SERYUSO ang mukha ni Jos habang hinihintay ang resulta ng ginawa niyang test sa pinaghalong mga dugo nila ni Luvan. Panaka-naka rin ang pagsulyap niya sa alaga na noo'y mahimbing pa ring natutulog matapos niya itong turukan ng panpatulog upang hindi nito maramdaman ang sakit ng karayom na itinusok niya rito isang oras na ang nakakalipas upang kunan ito ng dugo.
Habang hinihintay ang resulta ay wala sa sariling naipalibot niya ang paningin sa kabuuan ng laboratory nila na nasa basement ng bahay. Makalipas ang halos isang buwan ay naayos na rin at naibalik sa dati ang bahay nilang pinasabog ng walangyang halimaw. Laking pasalamat niya na hindi nadamay ang lab niya sa nangyari sa taas nito dahil kung nagkataon ay mahihirapan siya sa pagpapatuloy sa mga ginagawa niya.
Jos heaved a sighed before she took a glance on her wristwatch. "Three minutes more..." she muttered at muling ibinalik ang buong atensyon sa ginagawa.
Kailangan niyang magmadali dahil natitiyak niyang hinahanap na siya nina Ian sa mga oras na iyon. Dalawang araw na siyang hindi nakikipagkita sa mga ito at alam niyang may hinuha na ito kung nasaan siya. They aren't stupid enough para hindi matukoy kung ano ang binabalak niya. Kaya nga hindi na siya nag-aksaya pa ng laway na sabihin sa mga ito ang plano niya dahil alam niyang malalaman din ng mga ito kung ano iyon. Iyon nga lang, maaari silang mahuli at wala nang maabutan na siyang gusto niyang mangyari.
When the timer alarmed, mabilis na tiningnan ni Jos ang resulta ng test. Nang makita kung ano iyon ay isang ngisi ang gumuhit sa mga labi niya. It's freaking match! Muli siyang napasulyap sa alaga, hindi pa rin maalis ang ngisi sa mga labi niya.
"So, that's how its done." she talked to herself when realization hit her. Kaya pala panay ang eksperimento ng Pirate Skull ng mga hayop, lalo na ng mga aso. Isa pala ito sa bumubuo ng Ruin. But too bad for them, hindi sila nakahanap ng eksaktong hayop na kukumpleto sa solution.
Sabi na nga ba niya. Noon pa man ay may hinuha na siya ngunit dahil mas inabala niya ang sarili sa pag-aaral ay hindi niya ito masyadong pinagtuunan ng pansin, but not until they got the formula na siyang kabisado naman niya, kaya hindi na big deal sa kanya kung nasa kamay na ito ng halimaw. Iyon kung ma-decode nila iyon. It's a code formula after all.
Mabilis na inilagay ni Jos sa isang maliit na lalagyan ang dugo saka iyon binalot ng malinis na tela. Kailangan niya iyong ingatan dahil iyon ang habol ni Akaniro sa kanya-- ang Ruin.
Sinong mag-aakala na sila ng alaga ang bubuo sa Ruin na ito? Kahit hindi pa lubusang malinaw sa kanya ang lahat, isa lamang ang nasisiguro niya. Pareho sila ni Luvan na pumailalim sa nakakamatay na eksperimento noon kaya hindi na iyon nakakapagtaka. But one thing caught her attention upon seeing the result.
May kakaibang likido siyang nakikita sa pinaghalong dugo nila ni Luvan. And by the looks of it, hindi ito parte ng dugo nila. Kung ano iyon, iyon ang dapat niyang alamin, ngunit bago iyon, may kailangan muna siyang unahin.
NANG makarating sa puntod ng mga magulang niya si Jos ay saglit siyang nag-alay na maiksing panalangin para sa mga ito. Kasama niya si Luvan na tahimik lang na sumusunod sa kanya. Wala siyang pakialam sa mga takot na mukha ng mga taong nakakasalubong nila kapag nakikita nito ang alaga. Hindi niya maaaring ihiwalay sa kanya si Luvan hangga't hindi siya nakakakita ng ligtas na lugar para rito. Though, she can consider the Arfeudson mansion as a safest place for now, pero ayaw na muna niyang bumalik doon hangga't hindi pa niya nagagawa ang test na binabalak niya.
Matapos niyang alisan ng mga tuyong dahon ang paligid ng puntod ng mga ito, umupo siya sa harap nito saka kinausap ang dalawa na para bang buhay pa na sasagot sa kanya.
"Hello, Mama... Papa... Pasensya na, hindi ko kasama si Ian ngayon. I bet busy siya sa mga oras na ito. Busy sa paghahanap sa akin." hindi napigilan ni Jos ang matawa sa huling tinuran. Yeah, she's pretty sure about it. "You know what, Ma... Things are getting complicated now. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin silang naghahabol sa Ruin-- sa akin. Kung bakit ba kasi may mga taong nabuhay na gahaman sa kapangyarihan. Kung bakit ba kasi may mga taong hindi makuntento sa kung anumang meron sila. Kung bakit ba kasi nabuhay ang mga taong hindi pantay-pantay. But on the second thoughts, kahit naman pantay-pantay na ang lahat, hindi pa rin maiiwasang may gustong lumamang at ayaw magpalamang. Nature na siguro iyon ng pagiging tao. At wala na sigurong makakapagbago niyon." she sighed. "Just like Akaniro... He's the definition of the word monster. Isang gahaman, katulad ng ama niya..." naikuyom ni Jos ang mga kamao nang mabanggit niya ang ama ng halimaw na iyon. Mentioning him brought her back to the past. Parang isang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ang nakaraang iyon. The sight of her parents death.
Napakurap- kurap si Jos kay Luvan nang bigla nitong idinikit ang katawan sa kanya. Doon niya lang napansin ang pamamasa ng mga pisngi niya. "Damn..." she cursed when she realized that she's crying. Mabilis niyang pinahid ang mga luhang hindi niya namalayang nagsiagusan na pala. Mga bastos na luha, hindi marunong magpaalam!
Nang makatayo ay blanko na ang mukha ni Jos. "Let's go back to business, baby." aniya sa alaga kapagkuwan ay dinampot ang isang maliit na pala at ilan pang gamit panghukay na dala niya sa pagpunta roon.
Jos checked the perimeter first, making sure na walang makakakita sa gagawin niya. Nang masigurong walang tao na malapit sa kinaroroonan nila, Jos starts digging the small spot katabi ng puntod ng mga magulang niya kung saan may nakatakip na pekeng bermuda grass na gawa sa plastic.
Sa kalagitnaan ng paghuhukay ni Jos, bigla siyang napangiti nang lumapit sa kanya si Luvan at ginaya ang ginagawa niya gamit ang matutulis nitong mga kuko.
After a moment of digging, saglit na natigilan si Jos when she hit something hard. Kaagad niya iyong kinuha at nang maiangat ito at makita, her eyes became cold as an ice.
Seeing the small vessel in her hands made her blood boiled in so much anger. Hawak lang naman kasi niya ang dahilan kung bakit nawalan siya ng mga magulang. Dahilan kung bakit nagkanda-letsi-letse ang buhay niya. Ang Ruin.
******
I just published a new piece. Sana mabasa niyo rin iyon, pandagdag sa mga pending. 😄
Title: "When The Mafioso Drop His Gun"
It's a kind of R-18, so yeah. Be cautious. 😉- F. Sylveon
BINABASA MO ANG
VF BOOK 2: VIXEN's HEIR
ActionAlright reserved ©2017 VF BOOK 2: VIXEN's HEIR He will take his own path. Like her mother, he is unpredictable... and also, he is an unbeatable. He inherited it all, every single pieces that his lovely mother has... and now, he had more than the exp...