VH 35

388 16 7
                                    


BIGLANG napalingon si Ryker sa pinto ng silid kung saan naroroon si Jos nang bumukas ito. Hindi na siya nagtaka nang iniluwa niyon si Shinji ngunit bigla rin siyang napakunot-noo nang mapansin ang lalaking kasunod nitong pumasok sa silid. Hindi ito pamilyar sa kanya kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon niya.

"Who is he, Tito?" Ryker asked pagkasarado nito sa pinto.

"He's Ian, one of your Tito Elio's student." sagot nito habang lumalapit sa walang malay na si Jos.

Hindi naalis ang mga mata ni Ryker sa lalaking kakikita pa lamang, lalo na nang walang imik itong lumapit kay Jos at walang pakundangan hinawakan ang mga kamay ng huli.

Nagtagis ang mga bagang niya sa nasaksihan! Nang akma na sana niya itong lalapitan upang alisin ang kamay nitong nakapatong sa walang malay na si Jos ay bigla rin siyang natigilan nang may pumigil sa kanya.

Malamig ang mga matang nilingon ni Ryker ang nagmamay-ari ng mga kamay na pumigil sa kanya.

"It's okay, he means no harm." muli siyang napatingin sa lalaki sa narinig, "they know each other..." dagdag pa nito dahilan para matigilan siya.

Jos know that bastard? Sa isiping iyon ay hindi niya mapigilang mapakuyom ng mga kamao. Hindi alam ni Ryker kung bakit, pero naiinis siya sa nakikita niya ngayon.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago muling hinarap ang Tito Shinji niya.

"Any news?" tanong niya rito at pilit na iniiwas ang mga mata sa lalaking hindi pa rin nilalayuan si Jos.

"Nakita ng mga kaibigan ni Jos si Elio na walang malay sa masyon nito." anito sa natural na boses.

Napatitig si Ryker dito nang maalala ang tungkol sa nalooban daw nitong mansyon, "How is he?"

"He's alright, talagang nawalan lang siya ng malay at ini-expect na magigising na rin ito, any moment from now."

"Any idea kung ano ba talaga ang nangyari?" dagdag pa niyang tanong dito. Nang makita ang pag-iling-iling nito ay napabuntong hininga na lamang siya.

"Tanging si Elio lamang ang makakasagot sa tanong mong iyan, Ryker." anito kapagkuwan.

Hindi na siya muling umimik pa at ibinaling muli sa nakahigang si Jos, ngunit ganoon din ang pagdilim ng aura niya nang mapagtantong hawak pa rin ng lalaki ang mga kamay nito. Marahas na lamang siyang mapabuntong-hininga saka napagpasyahang lumabas na lang muna ngunit bago pa man niya magawang tumayo mula sa pagkakaupo sa pang-isahang couch, bigla rin siyang natigilan nang makarinig nang mahinang ungol mula kay Jos.

Mabilis pa sa alas kwatrong nilingon niya ito, ngunit mas lalo lamang nitong pinaitim ang aura'ng nakapalibot sa kanya nang makita kung paano yakapin ng lalaki ang kagigising pa lamang na si Jos.

"Fuck!"

NAPAILING-ILING na lamang si Shinji sa nakikitang inaasta ni Ryker. Kahit hindi nito sabihin ay masasabi niyang hindi nito nagugustuhan ang eksenang nangyayari sa harapan nito. Gayunpaman ay pinili niya pa ring huwag makialam at obserbahan munang mabuti ang kilos ng lalaki na tinuring na rin niyang anak.

Sa nakikita niya rito, masasabi niyang si Jos ang tinutukoy nito na nakakuha ng atensyon nito ngunit mukhang hindi magiging madali ang lahat para sa binata lalo na't may malaking posibilidad na ang dalaga ang maaaring sumira sa Palacio.

Gayunpaman ay isinantabi na muna ni Shinji ang mga isiping iyon at lumapit sa papagising na si Jos. Bago pa man siya tuluyang makalapit sa dalaga ay pansin niya ang marahas na paglabas ni Ryker na ikinakunot ng noo niya. Nang muli niyang ibalik kay Jos ang paningin ay doon niya lamang niya napagtanto kung bakit ganoon na lamang ang inasta ni Ryker.

Yakap ni Ian nang mahigpit si Jos na bakas sa mukha na hindi pa masyadong naiintindihan ang mga nangyayari. Mukha pa itong lutang, ngunit hindi rin iyon nagtagal lalo na nang mapunta sa gawi niya ang mga mata nito at makita siya habang yakap-yakap pa rin ito ni Ian.

Kaagad na rumehistro sa mukha nito ang pagkagulat at para bang hindi ito makapaniwala na nasa harapan siya nito. Hindi mapigilan ni Shinji ang mapangiti sa nakikitang reaksyon nito.

"How's your feeling, younglady?" tanong niya rito habang unti-unting lumalapit dito.

"Y-you're h-here...?" rinig niyang sambit nito sa mahinang boses na para bang hindi nito ramdam ang presensya ng taong nakayakap pa rin sa rito dahil nasa kanya ang buong atensyon nito.

He smiled a bit. "What do you think?"

Wala sa sariling kumalas ito mula sa pagkakayakap kay Ian at mataman na tumitig sa kanya na ikinailing-iling na lamang niya. "Don't give me that kind of looks, younglady... Pakiramdam ko tuloy, isa na akong multo sa paningin mo." he joked but he pretty knew na hindi iyon umubra rito.

Ganoon na lamang ang pagkagulat ni Shinji nang biglang bumaba si Jos sa higaan nito at sinunggaban siya ng yakap! Mabuti na lamang at hindi nawala ang balanse ng mga paa niya dahil sa impact ng ginawa nito.

"I've been and waiting for you to come back..." she whispered that put a smile on his lips.

"I know..." aniya kasabay nang pagkalas ng yakap nito sa kanya.

"Alam niyo? Pero bakit ngayon lang kayo nagpakita?" nakakunot ang noo nitong tanong habang nakatingin sa kanya.

"Dahil ngayon lang kinakailangan."

"So, kung hindi kinakailangan, ibig sabihin hindi rin kayo magpapakita?"

"You can say that." he shrugged na ikinasingkit ng mga mata nito na siya namang ikinatawa niya. "Chill... Anyway, kumusta ang pakiramdam mo? Any strange feeling?" aniya sa seryuso nang boses at matamang tumitig sa mukha nito.

"I can feel something is missing inside of me..." iwas ang tingin nitong pahayag.

Napabuntong hininga si Shinji sa narinig. "So, I guess... Dwen was right, Akaniro successfully got the Ruin."

MULING napatingin si Jos kay Shinji sa narinig. Akaniro got the Ruin? She doubt it, dahil alam niya kung nasaan ang Ruin at isa lang ang nasisiguro niya, wala iyon sa katawan niya. Kaya kung anumang ang nakuha ni Akaniro mula sa kanya, she's pretty sure na hindi iyon ang Ruin. Kung anumang iyon, siya lamang ang nakakaalam.

Mataman niyang tinitigan si Shinji-- ang Daddy niya, nagdadalawang-isip kung sasabihin ba niya rito ang totoo o itatago na lamang niya sa sarili ang nalalaman but what's next? She knew her father pretty well, gagawa at gagawa ito ng paraan para mabawi ang Ruin na maaaring ikakapahamak nito na hindi niya maaaring hayaang mangyari.

Lihim na lamang siyang napabuntong hininga and without other choice, she speak...

"Hindi nakuha ni Akaniro ang Ruin."

*****

F. Sylveon

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon