VH 1

1.3K 31 1
                                    

VH 1

"ARE YOU READY, SON?"

Ryker glance to his father who's in front of his room's door. "Yah..." he simply replied.

"Good. Let's hit the road then..."

"Where's Mom by the way? Akala ko ba kasama siyang maghahatid sa akin sa unit?" tanong niya sa ama nang hindi mahagilap ang ina.

"Oh, nauna na siya roon, kasama niya si Requeza."

Naningkit ang mga mata ni Ryker sa narinig. "Nakauwi na pala ang bubwit na iyon?" he muttered habang isa-isang sinisilid sa backpack niya ang mga gadgets niyang nagkalat sa ibabaw ng side table. "I thought she's going to stay in Japan with ojisan..."

"Wala ka kasing ginawa kundi ang magkulong dito sa silid mo kaya hindi mo alam kung ano ang mga nangyayari sa labas." anang kanyang ama.

Ryker just heaved a sighed. "Pero hindi na ngayon." sambit niya sabay sukbit ng backpack sa isang balikat. "Do I really have to go there Dad?" for the ninth times around, he asked his father again.

"Of course. Anak, hindi ka maaaring habang buhay na lang magkukulong dito sa silid mo. Simula ng umuwi ka rito galing Texas wala ka nang ibang ginawa kundi harapin iyang mga gadgets mo, you even study online without our knowledge." napailing-iling ang ama niya habang sinasabi iyon. "Hindi naman sa masama iyang mga ginagawa mo but son, minsan kailangan mo ring lumabas dito sa lungga mo. You should make friends with other young men out there. You should explore some places. You should enjoy your youth life," dagdag pa nito.

"I am already enjoying, Dad. With my gadgets with me, that more than enough."

Kita ni Ryker kung paano umiling-iling ang kanyang ama sa tinuran niya.

"You always have a reason." sambit nito, "Anyway, let's go. You can't trick me with that ramdom questions of yours, son."

Napabuntong hininga na lamang si Ryker sa narinig. Akala niya'y lumusot na siya roon. "Yeah, right..."

Sukbit ang backpack sa isang balikat ni Ryker, sumunod siya sa kanyang ama sa pagbaba mula sa silid niya. Pagkababa nila sa sala ng mansyon ay bumungad sa paningin niya ang Tito Calvin niyang prenteng nakaupo sa isang couch doon. May binabasa itong isang magazine kaya hindi nito napansin ang pagbaba nila.

"So, the prince finally came out from his beloved chamber ey..."

Or so he thought.

"Yeah... finally..." his Dad replied while tapping his shoulder. He sighed again before greeted his Tito.

"Zup, Tito..."

Lumingon ito sa kanya. "Good to finally see you down here, Ryker," anito. "Mabuti naman at napilit niyo ang batang ito na mag-aral bilang normal na tao." kapagkuwan ay baling ng Tito niya sa ama na ikinasingkit ng mga mata niya.

"And what do you actually meant by that, Tito?" sabat niya na tinawanan lang nito pati ng kanyang ama. Nalukot ang mukha niya, "You're makin' fun of me."

"No. It's not what you think, son." maagap na turan ng kanyang ama.

"Whatever, Dad. Let's just hit the road already. Tsk!" aniya sabay nauna na sa amang lumabas ng mansyon.

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon