VH 11

551 24 2
                                    

MAAGANG umalis si Jos sa bahay nila, kinabukasan nang makauwi siya. Alam niya kasing babatuhin siya ng tanong ng dalawang nandoon kung anong nangyari sa kanya noong nagdaang araw nang hindi siya umuwi. Hindi rin niya sinabi sa mga ito ang tungkol sa natamo niyang sugat mula roon sa mga humahabol sa kanya. Nagamot na rin naman kasi ito at nagawa niya ring palitan ito ng bagong benda bago siya umalis.

Ngayon ay kasalukuyan siyang naglalakad sa isang park. It's still six in the morning kaya masyado pang maaga para pumasok siya sa school. Tahimik lamang siya habang dahan-dahang humahakbang, at binabalikan sa isipan ang mga nangyari sa kanya noong mga nagdaang araw.

She's pretty know na patuloy pa rin siyang hinahanap ng grupong iyon. What's the reason? It's only one thing, ang isang bagay na pinapatago sa kanya ng isang mahalagang tao na hanggang ngayon ay pilit at patuloy niya pa ring hinahanap. Kahit na hindi niya alam kung buhay pa ba ito o patay niya.

Sa panahong lumipas, natitiyak niyang may edad na rin ang taong iyon, now she's wondering, where could he possibly at?

She sighed. Sa dami ng humahabol sa bagay na iyon, hindi na alam ni Jos kung paano niya ito maitatago at mailalayo sa mga ito, unless kung makakakita siya ng taong mapagkakatiwalaan na  maaari niyang pagbilinan nito habang hinahanap niya ang totoong nagmamay-ari niyon. She sighed again with the thoughts.

Isa pang gumugulo sa kanya ay ang tungkol sa mga mata ni Ryker. Ang kulay lilang mga mata nito. He has the same color of eyes with the man she knew. At hindi niya alam kung nagkataong lamang ba iyon. Napailing-iling siya, 'Malamang coincidence lang talaga iyon,' kumbinsi niya sa sarili.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay biglang napaigtad si Jos nang mag-ingay ang cellphone niya sa bulsa. Napabuga na lamang siya nang marahas na hangin bago niya iyon kinuha mula sa bulsa ng sukbit niyang backpack at sinagot ang tumatawag nang hindi tinitingnan kung sino ang caller.

"Where the hell are you?"

Hindi pa man siya nakakapag-'hello' ay iyon na kaagad ang bumungad sa kanya.

"Somewhere." maiksi niyang sagot nang makilala ang boses ni Glenne sa kabilang linya.

"Somewhere?!" exaggerated nitong ulit sa sinabi niya, "Alam mo ba kung anong oras na? O baka naman, wala ka na namang balak pumasok asdfghjk..."

Sa narinig ay wala sa sariling napabaling si Jos sa suot niyang wristwatch para tingnan ang oras doon.

"Oh fuck!" she cursed under her breathe nang makita kung saan nakaturo ang maliit nitong kamay. Sa gitna ng otso at nuebe!

Mabilis niyang ibinulsa ang hawak na cellphone sa suot niyang palda, kapagkuwan ay patakbo niyang tinungo ang pinagparkingan niya ng motorbike niya. Pagkarating doon ay mabilis ang mga kilos na umangkas siya roon at binuhay ang makina nito at mabilis na pinaharurot.

"Hutang inamels, late na ako..." she muttered habang ekspertong pinaharurot sa gitna ng highway ang sinasakyang bike, without minding the traffic rules at all!

HINDI rin naman nagtagal sa gitna ng kalsada si Jos. Pagkarating niya sa AU, mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang classroom niya. Pagkapasok niya ay isang aura ang kaagad na sumalubong sa kanya, hindi man niya makita ang mga mata nito, Jos pretty knew na nasa kanya nakatuon ang paningin nito. She took a deep breathe mentally, she doesn't know na kaklase niya pala ito. Now, it's starting to be awkward for her, remembering what happened in his condo on the other night.

"Jos! Bakit ngayon ka lang? Mabuti at hindi pa dumating si prof. Saan ka ba kasi nanggaling?" sunod-sunod na litanya sa kanya ni Glenne nang makita siya nitong pumasok dahilan na rin upang mapunta rito ang atensyon niya.

"Diyan lang." maiksi niyang sagot dito sabay tungo sa assigned seat niya.

"Diyan lang? May lugar palang 'Diyan lang'," puno ng sarkasmo nitong anas ngunit hindi na niya ito pinansin pa at tahimik na lamang na umupo sa tabi nito habang pinapakiramdaman ang paligid. And she sighed mentally when she still can felt his stares. "What's wrong with this Vaporub?" Jos murmured to herself.

"Your sayin' something?" Glenne asked her, maybe because she can heard her whispering words. Hindi siya nag-abalang lingunin ito at umiling-iling na lamang, sakto namang pumasok ang prof nila at diretsong tumayo sa harapan sabay discuss ng mga lesson na muli niyang ikinabuntong-hininga.

THEIR lesson ended well kahit na hindi naman doon nakatuon ang atensyon ni Jos. Her mind is flying too far from where it is suppose to be. Sa lalim ng iniisip niya, hindi niya namalayang dinismis na pala sila ng prof nila kung hindi lang siya siniko ni Glenne na katabi niya at ang mas nakapagpagising ng diwa niya ay nang matamaan nito ang sugat niya sa tagiliran.

"Ouch shit..." mahina at nakangiwi niyang daing nang sumigid ang sakit sa kaibuturan niya.

"Ito naman, exagg kung maka-aray ah, e ang hina-hina lang naman ng pagkakasiko ko sa kanya," ani nito nang makita ang reaksyon niya.

Jos just tsked and force herself to stand normally, even though she can still feel those excruciating pain on her lower side. Nang makatayo ay walang imik na lumabas siya ng classroom at hindi na pinansin si Glenne na panay ang dada habang sumusunod sa kanya.

Nasa kalagitnaan sila ng corridor nang biglang mapahinto sa paglalakad si Jos nang may mapansin siya.

"Where's Annette, by the way?" tanong niya kay Glenne sabay lingon dito.

"Ayun! Tinanong mo rin! Akala ko no care--"

"Tsk!" asik niya nang imbes na sagutin siya nito nang deritso ay kung anu-ano pang sinasabi nito. Iling-iling na lamang niyang pinagpatuloy ang paglalakad patungong cafeteria.

"Uy, hindi pa nga ako tapos eh!"

"Whatever you say," aniya.

HINDI alam ni Jos kung bakit, pero pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng cafeteria ay biglang tumahimik ang kaninang naririnig nilang mala-palengkeng ingay mula sa labas. She felt something odd but she just shrugged it off at deritso lang sa counter upang umorder nang makakain, ramdam din niya ang pagsunod sa kanya ni Glenne kaya hindi na siya nag-abala pang lingunin ito.

"What do you want to eat, my treat." turan niya kay Glenne na nasa likuran pa rin niya but still hindi niya pa rin ito nililingon.

"Kahit ano."

Biglang kumunot ang noo ni Jos nang marinig ang boses lalaki sa likuran niya, sa pag-aakalang pinaglalaruan na naman siya ni Glenne ay naniningkit ang mga matang nilingon niya ito, only to be surprise!

"W-what are you doing here?" mula sa paniningkit ay unti-unting nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang nasa likuran niya.

"What do you think?" he answered her with another question.

"Where's Glenne?" she asked again at pilit na sinisilip ang likuran nito ngunit hindi niya magawa dahil sumusunod din sa galaw niya ang lalaking nasa harapan.

Naniningkit ang mga matang muli niya itong binalingan ng tingin. "What do you want, Vaporub?" may pagkainis sa boses niyang tanong dito.

Hindi ito umimik instead, he just smirked and shrugged his shoulder sabay muwestra ng kamay nito sa likuran niya at sundan niya ng tingin ito, doon niya lang napansin na naghihintay pala ang cashier ng order niya. Nilingon niya ang pila at may kahabaan na rin ito kaya, wala siyang nagawa kundi ang umorder na muna ng pagkain.

"Later." rinig niyang bulong sa kanya ni Ryker ngunit hindi na muna niya ito pinansin at ipinagpatuloy na lamang ang pag-oorder. At isa pa, pansin niya rin kasi na nasa kanila na ang halos lahat ng atensyon ng mga estudyanteng nasa loob ng caf, which is not a good sign.

*******

-typos&errors

FAIRY SYLVEON

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon