PAGKARATING nila Jos sa bahay na pagmamay-ari ng pamilya ni Jinx, na siyang pansamantala nilang tinitirhan ay kaagad silang nagpalit ng damit. Wala silang inaksayang oras at mabilis ang mga kilos na inihanda ang mga kakailanganin nila sa kanilang gagawin.
"Handa na ang lahat."
Mula sa paglilinis nang hawak na baril, napaangat ng mukha si Jos kay Glenne nang magsalita ito. Nasa bungad lang ng pinto ng silid niya si Glenne at hindi na nag-abala pang pumasok sa silid niya. Kaya naman ay tinanguan na lang niya ito at nagsalita, "Mabuti kung ganoon, pababa na rin ako." aniya sabay pasok ng dalawang 45 kalibre na baril at ilang mga reserbang mga magazine na puno ng bala sa backpack na dadalhin niya sa pupuntahan nila.
"Sige." maiksing tugon sa kanya ni Glenne saka ito tumalikod.
Bago lumabas si Jos ng kanyang inuukupang silid, tiniyak niya munang mabuti na wala na siyang naiwan pa o di kaya'y mga bagay na naiwanan niyang bukas na hindi maaaring makita ng iba maliban sa kanilang tatlo, lalo na ng mga kasambahay na pumapasok sa silid niya upang maglinis, kahit na ayaw man niya ay wala siyang magagawa dahil hindi niya pag-aari ang kasalukuyang tinitirhan.
Pagkababa niya sa sala, ang handang-handa na sina Annette at Glenne ang kaagad na sumalubong sa kanya. Katulad niya ay may kanya-kanya rin ang mga itong sukbit na mga backpack na sigurado siyang mga weapon din ang laman.
"Let's go." aya niya sa dalawa pagkadampot niya sa shoe box na may lamang bangkay ng tuta.
Bago pa man sila tuluyang makalabas ng bahay, narinig ni Jos ang ginawang pagpapaalam ni Glenne sa mayordoma at syempre, hindi nito sinabi ang totoo nilang patutunguhan. Hindi nga lang niya mapigilang hindi mapailing nang marinig ang sinabi nito na pupuntahan nila. Sa dinami-rami ang maaari nitong gawing dahilan, ang pakikipaglamay pa talaga ang naisip nito!
Well, sa binabalak nilang gawin ngayon, mukhang may paglalamayan nga talaga sila. Jos mentally smirked with those thoughts of hers.
Nang matapos si Glenne sa pagpapaalam sa mayordoma, sabay na silang lumabas ng bahay at sumakay sa kotse niya na talagang sinadya niya pa kanila sa secret garage niya para lang sa lakad nilang iyon. Ang kotse na ginagamit lang nila kapag may gagawin silang kababalaghan.
Jos settled herself behind the wheels, kapagkuwan ay kaagad na binuhay ang makina. As soon as Glenne and Annette already settled on their seats too, Jos stepped on the gas and drove to the place kung saan nila sisimulan ang mga binabalak.
"ARE you sure, na nasa loob sila dude?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Suher kay Ryker habang nakatanaw sa isang bahay na under repair pa gawa nang mga apoy na dumaan rito.
"Yeah." bagot na sagot ni Ryker dito na nakatanaw din sa naturang bahay.
"Ano kayang ginagawa nila sa loob?" bakas pa rin ang pagtatakang tanong ni Suher, na siya ring gustong malaman ni Ryker, dahil maging siya rin ay nagtataka.
"Baka naman tiningnan lang nila ang improvement ng pagkakagawa." sabat sa kanila ni Trevor na katulad nila ay nakatanaw din sa bahay, samantalang si Jinx naman ay tahimik lang na nakamasid sa paligid at nakikinig lang sa usapan ng tatlong kaibigan.
Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan ni Ryker na naka-park hindi kalayuan sa dating bahay nila Jos. Heavy tinted ito, kaya kampante silang walang makakakita sa kanila sa labas, at upang hindi sila paghinalaan na nagmamatyag, binuksan nila ang hood sa harapan ng sasakyan para isipin ng kung sinumang makakapansin sa kotse na nasira ito or whatever.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanilang apat nang biglang mapakunot ng noo si Ryker nang may mapansin siya. Hindi ito malinaw sa kinaroroonan niya, kaya naman, he used his eyeglasses. Pinindot niya ang dapat pindutin dito and just like that, everything around him, zoomed, dahilan upang malinaw na niyang makita ang kanina ay parang isang maliit na bagay lamang sa paningin niya.
"Something wrong, dude?" Jinx asked him nang mapansin ang ginawa niya.
"Think so." maikli niyang sagot habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa nakita niyang lalaki na umaaligid sa bahay nila Jos.
Sinundan ng tingin ni Jinx ang tinitingnan ni Ryker, ngunit dahil may kalayuan sila sa bahay, hindi niya ito maaninag ng maayos.
"Bakit?"
"What's wrong?"
Sabay na tanong nila Trevor at Suher na nasa backseat ng sasakyan nakaupo.
"Ready your weapon." utos ni Ryker sa kanila imbes na sagutin ang mga tanong nito nang makita niyang naglabas ng baril ang lalaki.
Kahit bahagyang nagtataka, hindi na lang umimik pa sina Suher at kanya-kanya na lamang na palabas ng mga baril na nakaipit sa mga beywang nila. Ganoon din ang ginawa ni Ryker, he ready his gun and unlocked the car's door on his side. Keeping his guard up, just in case na magkaroon ng hindi magandang kaganapan, lalo na't may posibilidad na tauhan ng Pirate Skull ang lalaking nakita niya.
PAGDATING na pagdating nila Jos sa bahay niyang sinunog ng Pirate Skull, pinakansel muna nila at pinauwi ang mga construction workers na nagri-recontruct nito. Kita ni Jos ang pagtataka sa mukha ng foreman sa inanunsyo niya sa mga ito, gayunpaman ay hindi na ito nagkomento pa at sinabihan ang mga tauhan tungkol sa cancelation.
Nang matiyak nila Jos na nakaalis na ang mga construction workers, mabilis ang mga hakbang na tinungo nila ang isang bahagi ng bahay na may isang secret door patungo sa isang underground room.
Jos pushed the particular corner on the corridor's wall and in just a snapped of time, the secret door appeared. Seryuso ang mukhang binuksan ito ni Jos, kapagkuwan ay isang hagdanan pababa ang bumungad sa kanila.
Walang imik na bumaba rito si Jos bitbit ang kahon na may lamang patay na tuta at sukbit sa mga balikat niya ang kanyang backpack. Kaagad namang sumunod sa kanya sina Annette at Glenne na katulad niya ay seryuso rin ang mga mukha.
Sabay silang tatlo na bumaba sa may kahabaang hagdanan. Pagdating sa dulo nito ay isang pinto ulit ang sumalubong sa kanila. Using the security scanner machine na nakadikit sa tabi ng pinto, Jos placed her palm to its screen for the door to open. Pagkatapos mai-scan ng scanner ang palad ni Jos at ma-detect ng machine ang presensya niya, ilang segundo lamang ang hinintay nila bago bumukas ang naturang pinto.
Wala pa rin silang imikan na pumasok sa loob. Pagkapasok ay kaagad na pinalibot ni Jos ang mga mata sa paligid at gamit ang hawak na flashlight, hinanap niya ang power. Nang makita ay kaagad niya itong nilapitan and turned it on.
"Mabuti naman at hindi napinsala ng sunog ang power." komento ni Annette pagkakalat ng liwanag sa kabuuan ng silid.
"Hindi konektado ang wiring nito sa taas." simpleng tugon ni Jos dito sabay lapag ng mga bitbit sa lamesa.
"Ohh..."
"Now, let's get started."
******
-typos&errors
Fairy Sylveon
BINABASA MO ANG
VF BOOK 2: VIXEN's HEIR
ActionAlright reserved ©2017 VF BOOK 2: VIXEN's HEIR He will take his own path. Like her mother, he is unpredictable... and also, he is an unbeatable. He inherited it all, every single pieces that his lovely mother has... and now, he had more than the exp...