VH 22

401 21 0
                                        


ABALA sina Jos sa pagtsi-check ng dugo ng patay na tuta. They wanted to make sure na tama nga ang hinala nilang dahilan ng ikinamatay nito.

Nasa gitna sila nagpapoproseso sa ginagawa nilang test nang makaramdam si Jos nang kakaibang mga aura sa taas ng laboratoryong kinaroroonan nila, dahilan upang matigilan sila sa kanilang ginagawa.

Alam ni Jos na naramdaman din ng dalawa niyang kasama ang naramdaman niya dahil katulad niya ay natigilan din ang mga ito.

Nagkatinginan silang tatlo saka sabay-sabay na napatingin sa kisame ng silid nang makarinig sila ng mga yabag na nagmumula roon.

"I'll check it." pagbabasag ni Annette sa namumuong katahimikan sa pagitan nilang tatlo.

"No. Let me do it." maagap na pagpigil ni Jos dito. "And whatever happens, 'wag na 'wag kayong lalabas unless it's necessary." dagdag pa ni Jos.

"But--"

"No buts." mariing putol ni Jos sa sasabihin sana ni Glenne. "Just continue what you're doing. We have to find the results of the test before the sun hits the horizon." dagdag pa niya habang inilalabas ang dalawang baril sa loob ng backpack niya.

"O-okay..." napipilitang sang-ayon nila Glenne kay Jos.

"I will be right back as soon as I can."

"You should comeback without any bruises, Jos..." seryusong turan ni Annette sa kanya.

"Won't promise that..." sagot ni Jos sabay labas ng laboratory.

"What the! Jos!"

NAPABUNTONG hininga na lamang si Annette nang hindi na pansinin ni Jos ang pagtawag niya rito at tuloy-tuloy lang ito sa paglabas.

"There she goes again..." komento ni Glenne habang umiling-iling.

"Being reckless..." patuloy ni Annette. She sighed again. "I hope she won't let her guard down, again..."

"Yeah... Hope so." Glenne replied saka muling bumalik sa pwesto niya kung saan hinihintay na lamang niya ang magiging reaksyon ng halaman na tinurukan niya ng nakuhang dugo mula sa tuta.

"So, how was it..." tanong ni Annette kay Glenne pagkalapit dito.

"It's still in the process, let's wait a few more minutes."

Tumango-tango si Annette sa sagot nito sa kanya at pinakatitigan din ang munting halaman na nadamay sa ginagawa nila.

Annette can saw the plants slowly changing it's colour. Sa reaksyon palang na iyon nito ay nakikinita na ni Annette ang magiging resulta ng eksperimento.

"So, it's positive." ani Glenne habang nakatutok din sa unti-unting pagbabago ng kulay ng halaman.

"Yeah, obviously. They used the formula, already." Annette said with her serious tone.

"But too bad for them, they can't used it completely without Jo--oh fuck!"

"Si Jos!"

Nanlalaki ang mga mata nila ni Glenne nang ma-realize kung ano ang posibleng nangyayari sa taas ng laboratoryo ngayon!

Mabilis ang mga kilos na kinuha nila ang mga dalang weapon at kaagad na lumabas ng silid bitbit ang mga ito, and just like what they expected, mga nagliliparang mga bala ang kaagad na sumalubong sa kanila pagkalabas ng secret door!

TAHIMIK ang ginagawang paghakbang ni Jos pag-akyat sa taas. Alerto siya habang pinapakiramdaman ang paligid. Nang marating niya ang pinto palabas nang laboratory, dahan-dahan niya itong binuksan, siniguro na walang kahit na sino sa likod niyon.

Pagkabukas ay mabilis siyang lumabas at sinirado ang pinto. Kaagad niyang inilabas ang nakasukbit na baril sa beywang niya at sinundan ang mga yabag na naririnig niya.

Habang tinutungo ang living room ng bahay, naglulumikot din ang mga mata ni Jos sa bawat parte ng bahay na dinaraanan niya.

"Ano? May nakita ka?"

Biglang napahinto at napakubli sa isang bahagyang sunog na wall curtain na hindi pa natatanggal nang makarinig siya ng isang boses.

"Wala eh, sigurado ba kayong nandito yun?" rinig ni Jos na sagot ng isa pa.

"Oo, sigurado ako, walang ibang pagtataguan niyon si Lux, kundi rito lamang sa bahay ng umampon sa kanya."

Napigil ni Jos ang paghinga sa narinig. Nanigas ang katawan niya at parang may gustong kumawala sa kaibuturan ng katauhan niya. By hearing those single word, hindi mapigilan ni Jos ang reaksyong epekto nito sa kanya. Naikuyom niya ang mga kamao sa labis na pagpipigil ngunit hindi rin iyon nagtagal lalo na nang maramdaman niya ang paglapit ng lalaki sa dingding kung saan siya nakatago!

Walang pagdadalawang-isip na hinablot ni Jos ang leeg ng lalaking huminto sa mismong tapat niya. Kahit na may telang tumatakip sa kanya, hindi ito naging hadlang sa pagpilipit niya sa leeg ng lalaki.

Jos twisted the guy's neck until its lost his life. Ni hindi na nga nagawa pa ng lalaki na dumaing o humingi ng saklolo sa kasama niyang walang kamalay-malay dahil sa bilis ng pangyayari.

Nang matiyak ni Jos na wala nang ni katiting na buhay ang lalaking gumising sa natutulog na demonyo sa katauhan niya, marahas niya itong binagsak at binalingan naman niya ang kasama pa nitong noon lang napatingin sa gawi niya dahil sa ginawang ingay ng pagbagsak ng katawan ng lalaki sa sahig.

"Anong--"

"Die." malamig na putol ni Jos dito sabay tutok ng baril at kinalabit ang gatilyo nito deritso sa bungo ng isa pang lalaki.

Ang malakas na putok ng baril ni Jos na umalingawngaw sa buong lugar ang siyang kumuha sa atensyon ng iba pang mga kasama ng dalawang lalaki na napatay ni Jos.

Maya-maya pa ay sunod-sunod na ang pagsulputan ng mga armadong lalaki sa sala kung saan naroroon si Jos, gayunpaman ay hindi ito nagpasindak sa kanya bagkus, isang demonyong ngisi ang gumuhit sa mga labi niya, tanda na nasisiyahan siya sa nangyayari.

Isa-isa niyang sinasalubong ng mga bala ang bawat lalaki na nahahagip ng mga mata niya. May ilan na nagagawa siyang paputukan ngunit walang kahirap-hirap niya naman itong naiiwasan.

Nang hindi pa makuntento si Jos dahil mukhang isang batalyon yata ang pinadala ng Pirate Skull upang hulihin siya, hinugot na rin niya ang isa pang baril na nakasukbit sa kanang binti niya. Panay lamang ang ilag na ginagawa ni Jos sa mga balang bumubulusok sa gawi niya habang abala rin siya sa paglo-load ng mga bala ng isa pa niyang baril.

Nang matapos ay ipinagpatuloy na rin ni Jos ang pakikipagsabayan ng pagpapaulan ng mga bala. She did ducked and rolled just to avoid the coming bullets. And in every bullets she released, she made sure na may matatamaan talaga siya. After a moments of firing, naubos rin ang mga tauhan ng Pirate Skull... without a sweat.

Pinasadahan ni Jos ng tingin ang mga bangkay na nagkalat sa sala ng bahay niya. Habang tinitingnan niya ang mga ito ay lalo lamang na nag-uugmigting na makawala ang isang demonyong matagal nang naninirahan sa katawan niya.

Mariin na ipinikit ni Jos ang mga mata, trying suppress those feeling na matagal na niyang hindi nararamdaman. Ngunit muli ring naibukas ni Jos ang mga mata nang makaramdam siya ng panibagong presensya. At kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata ay ang tuluyang pagkagising ng isang katauhan na matagal na nakahimlay sa kaibuturan niya.

*******

-typos&errors

Fairy Sylveon

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon