VH 24

440 22 1
                                    

RAMDAM ng batang babae ang pag-angat niya sa kinahihigaan niya. Gustuhin man niyang imulat ang mga mata niya upang makita kung ano ang nangyayari sa palagid niya ay hindi niya magawa, na siyang kanyang ipinagtaka.

Pakiwari niya ay mayroong isang bagay na humaharang sa mga talukap niya kaya hindi niya ito magawang buksan. Mula sa pagpipilit makamulat ng mga mata, biglang natigilan ang babae nang maramdaman niya ang pagbabago ng temperatura ng paligid niya. Pakiramdam niya'y nasa loob siya ng isang siradong kwarto. Walang pinto o bintana na maaaring magbigay sa kanya ng anumang hangin.

Init. Napakainit ng paligid. At isang nakakabinging katahimikan ang lumukob sa batang babae. Dahil sa takot, pinilit niyang ginalaw ang kanyang namamanhid na katawan upang magpumiglas, ngunit wala iyong ginawa hanggang sa mapasinghap na lamang siya dahil sa walang kapantay na lamig na biglang dumampi sa katawan niya!

Hindi maintindihan ng batang babae ang nangyayari. Idagdag pa na hindi nakakatulong sa kanyang sitwasyon ang kawalan ng paningin. Gustuhin man niyang kapain ang kanyang mga mata upang damhin kung ano ang nangyari sa mga ito ngunit hindi niya magawa sapagkat ramdam niya ang hindi matukoy na mga bagay na pumipigil sa kanyang paggalaw.

Humugot ng malalim na hininga ang batang babae at pinakiramdaman ang paligid. Ngunit sa hindi mabilang na pagkakataon, muli na naman siyang napakunot ng noo nang mapagtantong wala siyang ingay na naririnig.

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon