ISA-ISANG pinasadahan ni Jos ng tingin ang mga taong nakapalibot sa mahabang lamesa kung saan isa rin siya sa nakaupo. Hindi niya akalain na ganito karami ang interesado sa Ruin. Ang buong akala niya ay sila lamang ng mga magulang ni Ryker ang dadalo sa ginawa niyang pagtitipon ngunit nagkamali siya sapagkat taliwas doon ang nangyari. Lihim na lamang siyang napahugot ng malalim na hininga.Then, her eyes settled on the man beside her. For the ninth times, hindi pa rin makapaniwala si Jos na makikita niyang muling ang taong kumupkop sa kanya simula ng mamatay ang totoo niyang mga magulang na siyang kagagawan din ni Akaniro.
Kung hindi dahil kay Shinji ay baka katulad na rin siya ng Mama niyang isang abo. At sa dinami-rami nang pagkakataon na magkikita sila ng nauna ay sa ganito pa talagang panahon. Muli na lamang siyang lihim na napabuga ng hangin.
"I guess, we're already completed."
Naputol sa malalim na pag-iisip si Jos nang marinig niya ang tinuran ng ama ni Ryker.
"Now, younglady, what is this meeting all about?"
Napabaling si Jos sa nagsalita at hindi niya mapigilan ang pagsingkit ng mga mata niya nang makita ito. Hindi kasi niya maiwasang isipin na ito ang naging puno't dulo ng lahat ng kagaguhang nangyari sa buhay niya, kung bakit naimbento ang Ruin, para talunin o higitan ang katangian na meron ang mecha--katangian na pagmamay-ari na ni Violet. At kung tama ang hinuha niya, namana rin ng anak nito.
"It's about the Ruin." walang paliguy-ligoy na sagot niya kay Violet.
"Na nakuha na ni Akanir--"
"No." putol niya kay Jinx. "Hindi napagtagumpayang kunin ng halimaw na iyon ang Ruin."
"What? But how?" sabat ni Dr. Oak, "I mean, I checked you--"
"There's nothing wrong with your findings, Dr. Oak. It's just that, you didn't realized na matagal nang wala sa katawan ko ang Ruin."
"A-anong... what did you actually mean by that?"
"Inunahan na ni Jos si Akaniro na kunin ang Ruin na nakabaon sa braso niya." natuon ang mga mata ni Jos sa Daddy niya nang ito ang sumagot sa tanong ng doktor.
"Is that even possible?" Trevor asked.
"Of course, it is..." sagot dito ni Dr. Oak, "but the real question is, how did you did it?" puno ng katanungan ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
"I'm a medical student, maybe that's enough explanation." kaswal niyang sagot sa tanong nito.
"If that so, where's the Ruin, then?" makalipas ang ilang sandaling pananahimik ni Violet ay muli itong nagtanong.
Hindi mapigilan ni Jos ang pagguhit ng isang ngisi sa mga labi niya sa sunod nitong itinanong. "I hid it to something na hindi aakalain ng sinuman na nandoon iyon nakatago." makahulugan niyang pahayag dito.
"So, what and where is this something now?"
Napabaling si Jos sa nagsalita. Bago lang ito sa paningin niya pero ang fact na nandoon iyon sa pagpupulong nila ay sapat nang dahilan para masabi niyang interesado rin ito sa Ruin.
Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Jos na hinarap ang lalaking hinuha niya'y nasa kalagitnaan na nang trenta ang edad. "I'm sorry, mister... but I intend that knowledge to keep all by myself."
"That's ridiculous!"
Hindi mapigilan ni Jos ang mapataas ng kilay nang biglang tumaas ang boses ng lalaki.
"Alex!" mabilis na suway ng isa pang matanda na lalaki rito.
"But sen--"
"Cut it out, Alex." mariin na putol ng ama ni Ryker. "If she'd say that she will keep it a secret, then be it. For sure, she has a good reason about it."
Hindi nakaimik ang lalaki sa tinuran ni Rude. Samantalang si Jos naman ay matamang pinasadahan ito ng tingin, kaya't hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagkuyom ng mga kamao nito na siyang muling ikinataas ng kilay niya. Something's odd, she can say.
"Care to tell us why you want to hide it from us?" mula sa pasimpling pagpapasada ng tingin sa lalaki ay napabaling si Jos kay Violet nang binasag nito ang namumuong katahimikan.
"It's because I can smell something fishy in this circle. May nararamdaman akong malakas na aura ng isang ligaw na pating na nakahanda nang lumamon kahit na anong oras." pahayag niya.
TAHIMIK lamang na nakikinig si Ryker sa nangyayaring usapan na nasa harapan niya. Hindi na niya inabala pa ang sariling sumabat pa sa mga ito kahit na may ilan din siyang mga katanungan na nais isa-boses.
Mula sa pagmamasid sa paligid ay napabaling si Ryker kay Jos nang marinig niya ang sinabi nito. Kaswal lang ang boses nito gayunpaman ay bakas pa rin dito na may pinapatamaan ito. Nalibot tuloy niya ng wala sa oras ang mga mata sa paligid at isa-isang pinasadahan ng tingin ang mga kasama niya sa loob ng silid.
"Anong ibig mong sabihin?" rinig ni Ryker na tanong ng daddy ni Jinx.
"May baliktad dito. Nagkakalap ng laman na maaaring ipakain sa isang buwayang tahimik na naghihintay." makahulugang sagot ni Jos dito dahilan upang mamuo ang katahimikan sa paligid.
"At sino naman ito?" Alex asked nonchalantly.
"Who do you think?" Jos voice is cold upon answering Alex's question.
"Kami ba'y pinagloloko mo babae?" nauubusan ng pasensyang sabat ni Mr. Dentel sa usapan dahilan para lingunin niya ito.
Kaagad naman niyang binalik ang paningin kay Jos, saktong sumilay sa maamo nitong mukha ang kakaibang ngisi. Ryker pretty remember that devilish smirked of hers. Tandang-tanda niya kung paano gumihit ang ngising iyon sa matamis nitong mga labi noong nawala ito sa sariling pag-iisip or should he say, nilamon ng kung anuman ang nasa loob nito ang katinuan nito. Ngunit imbes na kabahan siya noong mga oras na iyon ay taliwas doon ang naramdaman niya, seeing Jos wearing those devilish way back then makes him want to taste those edible lips-- na walang pagdadalawang-isip nga niyang ginawa noon.
And now, that devilish smirked again. Hindi mapigilan ni Ryker na mapigilan ang mapalunok ng sariling laway sa nakikita. Damn...
Lihim na lamang na napailing si Ryker. The hell with his thoughts. Hindi siya makapaniwala na nagawa pa niyang isingit sa isipan niya ang bagay na iyon sa kabila ng seryuso nilang pagpupulong. What's with this woman, anyway? Making him think those kind of thoughts?
Natigil sa lihim na pakikipagtalo sa sarili si Ryker nang makalipas ang ilang saglit ay narinig niya ang muling pagsalita ni Jos, ngunit hindi iyon ang sagot sa itinanong ni Mr. Dentel dito. Ganoon na ba siya ka-preoccupied? He sighed mentally at muling itinuon ang buong atensyon sa pakikinig.
Ngunit kung kailan handa na siyang muling makinig muli ay siya namang pagtayo ni Jos mula sa pagkakaupo.
"Oo nga pala. At this very moment, sigurado akong alam na ni Akaniro ang tungkol sa pekeng Ruin na nakuha nito. At tiyak akong sa mga oras na ito ay muli na naman siyang kumikilos." pahabol na pahayag ni Jos bago ito walang paalam na lumabas ng silid at iniwan silang walang nagawa kundi ang sundan na lamang ito ng tingin.
******
F. Sylveon
BINABASA MO ANG
VF BOOK 2: VIXEN's HEIR
ActionAlright reserved ©2017 VF BOOK 2: VIXEN's HEIR He will take his own path. Like her mother, he is unpredictable... and also, he is an unbeatable. He inherited it all, every single pieces that his lovely mother has... and now, he had more than the exp...