VH 50

324 15 1
                                    


NAGKATINGINAN sila ni Akaniro nang sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong gusali. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Jos ang pagdaan ng pangamba sa mga mata ng lalaki bago ito sunod-sunod na nagmumura.

"Guess they're here already..." bulong nito na rinig niya naman at para bang inaasahan na nito ang mga nangyayari.

Mataman nitong tinitigan ang walang malay na babaeng nakahiga sa kama bago ito bumaling sa kanya at muling nagsalita. "Alam kong mga kaibigan mo ang nasa labas at pumapatay sa mga tauhan ko, lumulusob para sagipin ka. At oo, maaaring sinabi ko sayo na pagod na akong gumamit ng dahas subalit hindi ko rin maaaring hayaan na makuha ka nilang muli matapos nang lahat ng paghihirap ko para makuha kang muli. Hindi kita ibibigay sa kanila hangga't hindi mo naibibigay sa akin ang Ruin."

Parang walang nangyayaring putukan sa labas ng silid na kinaroroonan nila na matamang pinag-aralan ni Jos ang emosyong nakarehistro sa mukha ng lalaki. He looks so vulnerable, napakalayo sa nakilala niyang halimaw na Akaniro. All this time, she buried inside her mind how cruel and monstrous Akaniro were at ginawa niya ang mga kawalanghiyaang iyon for the sake of the power, but guess she was wrong all along. Who would have thought na ito pala ang dahilan kung bakit nito ginagawa ang mga iyon. But still, half of the details are pretty blurred for her, kaya naman ay ibinuka niya ang mga labi niya sa unang pagkakataon simula nang pumasok sila sa silid na iyon.

"Anong mayroon ang Ruin at ganoon na lamang ang paghahabol mo rito? Anong magagawa niyon sa kalagayan ng babaeng ito." walang mababahid na anumang emosyon ang boses niyang tanong kay Akaniro.

Pansin niya kung paano ito napamulagat sa naging tanong niya, "You... you didn't know?" hindi makapaniwalang anas nito.

Jos face remained blank. "Magtatanong ba ako kung alam ko?" hindi niya mapigilan ang sariling barahin ito. "Alam ko ang epekto ng Ruin dahil ako mismo ay naramdaman na iyon, ngunit parang hindi lang iyon ang epektong ibinibigay ng Ruin base na rin sa mga narinig ko mula sa iyo. Now, tell me Akaniro... dahil nakadepende sa sagot mo ang magiging desisyon ko..." she paused at sinalubong ang mga mata nito, "...kung ibibigay ko ba sa iyo ang hinihingi mo o hindi."

She saw him took a deep breathe. Katulad niya, mukhang nawalan ito ng pakialam kung anuman ang nangyayari sa labas at parang nagbabalik-tanaw na nag-umpisang magsalita.

"Dr. Gamic, my grandfather's assistant way back then, told me everything about mecha. He's also the one who told me about the Ruin, sinabi niya kung paano ito nabuo ng aking abuelo, and him, being curious about the newly discovered DNA, made a researched about it. Doon niya napag-alamang nagmula sa pinaghalong dugo ang naturang DNA-- mga hindi pangkaraniwang dugo dahil sa kakaibang mga cells na nakahalo roon, na napag-alaman niyang ang pinag-aagawang mecha. Kung paano? Iyon ang hindi niya nabanggit sa akin. Bago pa man niya matapos ang pag-aaral niya sa Ruin, he lose his own life."

Nakikinig lang si Jos kay Akaniro hanggang sa huminto ito. Sa haba ng sinabi nito, hindi niya natagpuan doon ang sagot sa mga itinanong niya kanina. Jos rolled her eyes mentally, hindi niya hiningi rito ang history ng Ruin yet he summarized it very well. Hahanga na sana siya rito ngunit taliwas doon ang naramdaman niya. Naiirita niya itong tinapunan ng tingin. Nang makitang akma nitong ipagpapatuloy ang pagsasalaysay ay mabilis na niya itong inunahang magsalita.

"Well you just answer my question directly? We don't have enough time in the world for a long story telling as you can hear, you know..." hindi niya itinago sa lalaki ang pag-ismid niya habang tinutukoy ang patuloy pa ring pagpapalitan ng bala sa labas ng silid.

Again, Akaniro heaved a sighed. "Dr. Gamic told me once that mecha has the capability to restore a dead cells, it can even make a dead heart beat again." hindi mapigilan ni Jos ang panlalaki ng mga mata sa pagkagulat dahil sa narinig. Is he serious? Damn! She can't imagine na magagawa ng tinutukoy nilang mecha ang ganoon kalaking bagay sa larangan ng medikasyon!

Mataman niyang pinag-aralan ang reaksyon ni Akaniro, sinisiguro kung nagsasabi nga ba ito ng totoo. And by the looks of his face, Jos pretty knew that he wasn't lying even a single word.

"Kaya natitiyak kong ito lamang ang tanging kailangan ko para maialis si Inori sa kamang iyan." dagdag pa nito habang nakatitig sa babae.

Bumaling din si Jos sa babae't lumapit dito. "Ano bang nangyari sa kanya?" hindi niya mapigilang tanong kay Akaniro ngunit hindi na nito nagawa pang sagutin iyon dahil sa marahas na pagbukas ng pinto.

"Sir!"

Sabay silang napalingon sa bagong dating, "...we got us surrounded, sir... At marami na rin sa mga tauhan natin ang napatay nila." imporma nito kay Akaniro. "They're looking for her..." dagdag pa nito sabay tapon ng tingin sa kanya.

Nagkatinginan sila ni Akaniro na bakas sa mukha ang hindi pagsang-ayon, umiling-iling pa ito na siyang nagpatunay sa nakikita niya sa mga mata nito. "No... I'm sorry, Lux... Pero katulad ng sinabi ko kanina, hindi kita ibibigay sa kanya hangga't hindi mo pa naibibigay sa akin ang Ruin."

Imbes na makaramdam ng pagkairita o galit para sa lalaki, taliwas doon ang nararamdaman niya. She felt pity for him. He looks so desperate and somehow, she understand why. Kahit hindi nito sabihin ay masasabi niyang mahalaga sa lalaki ang babae na tinawag nitong Inori kanina. Siguro iyon talaga ang nagagawa ng pag-ibig, nagagawang hamakin ang lahat maging si kamatayan.

Jos took a deep breathe bago nagsalita. "I can talk to them if you let me..." aniya ngunit kaagad itong umiling-iling. "No. I won't-- I mean, I can't... I just can't."

Kumunot ang noo niya, "But why?"

"Basta! Hindi ako papayag!" kasabay nang pagtaas ng boses nito ay ang pagbunot nito sa baril na nakasukbit sa bewang nito saka hinarap ang tauhan, "You!"

"Sir!"

"Bantayan mo siyang mabuti," utos nito habang tinuturo siya, "huwag mo siyang hahayaang lumabas sa silid na ito hangga't hindi ko sinasabi, maliwanag?!"
"Yes, sir--"

"What? But Akaniro, you've gotta--"

"Shut up!"pabulyaw nitong putol sa kanya. "Hindi ka makakalabas sa silid na ito hangga't hindi nagigising si Inori." pahabol pa nito bago sila iniwanan nito sa silid na iyon.

Napailing-iling si Jos sa inasta ng lalaki. Akaniro really out of his mind, mas lalo lang nitong pinapalala ang sitwasyon. If only he'll let her-- napatingin siya sa tauhan nito na nakatayo sa pintuan. May bitbit itong baril at nakahanda na ang daliri nitong kalabitin ang gatilyo kung saka-sakali, kaya masasabi niyang seryuso ito sa pagbabantay sa kanya. But knowing the fact na hindi siya nito maaaring patayin ay nagkaroon siya ng lakas ng loob para isagawa ang bigla niyang naisip na paraan para matigil na ang mga kalokohang nangyayari. She just need to convince everyone. That's all. Alam niyang madadaan pa ito sa mabuting usapan. Kung sana ay sinabi na lang ni Akaniro ang problema noong una pa lang, disin sana'y wala nang palitan ng balang nagaganap. She sighed.

Mataman niya munang pinasadahan ng tingin si Inori bago niya binalingan ang nagbabantay sa kanya and in one swift moved, nasa likod na siya nito nang hindi nito inaasahan na ikinabigla nito. Bago pa ito makahuma ay mabilis na niyang naingat ang isang kamay at malakas na hinatak ito sa batok dahilan ng pagkawala ng malay nito.

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Jos, mabilis niyang inagaw ang hawak nitong baril at lumabas ng silid.

******

F. Sylveon

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon