VH 37

376 17 5
                                    


DALAWANG araw na ang lumipas mula nang ikulong ni Jos ang sarili niya sa loob ng silid na ipinaukupa sa kanya ni Violet sa Arfeudson mansion. Sa loob ng dalawang araw na iyon ay hindi niya inabala ang sarili niyang sumilip kahit saglit man lang sa labas ng mansyon. She locked herself inside without minding her Dad and friends that kept knocking on the door. Hindi niya ito pinapansin kahit na nagmamakaawa na ang mga ito, they even tried to picked the lock pero hindi rin ng mga ito natuloy nang pagbantaan niya ang mga itong aalis siya at hindi na magpapakita kahit kailan.

She have to think. Kailangan niyang mag-isip ng mabuti kung ano ang dapat niyang gawin. So, that's what she did on those two past days. Natitiyak niya kasing alam na ni Akaniro sa mga oras na iyon na hindi ang Ruin ang nakuha nito mula sa kanya. And she sure knows na nanggagalaiti na ito sa galit at hinahanap siyang muli.

Matapos ayusin ang sarili, isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Jos bago tinungo ang pintuan ng silid at pinihit ang siradura ng pinto. Isa pang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago inihakbang ang mga paa palabas ng silid.

As soon as she stepped her feet outside the room, a lot of presences approached her. Different kind of aura na halatang hindi mga basta-bastang mga tao.

Jos roamed her eyes around the area at doon niya napagtantong tama nga ang hinala niya. Armed men scattered around the area na hindi na rin nagpagulat sa kanya. Sa mga nakikita ay masasabi niyang mas lalong hinigpitan ng mga Arfeudson ang seguridad ng mansion. Is it because of her? She wondered.

Nang makakita si Jos ng isang hagdanan ay deritso niya itong tinungo at bumaba roon. Habang bumaba, ramdam ni Jos ang mga nakasunod na titig ng mga butler na nagkalat sa lugar sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang siya nang maalalang under observation pala siya, kaya siguro ganoon na lamang ang mga tingin na ibinibigay ng mga butler sa kanya.

Bago pa siya tuluyang makababa ng hagdan, isang boses ang biglang nagpahinto sa kanya. Mula sa pagkakatungo ng mukha at pakikiramdam sa paligid ay bigla siyang napaangat ng mukha at napatingin sa nagmamay-ari ng boses.

"Jinx...." she whispered the guy's name.

"Glad to finally see you down here, Jos." he said.

"Hindi ko naman siguro maaaring ikulong ang sarili ko sa kwartong iyon habang-buhay." kaswal niyang pahayag dito.

Jinx just smiled at her kapagkuwan ay inilahad nito ang kamay sa kanya. "Let me bring you to them, then."

Lihim na napabuntong hininga muna si Jos bago tinanggap ang kamay nito at hinayaan itong igiya siya sa kung saan man siya nito dadalhin.

MULA sa pagkakahilata sa isang couch habang kumakalikot sa cellphone, napabaling si Ryker sa nagmamay-ari ng mga presensyang naramdaman niya na papalapit sa sala kung saan siya naroroon.

Wala sa sariling napaayos siya ng upo nang makilala kung sino ang mga iyon. Napatitig siya kay Jos na blanko lang ang mga matang sumusunod kay Jinx.

"Where are they?" rinig niyang tanong ni Jos kay Jinx habang palinga-linga sa paligid na parang may hinahanap.

Imbes na sagutin ni Jinx ang tanong ni Jos ay siya ang hinarap nito. "Nasaan si Tito Shinji?" tanong nito sa kanya.

Tiningnan niya si Jinx and shrugged. "Dunno, may pinuntahan yata." kaswal niyang sagot dito at muling binalingan si Jos na nakaupo na sa katapat niyang pang-isahang couch at sa hindi malamang kadahilanan ay muntik na siyang mabulunan ng sariling laway nang mapagtantong nakatitig na sa kanya ang dalaga.

"I want to see my Luvan." anito habang nakatitig pa rin sa kanya. "I know that you know where he is," dagdag pa nito.

Lihim munang humugot ng malalim na hininga si Ryker bago sinagot ang tanong nito. "Kasalukuyan itong nakakulong ngayon sa isa sa mga kulungan ng mga aso namin. Ayon na rin sa kagustuhan ni Tito Shinji para ma-secure ito."

Tumango-tango ito sa tinuran niya. "Can you bring me to him?"

Tumango siya, "Sure..." pagpapa-unlak niya sa gusto nito sabay tayo mula sa pagkakaupo at kita niyang ganoon din ang ginawa ng dalaga maging si Jinx na tahimik lang na sumusunod sa kanila.

TAHIMIK silang tatlo habang tinatahak ang isang pasilyo patungo sa likod ng mansyon na hinuha ni Jos ay naroroon ang sinasabi ni Ryker na kulungan.

Sa hindi mabilang na pagkakataon, tahimik na naman siyang bumuga ng hangin. Nakapagdesisyon na siya, gayunpaman ay hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niya. Hindi niya alam kung tama bang pagkatiwalaan ang mga Arfeudson na sabihin sa mga ito ang totoo.

Nang makarating sa kulungan ng mga aso ay saglit na munang isinantabi ni Jos ang mga bagay na gumugulo sa isipan niya. Sa ngayon, kailangan na muna niyang siguraduhin ang kaligtasan ng alaga. Matagal-tagal na rin simula nang magkahiwalay sila nito. She misses him so much and she's grateful na kahit papaano ay may nag-alaga rito or should she say na inalagaan nila ito.

Pagkarating sa isang nakahiwalay na may kalakihang kulungan at mabuksan ito ni Ryker, sa kauna-unahang pagkakataon mula nang makuha siya ni Akaniro ay napangiti siya nang makita ang hayop na lumabas mula sa nasabing kulungan.

Hindi napigilan ni Jos na takbuhin ang distansya nila ng alaga at sunggaban ito ng yakap. Damn. She just miss her baby so much.

Ilang minuto rin sila sa ganoong posisyon nang maalala ni Jos ang dahilan niya kung bakit niya hinahanap ang alaga. Nang makuntento siya sa pagkakayakap sa mabalahibo nitong katawan ay dahan-dahan siyang kumalas dito. She smile when she saw how Luvan wiggled its tail na para bang tuwang-tuwa rin itong makita siyang maayos at ligtas.

Matapos niya itong himas-himasin at titigilan nang ilan pang sandali ay hinarap niya gamit ang blankong mukha ang dalawang lalaki na kanina pa tahimik na nagmamasid sa kanila.

"I want to held a meeting. A meeting with those person who care enough about this thing called Ruin." prangka niyang turan sa dalawa na ikinabigla ng mga ito kapagkuwan ay walang paalam na tinalikuran ang mga ito habang hila-hila si Luvan paalis sa bahaging iyon ng masyon.

"Let's start again, baby... Let's end this shits."

*****

F. Sylveon

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon