VH 36

348 16 3
                                    

"HINDI nakuha ni Akaniro ang Ruin." ani Jos habang nakayuko.

"What do you mean?"

Napaangat siya ng mukha nang mapansin ang pagtataka sa boses ng Daddy niya. Muli siyang napabuga ng hangin nang hindi siya makahagilap ng tamang salita na sasabihin dito. Hindi alam ni Jos kung paano niya ipapaliwanag ang nangyari sa mas madaling paraan, masyado kasing komplikado ang sitwasyon at hindi rin niya basta-basta masasabi rito ang lahat lalo na't nasa publiko silang lugar. "It's a long story, Dad--"

"Dad?"

Sabay na napalingon sila nang Daddy niya nang may pumutol sa kanya. "Did I heard it right? Tinawag mo si Tito Shinji na Dad?" dagdag pa nito.

"Yes, Ryker... You heard it right." her Dad answered him na kapapasok pa lamang. "Jos called me Dad, 'cause she's my daughter, not literally though." dagdag pa nito.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Jos ang saglit na pagdaan ng pagtataka sa mga mata ni Ryker sa tinuran ng Daddy niya, ngunit kaagad din iyong nawala nang muling bumukas ang pinto at iniluwa roon sina Jinx kasama ang ama nito.

"Glad to see you awake." bumaling si Jos sa doktor nang magsalita ito. "Kumusta ang pakiramdam mo?" dagdag pa nito.

"Okay na."

"Let me see it," anito saka lumapit ito sa kanya at isa-isang tsinek ang mga vitals niya na hinayaan na lamang niya.

Tahimik lang ang mga bagong dating habang nakamasid sa kanila ng doktor na abala sa pagtsi-check at pagsisigurado sa estado ng kalagayan niya.

Matapos ang ilang sandali ay seryusong humarap sa kanya ang doktor kapagkuwan ay nagsalita, "Nakakapagtakang sa kabila nang biglaang pagkawala ng Ruin sa katawan mo ay mabilis ka pa ring naging maayos na parang walang panibagong nangyayari."

Sa narinig ay bigla siyang napatingin sa Daddy niya tahimik lamang na nagmamasid sa kanila. Nang makita ang bahagya nitong pag-iling ay bahagyang napakunot ang noo niya ngunit kaagad din iyong nawala nang makuha niya ang ibig sabihin nito. Muli siyang bumalik sa doktor at nagsalita, "Siguro dahil hindi naman talaga nakadepende sa Ruin ang resistensya ko." sagot niya rito sa seryuso ring boses.

"Siguro nga..." sang-ayon nito ngunit may naaaninag pa rin siyang pagtataka sa boses nito gayunpaman ay hindi na niya ito pinansin pa lalo na nang humarap ito sa mga kasama nila sa loob ng silid at muling nagsalita. "Maayos na ang kalagayan niya, any moment ay maari niyo na siyang i-discharge."

"I want her to stay in my place for a couple of days."

MABILIS na napalingon si Ryker sa nagsalita-- his Mom, na kapapasok pa lamang ng silid.

"For what? I still have a place to live by..." Jos said.

"To monitor you, obviously." his Mom answered her frankly.

Hindi alam ni Ryker kung ano ang plano ng Mommy niya, kahit gusto na niyang sumabat sa mga ito ay mas pinili na lamang niyang manahimik at makinig na lamang sa kung saan man patungo ang usapan ng mga ito.

Bumaling si Ryker kay Jos na blanko lang na nakatingin sa Mommy niya. Hindi niya alam kung ano ang dating dito ng sinabi ng kanyang Mommy gayunpaman ay natitiyak niyang hindi nito iyon nagustuhan kung ang pagiging blanko ng ekspresyon ng mukha nito ang kanyang pagbabasehan.

HINDI alam ni Jos kung ano ang pinaplano ni Violet, alam niyang hindi ang pagmomonitor sa kanya ang dahilan nito kung bakit siya nito gustong manatili pansamantala sa poder nito, gayunpaman ay hindi na siya umangal pa, upang matapos na rin ang usapan, kahit na hindi niya maitatangging wala talaga siyang tiwala sa babae. She's one of the reason why I'm in this state after all.

Bahagyang nilingon ni Jos ang Daddy niya at tiningnan ang reaksyon nito. Nang makitang walang bahid ng anumang pagtutol sa mukha nito ay napabuntong hininga na lamang siya. Halata naman kasing sang-ayon din ito sa kagustuhan ni Violet.

"I guess, it's all settled, since wala namang nagrireklamo." pagbabasag ni Dr. Oak sa namumuong katahimikan sa loob ng silid dahilan para mapatingin sila rito na nakatayo pa rin sa tabi niya. "At dahil mukhang maayos ka na talaga," bumaling ito sa kanya, "tatanggalin ko na itong IV mo, para mailabas ka na ngayon."

Nanatiling walang imik si Jos at sinusundan na lamang ng tingin ang bawat galaw ng doktor sa harapan niya, pansin niyang ganoon din ang ginawa ng iba pa niyang kasama sa loob ng silid.

Pagkatapos maalis ng doktor ang mga nakakabit sa kanya ay dahan-dahan siya nitong inalalayan sa pagtayo, mabilis namang lumapit sa kanya ang Daddy niya upang tumulong din. Kahit kaya na naman niya ang sarili niya ay hindi pa rin siya umimik para pigilan ang mga ito sa pag-alalay sa kanya hanggang sa maipasok siya ng mga ito sa loob ng banyo at iwan siya roon upang makapagbihis.

"Call me when you're done." turan ng Daddy niya na tinanguan niya lang bago ito lumabas.

Nang mapag-isa na siya sa loob ng banyo ay wala sa sariling napatitig siya sa sariling repleka na nasa harapan niya. It shows no emotion. So blank and all. Pakiwari niya'y isang blankong papel ang mukhang nakikita niya na walang may nais mag-iwan ng anumang marka.

Napabuntong hininga na lamang siya kapagkuwan ay binalingan ang isang paper bag na nakapatong sa lababo na hinuha niya'y laman ang damit na susuutin niya.

Matapos hubarin ang suot na hospital gown ay muli siyang napatingin sa salaming nasa harapan at ginawaran ng tingin ang sariling kabuuan hanggang sa dumako ang paningin niya sa isang partikular na bahagi ng katawang may bakas ng karahasan.

Isang peklat na siyang nagpapatunay na hindi basta-bastang hirap ang naranasan niya. Payak na lamang siyang napangiti habang pinalalandas niya ang isang daliri sa peklat na iyon, dahil tanggapin man niya o hindi, alam niyang mararanasan niyang muli ang paghihirap na iyon... Not unless, kung gagawa siya ng paraan para pigilan iyon.

Muli na lamang siyang napabuga ng marahas na hangin saka inilabas ang laman ng paper bag kapagkuwan ay mabilis iyong isinuot.

Pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili ay kaagad din siyang lumabas sa loob ng banyo. Kung paano niya iniwanan ang mga tao sa silid na iyon ay ganoon pa rin niya itong nadatnan, matiyagang naghihintay sa kanya habang panaka-nakang nag-uusap ngunit kaagad ding natigil ang mga ito nang mapansin ang presensya niya.

Matapos siyang tanungin ng Daddy niya kung okay na siya at tugunin niya ito ng tango ay kaagad na itong nag-ayang umuwi na sinang-ayunan naman ng lahat.

Kanya-kanya silang nagpaalam kay Dr. Oak na siyang hindi sasama sa pag-uwi dahil may aasikasuhin pa ito. Nang mapunta sa dako niya ang paningin nito ay tanging tango lamang ang iginawad niya rito saka mabilis na ibinaling sa iba ang mga mata niya.

Bakas pa rin kasi sa mga mata nito ang pagtataka na pilit niya na lamang na binabalewa. Kung ano man ang naiisip nito tungkol sa kanya ay wala na siyang pakialam. May sarili pa siyang problema na dapat niyang hanapan ng solusyon at ang idagdag ito ay wala na sa plano niya, not unless, kung makikialam ito sa mismong problema niya na alam niyang hindi talaga malabong mangyari.

She sighed by the thoughts.

*******

F. Sylveon

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon