HALOS mapatakip ng tainga si Violet nang sumalubong sa pagpasok nila ang hindi magkamayaw na hiyawan ng mga tao sa loob ng Black Kingdom. Base sa pinanggalingan niyon, natitiyak siyang galing ang ingay na naririnig sa arena.Nagkatinginan sila ni Shinji, sabay na napatango sa isa't isa saka malalaki ang hakbang na dumiretso sila sa arena.
When they arrived and saw what's going on inside the arena, hindi naitago ni Violet ang pagkagulat na gumuhit sa mukha niya sa nasaksihan. Hindi siya maaaring magkamali, si Jos at ang anak niyang si Ryker ang nasa loob ng ring at kasalukuyang nagpapalitan ng mga atake!
"Shit!" she heard Shinji cursed upon seeing them. So, this is the trouble Akaniro was talking about?
Nilinga-linga ni Violet ang paligid upang hagilapin ang naghatid sa kanila ng impormasyon but to no avail, the guy is nowhere to be found. She took a deep breathe at muling ibinalik sa ring ang paningin. By the looks of Ryker's moves, she can tell that her son is out of his self. Something or someone might triggered him, causing him to act such way. Mula kay Ryker binalingan niya si Jos na ekspertong iniiwasan ang bawat atake na pinapakawalan ni Ryker. She didn't know that the lady can actually fight at nagagawa pa nitong pantayan ang bilis ng kilos ng anak niya. Mataman niyang pinasadahan ng tingin ang ekspresyon ng dalaga mula sa kinaroroonan nila, and when she saw its blankness, right there, she knew, katulad ng anak niya, wala rin ito sa sarili.
"Fuck! We need to stop them, Lei." Shinji cursed again nang makitang kapwa natamaan ang dalawa sa sabay nitong pinakawalang mga atake. Violet saw how the blood on her son's face dripping down, dahil doon, she can feel something rushing down inside her veins. So fast and-- no. Violet heaved a deep breathe as she closed her eyes. She have to control herself. Hindi maaaring pati siya ang mawala rin sa sarili.
"Hey... Are you okay, Lei?"
She opened her eyes when she heard Shinji asking. "Yes. Let's go. Let's stop them."
SA ISANG nakahiwalay na silid dinala si Akaniro sa pagsunod niya sa lalaking nakita niya sa arena. Buong pag-iingat na nilapitan niya ang nakasaradong pinto ng silid at pinakiramdaman ang nasa loob niyon.
Hindi naging dahilan ang ingay na nagmumula sa arena upang hindi niya marinig ang lakas ng kabog ng sariling dibdib, gayunpaman ay hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. Malalim ang pinakawalan niyang hininga bago niya buong ingat na hinawakan ang siradura ng pinto pagkalapit niya at pinihit iyon.
Lihim siyang napangiti ng maramdaman ang pagbukas niyon. Dahan-dahan niya itong itinulak at hindi pa man niya lubusang nabuksan ang pinto, isang pamilyar na tinig na kaagad ang bumungad sa kanya dahilan para matigilan siya.
"Dr. Gamic?" patanong na bulong niya sa sarili as he listened the old man talking.
Bahagya niyang sinilip ang loob ng silid. Hindi iyon ganoon kaliwanag dahil tanging mga kupas na ilaw lamang ang nagbibigay ng liwanag sa loob dahilan upang hindi niya malinaw na makita ang mga mukha ng mga tao sa loob, gayunpaman ay ramdam niya ang mga malalakas na presensya na nagmumula sa mga ito. Base on his calculation with their presences, they were five of them inside and one of them is Dr. Gamic, he's sure of it.
"Now, what are you up to, Dr Gamic?" he mentally muttered.
MAS lalong lumakas ang hiyawan ng mga gangster sa loob ng arena nang kapwa duguan na ang dalawang taong naglalaban sa loob ng ring. Napatiim-bagang si Violet sa nasasaksihan. She pretty knew that her son won't like the idea of hurting Jos and yet there he is. Punching and kicking with all his might without any knowledge that it was the love of his life he'd been dealing with.
Hindi pa niya nakakalimutan kung paano nito ipinagsigawan ang nararamdaman niya para sa dalaga sa gitna ng laban. Tapos ngayon sasaktan niya ito? Napailing-iling siya.
Hindi alintana ni Violet ang mga nagwawalang mga nanonood sa paligid. Eksperto niyang tinalong ang may hindi kataasang harang ng ring upang makapasok siya sa loob at maawat ang mga ito. Nang lumapat ang mga paa niya sa semento ng ring, mabilis niyang pinakiramdaman ang sarili kung maayos ba ang pagkakalanding niya gawa ng ginawang pagtalon. Napangisi siya nang mapansing walang masakit o ano pa man sa katawan niya. "Good..." she muttered. Mukhang hindi pa nga siya kinakalawang. It's been a while though.
Nang iangat niya ang mukha, doon lang niya napansin na natahimik ang kanina'y nag-iingay na manonood. Halos lahat at nakatingin sa kanya at may iba-ibang ekspresyon na nakaukit sa mga mukha. Kung ano man iyon, wala na siyang pakialam, though mukhang naagaw niya ang mga atensyon ng mga ito samantalang ang dalawa na kasama niya sa loob ng ring ay wala pa ring tigil sa pagpapalitan ng mga atake.
Bago gumawa ng hakbang, ipinalibot na muna ni Violet ang paningin sa paligid, hinahagilap ng mga mata niya si Shinji na iniwan niya sa labas ng ring. Nang makita ay mataman lang itong nakatingin sa kanya na para bang may ideya na ito kung ano ang binabalak niya sa dalawa. Bahagya lamang itong tumango nang makita siya nitong nakatingin at mukhang hinihintay lamang kung kailan kakailanganin ang tulong kung saka-sakali.
She took a deep breathe at muling hinarap ang dalawa na wari mga walang kapaguran kung maglaban. She bet it was the mecha's doing. Hindi ang mga ito nakakaramdam ng anumang sakit o pagod because their body was already numb. She knew it cause that was exactly she felt before. Hindi lang niya akalain na mamanahin ng panganay niya ang pakiramdam na iyon. She sighed again.
Violet took two shurikens from her jacket pocket at walang pasabing ibinato ang mga ito sa dalawa na abala sa paglalaban habang papalapit siya sa mag ito. The shurikens contained a high doses of sleeping elements. Kahit na maliit na daplis lang nito ay kaagad na i-epekto iyon sa matatamaan nito.
Violet tsked when she saw how the both of them dodged the shuriken before it finally hit them. Mukhang malakas pa rin ang mga presensya ng mga ito kahit na abala pa ang mga ito sa paglalaban. And right there, she knew, hindi magiging madali sa kanya ang pigilan ang mga ito ng hindi gaanong nasasaktan. She have no other choice to but to exert some strength-- no. She must exert her full strength for the sake of her son and his future. She'd gotta make a not so ordinary moves to stop of them... and she will do it... now.
******
F. Sylveon
BINABASA MO ANG
VF BOOK 2: VIXEN's HEIR
ActionAlright reserved ©2017 VF BOOK 2: VIXEN's HEIR He will take his own path. Like her mother, he is unpredictable... and also, he is an unbeatable. He inherited it all, every single pieces that his lovely mother has... and now, he had more than the exp...