VH 47

319 15 1
                                    


NAKATIIM-BAGANG at matalim ang mga mata na nakatingin si Ryker kay Akaniro na sukbit sa balikat at hawak-hawak ang walang malay na si Jos. Nang marinig niya ang hiyaw nitong puno ng sakit kanina ay bigla siyang natulos sa kinatatayuan. Hindi siya kaagad nakahuma hangga't sa matamaan siya nang isang sipa ng isa sa mga kalabang kaharap na nagpabalik sa kanya sa kanyang ulirat. Kalokohan mang maituturing pero gusto niyang pasalamatan ang nakasipa sa kanya sapagkat nang dahil sa ginawa nito ay bumalik ang wisyo niya sa katinuan, ngunit kasabay niyon ay ang pag-usbong ng galit sa kalooban niya dahil sa tanawin hindi kaaya-aya para sa kanya na nasa kanyang harapan!

Hindi niya alam kung paano nakapasok si Akaniro at nakuha ang dalaga. Hindi niya alam kung ano ang ginawa nito para mawalan ng malay si Jos, pero isa lang ang nasisiguro niya, pagbabayaran nito ng higit pa sa mahal ang ginawa nito sa dalaga, lalo na sa ginawa nitong paghawak dito. How dare him laid his filthy hands on his Jos!

"Put her down." malamig ang boses niyang utos kay Akaniro habang abala na ulit sa pag-iwas sa mga atake ng mga tauhan nito.

Ngumisi ito. "Why would I? I've been looking for her quite for a while. Now, that I have her for the second time around, there's no way that I will let her escape." pahayag nito kapagkuwan ay pinahinto ang mga tauhan sa pag-atake. "She's all I need. Siya na lamang ang kulang para makumpleto ko ang kasalukuyan kong pinag-aaralan. At hindi ko hahayaang ang katulad mo ang siyang pipigil sa akin." dagdag pa nito saka muling pinakilos ang mga tauhan na kaagad namang nagsisunuran at muling umatake sa kanya.

Nagtagis ang mga bagang ni Ryker sa narinig. Habang abala sa pag-iwas ang kanyang katawan, abala rin ang kanyang isipan kung paano mababawi si Jos. Masyadong marami ang mga tauhan ni Akaniro na maya't mayang sumusugod sa kanya, kaya hindi siya makahanap ng tiyempo para lumapit dito.

Ryker dodged, ducked, punched and kicked every man who's about to hit him. Puno na ng pawis ang katawan niya at kahit na anong bilis at lakas ang meron siya, hindi pa rin niya magawang talunin sa isang iglap ang mga ito. Habang panay ang iwas at atake niya ay panaka-naka pa rin niyang sinusulyapan ang gawi ng sala kung nasaan si Akaniro, ngunit ganoon na lamang ang pagkataranta niya nang makitang wala na ito roon. Kaagad niyang ipinalibot ang mga mata sa kabuuan ng bahay na about ng tanaw niya. Wala na siyang pakialam kung natatamaan na siyang ng mga sumusugod sa kanya, ang mahalaga ay makita niya si Jos!

And there, he saw Akaniro, papalabas na ng bahay habang nasa balikat pa rin nito si Jos.

"Josphine!" he called her, hoping na magigising ito kapag narinig ang boses niya ngunit hindi iyon nangyari.

Tinangka niyang habulin si Akaniro pero masyadong pursigido ang mga tauhan nito dahil hindi siya hinahayaan ng mga itong makaalis. Panay pa rin ang sugod nang mga ito na mas lalo niyang ikinainis. "Fuck! Fuck! Fuck all of you!" he cursed in so much anger lalo na nang tuluyan ng mawala sa paningin niya si Jos.

He keep on punching and kicking. Sa galit niya ay hindi na napapansin ni Ryker kung paano tumilapon ang mga pinagsisipa niya. Serves them, right!

In the middle of his rage. Rinig ni Ryker ang mga ugong ng sasakyan na nagsidatingan at sabay-sabay na huminto sa tapat ng bahay. He cursed hard, thinking na panibagong grupo na naman ng mga tauhan ni Akaniro ang mga bagong dating. Mabilis siyang nag-isip ng paraan kung paano niya mapapabagsak sa mabilis na paraan ang mga kalaban para mailigtas na niya si Jos but he can think of nothing! If only he still have a bullets to fire them all. Tsk!

Kasabay nang pagbagsak ng huli niyang kalaban ang pagpasok ng mga nagmamadaling yapak sa bahay. Handa na sanang magtago si Ryker para siguraduhing hindi siya matatamaan ng kung anumang bala na maaaring lumipad sa kanya nang marinig niya ang napakapamilyar na boses na sinisigaw ang pangalan niya na ikinatigil niya.

"Ryker!" ulit nito at nang makita siya nito ay kita niya kung paano nawala ang pag-aalala sa mukha nito. "Baby!" she called again at patakbong lumapit sa kanya saka siya sinugod ng mahigpit na yakap.

"Mom..."

"Thanks goodness you're okay." anas nito.

"I'm fine, Mom... But..." he frustratedly heaved a sighed.

"But what son?" sabat ng kanyang ama na noon ay nakalapit na sa kanila. Saglit na niyang pinasadahan ang mga kasama nitong dumating, doon niya lang nakita ang mga kaibigan na nakikipaglaban na rin. Nang magkatinginan sila ni Suher at kumindat ito sa kanya ay lihim na lamang siyang napailing.

Muli siyang tumingin sa mga magulang at nakatiim-bagang na nagsalita, "Akaniro got Jos--"

"Again!" his Mom interrupted him.

He sighed. "Yeah... again..."

"Damn..." his Dad cursed. "We've gotta do something about it. Kailangan nating mabawi si Jos."

"But first thing first..." anang mommy niya habang nakatingin sa mga nakasalampak na mga katawan. Natalo na pala ng mga ito ang mga tauhan ni Akaniro.

"Ipaubaya mo na iyan sa mga tauhan natin, amore... Bumalik na muna tayo sa mansion to set up a plan." suhestiyon nito na kaagad sinang-ayunan ng lahat. "Tawagan mo si Shinji and inform him what just happened." kapagkuwan ay utos nito kay Trevor na tanging tango lamang ang itinugon.

"ANO BA kasi ang kailangan ni Akaniro kay Jos at ganoon na lamang ang paghahabol niya rito?" tanong kaagad ni Ryker nang nasa visitor's lounge ng mansyon silang lahat.

"As far as I know, ang Ruin ang habol ni Akaniro. He got obsessed with the element--"

"But Ruin not an element. It's not even a chemical." putol niya sa Tito Dwen niya na naroon din.

"How did you--"

"I saw it with my own eyes." putol niya ulit dito.

"Kung ganoon, ano nga ba ang Ruin?" tanong ni Jinx na siyang nagpatahimik sa kanila.

"Ruin is some kind of DNA." ani Ian makalipas ang ilang sandaling katahimikan.

*****

F. Sylveon

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon