VH 60

62 2 0
                                    


MABILIS NA BUMABA si Jos ng sasakyan nang mai-park na niya ng maayos ang kotse sa parking lot ng laboratory ni Akaniro, hindi kalayuan sa entrance nito. Hindi pa siya tuluyang nakakapasok ay sumalubong na sa kanya ang isang tauhan ni Akaniro at binati siya.

"Kumusta si Inori?" Kaagad na bungad ni Jos dito.

"Tinitingnan na po siya ng doktor na pinadala ni Boss."

Kaagad na kumunot ang noo ni Jos sa narinig. "Anong doktor ang pinagsasabi mo at sinong boss?"

"Ma'am naman, may iba pa bo ba kaming boss? Syempre si Boss Akaniro ang tinutukoy ko saka si Dr. Gamic na pinauna na ni Boss dito dahil nagkataon daw na mas malapit lang daw ang lokasyon niya nang tinawagan siya nito." Mahabang sagot nito na siyang ikinabahala ni Jos.

"Shit!" Tanging naitugon na lamang niya rito saka malalaki ang mga hakbang na pumasok sa laboratory ni Akaniro.

"Bakit po, Ma'am? May nangyari po ba?" Tanong nito habang sinusundan siya papasok ng building.

"Hindi pa alam ni Akaniro na nagkamalay na si Inori at mas lalong wala siyang ipinadalang doktor para tumingin dito. That doctor is an enemy!"

"Ano--"

"I-alerto mo lahat ng mga kasama mo rito. Ipasarado mo lahat ng pwedeng pasukan o labasan ng kahit na sino." putol ni Jos sa sasabihin nito. "Walang pwedeng lumabas sa building na ito hanggat hindi ko sinasabi. Maliwanag?!"

"Yes. Ma'am!" Kaagad na sagot nito saka dinukot ang cellphone nito sa mukha.

"At kapag may nagpumilit na lumabas..." Dagdag pa ni Jos dahilan upang mapunta ulit sa gawi niya ang atensyon ng tauhan ni Akaniro. "Patayin niyo."  Aniya sa malamig na boses.

"K-kahit na po kasamahan natin?" Kita ni Jos ang takot at pag-aalinlangan sa mga mata nito.

"Oo." Walang pag-aalinlangan niyang sagot dito. "May espeya sa grupo niyo. Tiyak na ang espeyang iyon ang nagturo kay Gamic sa lugar na ito. Kung sino man siya, pagbabayaran niya ang kataksilang ginawa niya." Walang emosyon niyang paliwanag dito upang mabilis nitong maunawaan ang pinag-uutos niya.

"Masusunod po."

Hindi na ito sinagot pa ni Jos at walang paalam na tinalikuran ito. Malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang isang pasilyo kung saan mabilis niyang mararating ang silid ni Inori with her guard up. Sana nga lang ay hindi pa huli ang lahat.

Habang binabagtas ang pasilyong iyon, mabilis naman ang mga daliri ni Jos na tumitipa sa screen ng cellphone niya upang bumuo ng mensahe na ipapadala niya kay Ian at sa Daddy niya, hoping na matatanggap at mababasa kaagad ng kahit na sino sa mga ito ang text niya tungkol sa maaaring kahihinatnan ng sitwasyon niya kung sakaling tama nga ang hinala niya.

She will badly need their help.

WALANG PAG-AALINLANGAN na mabilis na binuksan ni Jos ang pintuan ng silid ni Inori pagkarating na pagkarating niya, only to found out that the room was empty!

Mabilis ang mga kilos na lumabas siya sa nasabing silid at kasabay niyon ang pagtunog ng alarm sa buong building at ang mga sunod-sunod na pagputok ng baril!

"Shit! Shit! Shit!" Jos cursed simultaneously saka inilabas na rin ang baril na nakasukbit lang sa beywang niya kapagkuwan ay lakad-takbo na sinusuyod ang bawat sulok ng building na nadadaanan niya, looking for a trace of Inori or that asshole Gamic.

Nang wala siyang makita ay napagpasyahan na lamang niyang tunguhin ang pinanggagalingan ng  mga putok ng baril pero bago pa man siya tuluyang makarating sa parteng iyon ng laboratory, a sound of a broken glass caught her attention.

Without thinking, mabilis na pinuntahan ni Jos ang silid na pinanggalingan ng ingay na iyon na ilang metro lang ang layo sa kanya, just to be surprise on what she saw inside!

BIGLANG NAPATAYO mula sa pagkakaupo si Ian nang mabasa niya ang text message na natanggap niya mula kay Jos.

"Something's wrong?" Jinx asked him nang mapansin siguro ang naging reaksyon niya. Nang lingunin niya ito ay doon lang niya napansing nasa kanya na ang lahat ng atensyon ng kasama niya sa lobby na siyang naghihintay ng resulta sa ginagawang operasyon kay Akaniro.

Pagkaalis ni Jos kanina ay sumunod din ang Tito Shinji niya. Kaya nang malaman ng mga itong nag-iisa lang siyang naghihintay, they offer to accompany him na hindi naman niya tinanggihan dahil alam niyang kakailanganin talaga niya ng makakasama just in case, and speaking of which...

Napatuon ang tingin ni Ian kay Ryker na katulad ng mga kaibigan nito ay naghihintay din ng sasabihin niya.

"Jos are in trouble." Turan niya habang deritsong nakatingin sa mga mata ni Ryker and when he saw some emotion that suddenly crosses his eyes, he knew right there, his little sister found her knight.

"What happened to her?" Suher asked that snapped him out.

"She needs every help possible. Dr. Gamic found out about Inori and as of the moments, he is about to kidnapping her, base na rin sa pagkakaintindi ko sa message na pinadala ni Jos."

"Fuck!"

Muling napatingin si Ian kay Ryker nang marinig itong magmura. Bakas sa mga mata nito ang isang uri ng emosyon na tanging si Jos lang ang magiging dahilan para lumabas.

Ian mentally turned his head back and forth just to snap his head from thinking unnecessary thoughts. They've gotta move fast bago pa sila mahuli.

"I'll contact the Empire." Jinx voluntered as he picked up his phone from his pocket, not waiting for them to respond.

"You two will stay here." Rinig ni Ian na sabi ni Ryker kina Suher at Trevor. "We need to monitor Akaniro." Dagdag pa nito sa makahulugang boses na mukhang nakuha kaagad ng dalawa dahil walang pag-aalinlangan ang mga itong tumango bilang pagsang-ayon.

Pagkatapos sa sa kanya naman ito humarap. "Let's go."

"To where?" Bahagyang kumunot ang noo niya rito.

"To that fucking laboratory." Malamig ang boses na sagot nito. "You know where it is, so you tell me the address para makahanap tayo ng daan kung saan mabilis tayong makakarating doon." Dagdag pa ni Ryker.

Napaayos ng tayo si Ian sa narinig. "Oh, right. Let's go." Aniya saka nauna nang naglakad palabas ng hospital habang tinatawagan si Tito Shinji para ma-imporma ito sa mga nangyayari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon