VH 44

330 12 4
                                    


"IS that what I think it is?"

Pakiramdam ni Jos ay tumigil sa pagtibok ang puso niya nang marinig ang isang napaka-pamilyar na boses. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglingon sa nagmamay-ari ng tinig. Nang makita ito ay hindi nga siya nagkamali ng hinuha. It's Vicks, or she should correct it as Vixx.

Sa isiping nasa harapan niya ang binata ay bigla siyang nanlamig. Lalo na't nasa mga kamay niya ang Ruin. Anong ginagawa ng binata rito?

Umayos ng tayo si Jos at lakas-loob na hinarap ang lalaki. "What are you doing here?" pagsasatinig niya sa tanong na nasa isipan.

"You didn't answer me, yet." mariin ang bawat pagbigkas nito sa bawat binitawang mga salita habang nakatingin sa vessel na hawak-hawak niya.

Hindi makatingin ng deritso si Jos kay Vixx. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya rito ang totoo o-- Napabuntong hininga siya. There's no use of lying. Nahuli na siya nito kaya might as well sabihin na lang niya rito ang tungkol sa hawak niya.

"So, this is the place you're talking about." anito nang hindi siya nagsalita para sagutin ang tanong nito. "Pretty clever ey... Hindi nga aakalain ng kung sinuman na may nakatago sa sementeryong ito na kakaibang bagay." umikot-ikot ito sa magkatabing mga puntod. Then, he stopped right in front of her parents gravestones. Nakatuon ang mga mata nito sa letrang nakasulat sa dalawang lapida.

Minuto ang lumipas bago ito muling bumaling sa kanya. Nagtatanong ang mga mata nito. Nang marinig ang tanong nito ay hindi na siya nagulat ngunit kahit inaasahan na niya ang tanong nito ay hindi pa rin niya maiwasang hindi makaramdam ng pangungulila para sa mga magulang.

Napatungo siya kapagkuwan ay dahan-dahang tumango, "Yeah. They are my parents. My real parents." mahina ang boses niyang anas.

Nang muling magkaroon ng sapat na lakas ng loob, itinaas ni Jos ang mukha at sinalubong ang mga mata ni Vixx na nakatingin pa rin sa kanya. Ganoon na lamang ang pagkunot ng noo niya nang makita ang kakaibang emosyong nakarehistro sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

Bago pa man niya bigyan ng kahulugan ang emosyong iyon ay iniba na niya ang usapan. "Now answer me, anong ginagawa mo rito?"

"Pinuntahan ka." mabilis nitong sagot na ikinataas ng kilay niya.

"At paano mo naman nalaman na nandito ako?"

"I have my own ways, woman." he said smirking and damn boy... Alam ni Jos na wala sa lugar but he can't help it. She really found Vixx oozing hot when he smirked like that.

Para makaiwas sa pag-iisip ng kung anu-ano, iniiwas na niya ang paningin sa lalaki at nang mapadako ang mga mata sa hawak na vessel, she speak again, "I can say na interesado ka rin sa Ruin, wanna come with me?" gustong batukan ni Jos ang sarili sa ginawang pag-aya sa binata but when he immediately said 'Sure', Jos pretty knew that she can't take back her offer anymore.

DAHIL sa presensya ng binata, hindi magawang ipukos ni Jos ang buong atensyon sa ginagawa. Paano siya makakapag-concentrate, when Vixx biceps are distracting the hell out of her!

Hubarin ba raw ang suot nitong leather jacket pagkarating nila sa lab niya kani-kanila lang. Hindi rin nakatulong ang natirang sando na suot nito dahil hapit na hapit iyon dito. Damn... Watta temptation!

Sinong mag-aakala na may ipagmamalaki rin pala ang lalaking ito? And her, still being a woman is not an exception when it comes on such view. Naapektuhan din naman siya kahit papaano and its driving her like a freaking crazy! She blown a rough breathe mentally at pilit na itinuon ang buong atensyon sa ginagawa. Kung bakit ba naman kasi niya inaya ito. Stupid her.

ALIW na aliw si Ryker habang pinapakiramdaman si Jos na halatang hindi mapakali sa presensya niya. Hindi niya alam na mas may nakakatuwa pa pala maliban sa mga iniingatan niyang mga gadgets, not until he felt it by himself. Being Jos is way more fun than being with his precious toys. Lalo na at ramdam niya kung gaano ito kaapektado sa presensya niya. Tama nga ang Daddy niya sa sinabi nito. Women tends to get distracted when a man's body displayed right in front of them. And Jos is a woman that will never be an exception.

Kahapon nang marinig niya ang napag-usapan ng mga magulang at ng Tito Shinji niya ay hindi na siya nagdalawang- isip pa na unahan ang mga ito sa paghahanap kay Jos. Mabuti na lamang at naisipan niyang lagyan ng tracker si Luvan noon kaya hindi siya nahirapang matunton ang kinaroroonan ng mga ito.

Kung tutuusin ay maaari niyang ipaalam sa mga magulang niya ang kinaroroonan nila upang hindi na ang mga ito mahirapan pa sa paghahanap but he choose not. Not yet. Selfish it may sound but he's enjoying the fact na kasama niya ang dalaga at silang dalawa lamang ang nandoon sa lugar na iyon, aside from Luvan, of course.

Mula sa single couch na kinauupuan, tahimik na sinusundan ni Ryker ang bawat kilos ni Jos. Sa itsura nito, mukhang nagawa na rin ng dalagang balewalain ang presensya niya. Seryuso ito habang nakatuon ang buong atensyon sa bagay na tinitingnan nito sa ilalim ng microscope. Kahit na gusto niyang malaman kung ano ang ginagawa nito, nanatili pa rin siyang tahimik sa kinauupuan niya at pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pagtitig sa maganda nitong mukha.

Dahil nakatitig siya sa dalaga, hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagsilay ng kakaibang emosyon sa mukha nito. Nang makabawi ay bigla itong nag-angat ng tingin na ikinabigla niya dahil sa pagtatagpo ng kanilang mga mata.

Kabaklaan mang maituturing pero hindi mapigilan ni Ryker ang pagkabog ng dibdib niya. Josphine Lux Currin. Damn this woman for making his heart fucking beat like a goddamn crazy. Lihim na lamang siyang napailing-iling.

Nang makita niya ang paglalakad palapit sa kanya ni Jos, he composed himself as if he's not affected at all.

"Vixx..." tawag nito sa kanya.

Kunwaring abala siya sa cellphone niyang sinagot ito. "Hmm..."

"I found something in the Ruin," walang paliguy-ligoy na imporma nito, "but I'm not sure about it."

Doon na napaangat ng tingin sa dalaga si Ryker. "What do you mean?"

"In any case, are you somehow know how to identify the mecha?" tanong nito at hindi pinansin ang tanong niya.

"Ba--"

"Just yes or no, Mr. Arfeudson."

"Yes... Why di--"

"Great! Come here and take a look."

Wala nang nagawa si Ryker kundi ang magpahila sa babae. Nang itinuro nito ang microscope, walang tanong na dumukwang siya rito at sinilip ang nasa ilalim niyon, just to made him stilled! Hell no!

*****

F. Sylveon

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon