VH 26

449 21 0
                                    

DAHIL hindi makatulog, napagpasyahan ni Jos na lumabas na muna sa kanyang inuukupahang silid sa mansyon na iyon. Tahimik lamang siyang naglalakad sa mahabang pasilyo nang may mapansin siyang bahagyang nakabukas na silid.

Lumingon-lingon muna siya sa paligid at nang makitang walang ibang tao sa malapit na maaaring makakita sa kanya ay maingat niyang tinungo ang silid na nakitang nakaawang.

Nang makalapit ay dahan-dahan niyang sinilip ang pintuan nitong nakaawang, ingat na ingat na hindi makalikha ng anumang ingay, ngunit bago pa man niya tuluyang makita ang nasa loob ng naturang silid ay bigla siyang natigilan nang may magsalita mula sa loob.

"Bukas ng umaga ko titingnan ang sitwasyon ni Jos." rinig ni Jos na turan mula sa loob at kung hindi siya nagkakamali, boses iyon ng Daddy ni Jinx, si Dr. Dwen.

Sa narinig ay biglang nanigas ang katawan ni Jos. By hearing the doctor's words, alam niya kung ano ang ibig sabihin nito. She immediately composed herself, sabay nang kanyang mabilis na pag-iling-iling. "No... Not again..." she whispered.

Hindi na siya nag-abalang silipan pa kung sinu-sino ang nasa loob ng silid na iyon, malalaki ang ginawa niyang mga hakbang na bumalik siya sa kanyang inuukupang silid at mabilis ang mga kilos pinagdadampot ang mga gamit na kakailanganin niya.

Without further ado, Jos left the place without thinking where to go.

"IS Jos is here?" sabay-sabay na napahinto sa pinag-uusapan at napalingon sina Ryker sa gawi ng pinto nang may biglang bumukas niyon.

Bahagyang napakunot ang noo ni Ryker nang makita si Glenne na bakas sa mukha ang pag-aalala habang nakatayo sa bungad ng pinto.

"Hindi ba nagpapahinga siya?" patanong na sagot ni Jinx dito.

"Wala siya sa kwarto niya." maagap na sagot ng bagong dating.

"Baka hindi mo lang nakita, malay mo nasa banyo--"

"No." putol nito kay Suher. "Wala siya roon, ginalugad ko na ang buong silid na pinaukupa niyo sa kanya pero hindi ko siya mahahilap at isa pa..."

"Anong--"

"Wala rin doon ang mga gamit niya."

Biglang napatayo si Ryker sa narinig. "What do you mean by that?"

"She left."

Mabilis na napunta sa gawi ng nagsalita ang mga atensyon nila, si Annette na nasa likod lang ni Glenne.

"But why?" nagtatakang tanong ni Jinx.

"Maybe she can sense something na hindi naaayon sa kagustuhan niya." Annette answered.

"Sense something? Anong ibig mong sabihin?" Trevor butt in.

Umayos nang pagkakatayo si Annette mula sa pagkakasandal sa hamba ng pintuan bago muling nagsalita. "What I mean is, may binabalak kayong gawin kay Jos at kung ano man iyon ay hindi niya iyon gusto, that's why she left without a single word." seryuso nitong turan.

"Annette..." mahinang anas ni Glenne, "...anong gagawin natin? You know how--"

"We must find her as soon as possible." baling ni Annette kay Glenne. "We need to."

"Yeah."

"Hey! What's the big deal?" Jinx asked confusedly.

"Jos is in trouble, that's the big deal." si Glenne ang sumagot dito.

"Anong--"

"At kung may mangyari man sa kanya, it will your responsible. All of you." malamig ang boses na turan ni Annette bago nito hinila palabas ng library si Glenne nang hindi binigyang pansin ang sasabihin sana ni Suher.

W

ALA sa sariling binabagtas ni Jos ang isang daan na hindi niya alam kung saan patungo. Sa sitwasyon niya ngayon, hindi niya alam kung saan siya pupunta o kung ano ang uunahin niyang gawin. Sa dami ng gumugulo sa isipan niya, hindi na niya alam kung saan siya magsisimula. Idagdag pa roon ang pag-aalala niya kay Luvan. Simula ng magising siya sa mansyong iyon na napag-alaman niyang pagmamay-ari ng mga magulang ni Ryker, hindi pa niya muling nakita ang alaga. Hindi rin niya natanong sina Glenne kung nasaan ito sa mga sandaling wala siyang malay. Napabuntong hininga na lamang siya.

Sa gitna ng kanyang walang deriksyon na paglalakad, bigla na lamang siyang natigilan nang isang sasakyan ang tumigil sa mismong tapat niya.

Jos alerted herself, ngunit sa bilis ng mga pangyayari, hindi namalayan ni Jos ang isa pang motor na mabilis na huminto sa likuran niya at hinatak siya sa batok ng nagmamaneho nito dahilan para mawalan siya ng malay.

MABILIS ang mga kilos na nilisan nina Annette at Glenne ang Arfeudson mansion, hindi alintana ang mga nagtatakang mukha ng mga tauhan ng mansyon na nasasalubong nila.

"We must hurry. I'm sure as hell na hindi pa nakakalayo si Jos." said Annette.

"How can you be so sure? Hindi natin alam kung kailan pa siya umalis." sagot dito ni Glenne na lakad-takbo na ang ginagawa para mapantayan si Annette.

"I don't know, I just can sense it... she's just a hundred meters away."


Hindi na umimik pa si Glenne at itinuon na lamang ang buong atensyon sa daan na tinatahak nila though she's silently hoping that Annette was right.

Pagkalabas nila ng mansyon ay kaagad na nilapitan ni Annette ang isang sasakyan na una niyang nakita. Nang mapagtantong naka-lock ito, walang pag-aalinlangan na binasag niya ang tinted na salamin nito na siyang ikinagulat ni Glenne.

"What the heck are you doing?"

"Stop asking and just get in, we don't have must time to waste," Annette said seriously.

Kahit nagdadalawang-isip ay sinunod pa rin ni Glenne ang sinabi nito... "For Jos..." she whispered in her mind as she get inside the car.

Hindi na nagtaka pa si Glenne nang makita kung paano sirain ni Annette ang isang bahagi ng kotse sa ilalim ng manibela kung saan nakakonekta ang ilang mga wires para sa pagpapaandar ng makina nito. May kung anu-ano pang ginawa si Annette na hindi na sinundan pa ng tingin ni Glenne, bagkus ay inilihis na lamang niya ang paningin sa labas ng kotse at hinintay na lamang na matapos ito.

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng matigilan si Glenne nang mahagilap ng paningin niya ang ilang mga bulto na papunta sa kinaroroonan nila. Kaagad niyang nilingon si Annette para sana sabihan ito nang mag-aangat din ito ng mukha mula sa pagkakayuko, kasabay nang pagkabuhay ng makina ng kotse.

"Look over there," aniya nang magkatinginan sila ni Annette. "Mukha tayo ang pakay nila." dagdag pa niya sabay lingon kina Jinx na ilang metro na lamang ang layo sa kanila.

"Who cares about them. Let's go." Annette replied sabay paharurot ng kotse palabas ng malaking gate ng mansyon.

Lihim na nakahinga si Glenne nang tuluyan na silang makalabas ng lugar na iyon. Mabuti na lang at hindi sila pinigilan ng mga tauhan na nagbabantay sa gate.

"Where are we going now?" tanong ni Glenne sa katabi makalipas ng ilang sandali.

"Sa lugar kung saan posibleng nandoon si Jos."


******

-typos&errors

Fairy Sylveon

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon