the last time when he'd caught her off guard, kakaibang hirap ang naranasan niya.
"Wow... Akaniro, anong nakain mo, talking to me like a smitten cat?" puno ng sarkasmong komento niya habang ingat na hindi maigalaw ang katawan.
Inaasahan na ni Jos na bubulyawan siya nito at sasaktan dahil sa tinuran niya ngunit taliwas doon ang reaksyong nakita niya mula rito na ikinakunot ng noo niya.
He saw him frustratedly heaved a sighed saka mariin na ginulo ang buhok. "I'm tired yet desperate, Lux. Kaya kahit gustuhin ko mang tumigil ay hindi ko magawa."
Mas lalong naguluhan si Jos sa klase ng boses na ginamit ng lalaki. Frustration are all over with it at katulad ng sinabi nito, he looked so tired. But still, she remained her face blank. Pinipilit ang sariling hindi maapektuhan sa biglaang pagbabago na pinapakita nito sa kanya. "Stop acting like a fucking pussycat, Akaniro. It's nonsense. It won't buy me at all."
"I know... pero pagod na ako, Lux. Oo, inaamin ko na dinaan kita sa dahas noon ngunit wala rin naman iyong nagawa, as you can see, mas lalo lang nitong pinalala ang sitwasyon. If only, I'd just ask you nicely to help me out way back then. Maybe... Just maybe..."
"Do you think I will believe you?" mapakla siyang natawa, "After all the shits you've done? Well, think again asshole."
"Hindi ko hihilingin ang paniwalaan mo ako, Lux. Simula pa lang ay alam kong hindi mo talaga ako paniniwalaan..." he paused for a while and heaved a sighed, kapagkuwan ay dahan-dahan itong lumapit sa kanya na ikinaalerto niya, "...but still, I want to show you something, maybe it can explain everything." mahina ang boses na dagdag nito habang kinakalagan siya.
TAHIMIK lamang na nakasunod si Jos kay Akaniro habang pinagtatagni-tagni sa isipan ang sitwasyon. Hindi niya alam kung ano ang gustong palabasin ng lalaki kung bakit nito iyon ginagawa gayunpaman, she still keep her guard up. Kahit na unti-unti na siyang nadadala sa ipinapakita nito ay pilit niyang tinitigasan ang sarili. Though, she can't help herself but to give Akaniro the benefit of a doubt. Ano nga bang dahilan ng lalaki? Bakit nito ginagawa ang ganoong kasamaan para makuha lamang ang Ruin sa kanya? At saka ano naman ang gagawin nito sa DNA? Use it for himself? But the question is, magiging compatible kaya sa blood type niya iyon? As far as her knowledge got, pili lamang ang blood type na tumatanggap doon, kaya malaking risk ang paggamit niyon. Maaari niya itong ikamatay.
Natigil sa pag-iisip si Jos nang huminto sila sa isang silid. Sa layo ng itinakbo ng diwa niya, hindi niya namalayan kung gaano kalayo o kalapit ang nilakad nila bago marating ang nakasaradong pinto na nasa harapan nila.
Dahan-dahan itong binuksan ni Akaniro. Pagkabukas ay kaagad siya nitong iginiya papasok at doon bumungad sa kanya ang isang silid na maihahalintulad niya sa isang ICU dahil sa mga gamit na nakapaloob sa naturang silid at sa amoy nitong asperin. Mabilis na dumako ang paningin niya sa kamang naroon sa gitna. May nakahiga roon na puno ng tubo ang katawan.
"She's all the reason why..." Napalingon siya kay Akaniro nang mag-umpisa itong magsalita. Nakatutok ang mga mata nitong bakas ang pangungulila sa babae habang nagsasalita. "Dahil sa sitwasyon niya, kinailangan kong kumapit sa patalim. I did illegal business to sustain her medicines, to keep her alive. Muntik na akong mawalan ng pag-asa, muntik ko na siyang i-give-up. I was about to set her free when I've heard about these thing they called mechacapsule at sa kaya nitong gawin. Nang dahil sa nalaman ko, nabuhay ang pag-asa sa kaibuturan ng puso ko." he paused saka lumapit sa babae at masuyong hinaplos ang pisngi nito.
Hindi umimik si Jos kahit na gusto niyang magtanong dahil ramdam niya na hindi pa tapos si Akaniro sa pagkikwento. Iyon kung pagkikwento ngang maituturing ang ginagawa nito.
"Magsisimula na sana ako sa paghahanap sa mecha na iyon when an old friend stopped me and tell me about this thing na may posibilidad na mas malakas pa sa mecha. Dati siyang tauhan ng abuelo kong si Akamori, he told me about the Ruin and what its capable of. He also gave me a hint kung saan ko iyon matatagpuan, kaya imbes na ang mecha ang hanapin ko, I decided to look..." he paused at tumingin sa kanya. "...after you."
Jos can't hardly breath because of the revelation she just heard but still, masyado pa ring malabo para sa kanya ang sitwasyon. At isa pa, anong kinalaman ng Ruin sa kalagayan ng babae? At paano nito masasabing ito nga ang kailangan nito para mapagaling ang pasyente nito na hindi niya alam kung kaano-ano nito? Sa pagkakaalam niya ay iba ang epekto ng Ruin at dalawa lang iyon, kung hindi mamamatay... magiging demonyo ito katulad niya.
Kaya kahit saang dako niya tingnan, hindi talaga niya makita ang ipinaglalaban ni Akaniro. At saka, ano ba ang nangyari sa babae at bakit ito nasa ganoong kalagayan?
Mataman niya itong muling pinasadahan ng tingin bago nilingon si Akaniro. She's about to asked him something when a simultaneous gun fires echoed in the whole place!
Damn! What's going on?
*****
F. Sylveon
BINABASA MO ANG
VF BOOK 2: VIXEN's HEIR
AçãoAlright reserved ©2017 VF BOOK 2: VIXEN's HEIR He will take his own path. Like her mother, he is unpredictable... and also, he is an unbeatable. He inherited it all, every single pieces that his lovely mother has... and now, he had more than the exp...