VH 51

360 13 5
                                    


KAAGAD na sumalubong sa pandinig ni Jos ang mga nakakabinging putukan ng baril pagkalabas na pagkalabas niya ng silid. She ready herself bago hinanap sina Akaniro at kung sino man sa mga kaibigan niya ang dumating upang iligtas siya.

Habang naglilibot, doon lamang napansin ni Jos ang laki at lawak ng gusaling kinaroroonan nila. She wondered kung saang bahagi sila ng Luzon naroroon.

Nang hindi lamang mga putok ng baril ang naririnig niya kundi mga malalakas na pagsabog ng ilang mga bagay sa paligid niya, mas binilisan pa niya ang paghahanap. She need to find them as soon as possible. She must stop this nonsense, pronto! Bago pa mahuli ang lahat.

Nang mapadako sa isang pasilyo, bigla siyang napaiwas nang isang bala ng baril ang sumalubong sa kanya. Mabilis niyang sinundan ng tingin ang pinagmulan ng bala at nang makitang isa ito sa mga tauhan ni Akaniro, hindi na siya nag-aksaya pa ng balang makipagbarilan dito. Ayaw na niyang may buhay pang mawawala dahil lamang sa isang kadisperaduhan ng pusong nagmamahal.

"Stop! Don't shoot!" pagpipigil niya rito nang makitang akma na naman nitong kakalabitin ang gatilyo. Nang makitang nagdadalawang-isip pa ito, ibinaba niya ang hawak na baril upang kumbinsihin ito kapagkuwan ay dahan-dahan ngunit alisto pa ring lumapit dito. "Stop shooting and just tell me where are they?" seryuso niyang utos dito gamit ang walang emosyong boses. It's the only way she knew para mapasunod niya ito.

"N-nasa third floor sila..."

Napakunot ang noo niya sa narinig, she thought na ground floor lang ang meron sa kinaroroonang gusali, ngunit mukhang nagkakamali siya, "Bakit, ilang floor ba ang meron sa gusaling ito?"

"Five floors at nandito tayo sa fifth--"

"Guide me the way then, the shortest way." putol niya rito. "At 'wag kang magpapaputok ng baril hangga't hindi kinakailangan."

Mabilis itong tumango, gayunpaman ay mahigpit pa rin nitong hawak ang baril, "Dito tayo..." anito saka siya iginiya sa isang pasilyo.

"ARE you sure this is the place?" rinig ni Ryker na tanong ng Tito Shinji niya kay Ian na hawak-hawak ang iPad nito.

"Yes." maiksing tugon ng huli rito.

Pinasadahan nila ang gusaling hindi kataasan. It looks like an apartment for him na may kalayuan dahil sa ilang palapag na meron ito.

"Let's go, then... Bago pa tayo mahuli."

Bitbit ang kanya-kanyang mga armas, sunod-sunod silang bumaba sa sinasakyang van, ganoon din ang ginawa ng mga kaibigan niyang nasa kabilang sasakyan na nakasunod sa kanila nang makita sila nitong bumaba.

Matamang pinasadahan ni Ryker ang naturang gusali. "Wait for me, baby... I'm gonna save you no matter what..."

"You ready, boys?" mula sa gusali, bumaling siya sa Tito Shinji niya. Kanya-kanyang tango ang isinagot ng mga kasama niya at nang mapunta sa kanya ang mga mata nito, isa ring tango ang iginawad niya rito habang nakakuyom ang mga kamao. He can't wait anymore, he can't wait to tear Akaniro into pieces.

"Good. Let's get in with cautious."

Bago pa sila tuluyang makapasok, saglit na napahinto si Ryker nang tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya itong tiningnan and found out it was a message from his mother. Napangisi siya and at the same time ay napapailing-iling nang mabasa ang laman niyon, it seemed na ayaw talagang magpaawat ng ina niya. Tutulong at tutulong talaga ito kahit anumang pagpipigil nila rito.

Nang makapasok, hindi na nagulat si Ryker nang bumungad sa kanya ang sunod-sunod na putok ng baril. Kaagad niyang pinusisyon ang sarili at sumali na rin sa pakikipagbarilan. He dodged and shoot, dodged and shoot hanggang sa wala na siyang mahagilap pang mga tauhan ni Akaniro.

Mabilis siyang lumipat ng lugar. Inakyat niya ang isang hagdanan na nakita niya habang inaalerto pa rin ang sarili sa kung anuman ang maaaring sumirpresa sa kanya habang abala ang mga mata sa paghahanap kay Jos.

And there, sa pagliko ni Ryker sa isang pasilyo, sumalubong sa kanya ang lalaking gusto niyang pugutan ng ulo dahil sa ginawa nitong paglayo mula sa kanya ng babaeng minamahal. Si Akaniro.

Nagtagis ang mga bagay niya nang makita ang lalaki. "You!" duro niya rito, "Nasaan si Jos?!"

Akaniro just stand there. Hindi ito kumilos o umimik man lang. Nagtagisan ng tingin silang dalawa hanggang siya ang hindi nakatiis at itinutok dito ang hawak na baril. "Nasaan si Jos?" mariin ang bawat bigkas niya sa mga salitang itinanong niya kay Akaniro.

Mapanuyang tumawa si Akanira na may lalong ikinaigting ng mga bagang niya. "You think I'm gonna tell you?" ngumisi ito, "Well... think again, lover boy. Jos is mine at hindi ko na siya ibabalik pa, gustuhin man niya o hindi ang manatili sa tabi ko."

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Ryker sa baril dahil sa narinig. "How dare you..." naniningkit ang mga matang anas niya. Nang makita kung paano siya nito nginisihan ay hindi na niya napigilan ang sarili sa pagkalabit sa gatilyo ng baril para lamang malaman na wala na pala iyong bala dahilan upang saglit siyang matigilan.

Ang malakas na nang-uuyam na halakhak ni Akaniro ang bumasag sa namumuong katahimikan sa kinaroroonan nilang pasilyo. Nang magsawa ay ngising demonyo itong sinuyod ng tingin ang kabuuan niya habang maiiksi at dahan-dahan ang ginagawang hakbang palapit sa kanya.

"Paano ba yan... Wala ka nang bala, samantalang..." anito habang may dinudukot sa likod ng suot na jacket, "...ako ay hindi pa bawas."

Alisto at hindi inaalis ni Ryker ang tingin sa kalaban. Sinusundan niya ang bawat galaw nito at nang makita ang ginawa nitong pagtaas ng kamay na hawak ng baril ay inunahan na niya ito sa kung anuman ang binabalak nito. Sa isang iglap ay nagawa niyang tawirin ang distansyang namamagitan sa kanilang dalawa!

Kita niya kung paano manlaki ang mga mata ni Akaniro sa nasaksihan. "H-how on earth..." anas nito na bakas sa mukha ang pagkabigla na kaagad niyang sinamantala para maagaw dito ang hawak nitong baril ngunit kaagad din itong nakahuma at nagawa pa rin nitong umiwas gayunpaman ay nabitawan pa rin ni Akaniro ang baril at tumilapon ito hindi kalayuan sa kanila.

Hindi nag-aksaya ng oras si Ryker, kaagad niyang inundayan ng suntok ang lalaki na siyang dahilan ng muntikan nitong pagkabuwal. Ryker tsked when Akaniro got his balanced eventually and started throwing punches on him too.

Nagpalitan sila ng suntok at sipa. Dahil kakaiba ang bilis ni Ryker, madalas niyang natatamaan si Akaniro sa tuwing nagpapakawala siya ng atake but Akaniro is strong too, hindi ito basta-basta bumibigay at kahit na marami na itong pasa at sugat na natamo ay patuloy pa rin ito sa pag-atake and at the same time, sa pag-ilag.

Nagtagal ng ilang sandali ang palitan nilang dalawa ng mga kamao, but then, a very familiar voice for Ryker interrupted and stopped them. Sabay nilang nilingon ang pinanggalingan ng boses at ganoon na lamang ang paglakas ng tibok ng puso ni Ryker nang makilala kung sino ang sumigaw.

"Jos..."

******

F. Sylveon

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon