I am Violet...
I am Violet...
I am Violet...
Paulit-ulit na parang sirang plaka na pasigaw na bumubulong ang mga katagang iyon sa isipan ni Jos. Naestatwa siya sa kinatatayuan habang nakatitig pa rin sa mga mata ng kaharap na babae na nagpakilala sa kanyang Violet, kasabay niyon ay ang pagbalik sa isipan niya ng isang parte ng alaala ng kahapong pilit niyang kinakalimutan...
"Kapag nagtagumpay kami sa eksperimentong ito, tiyak na wala nang mas lalakas pa sa amin... Magagawa na rin naming higitan pa ang kakayahan ng Violet na iyon..."
Nanginginig ang katawan ng batang babae habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng lalaking kasama niya sa loob ng isang silid na iyon.
Matapos siya ng mga itong ipasok sa isang uri ng higaang tinatakpan ng makapal na salamin at tusuk-tusukin ng kung anu-anong mga matutulis na bagay, na sa hinuha niya'y tumagal ng mahigit isang oras ay tinigilan na rin siya ng mga ito at inilabas sa mala-impyernong bagay na iyon at inilipat sa ibang higaan.
Latang-lata at namamanhid ang katawan ng batang babae nang mailabas siya mula roon. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang pagkatanggal ng kung ano sa mga mata niya. Doon niya lang napagtanto kung bakit wala siyang nakikita, nakapiring pala ang mga mata niya.
"Sige, pakainin niyo muna iyan at pagpahingahin habang hinihintay namin ang resulta ng test." rinig ng batang babae na turan ng isang lalaki.
Kahit nanghihina, pinilit niyang tapunan ng tingin ang lalaking nagsalita ngunit bago pa niya iyon magawa, may nagtulak na sa kamang kinahihigaan niya patungo sa kung saan.
BINABASA MO ANG
VF BOOK 2: VIXEN's HEIR
ActionAlright reserved ©2017 VF BOOK 2: VIXEN's HEIR He will take his own path. Like her mother, he is unpredictable... and also, he is an unbeatable. He inherited it all, every single pieces that his lovely mother has... and now, he had more than the exp...