JOS cursed mentally when she can't get any hint kung saan maaaring magsusumuot si Vixx. Ilang oras na siyang nakatutok sa monitor niya but still, she got nothing at all.Malalim ang ginawa niyang pagbuntong-hininga bago siya parang nauubusan ng lakas na tumayo mula sa pagkakaupo. Mukhang kailangan na niya talagang lumabas, dahil hindi nakakatulong sa kanya ang pagkakalikot niya sa keyboard. Or maybe, she can ask some helping hand from Akaniro.
After knowing the guy, Jos pretty knew na hindi siya nito tatanggihan if she'll ask one.
Mabilis ang kilos na inayos ni Jos ang sarili at lumabas ng silid. She's about to turned into Akaniro's laboratory in the fifth floor kung saan alam niyang nandoon ito at nakabantay kay Inori nang bigla siyang matigilan nang may marinig siyang nag-uusap.
Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Nang mapagtantong ilan ito sa mga tauhan ni Akamori ay lumapit siya sa mga ito at nilinaw ang narinig niya at tinanong kung saan ang lugar na iyon, ngunit bago pa man masagot ng mga ito ang mga tanong niya, isang boses ang sumabat sa kanila. It was Akaniro.
"Did I heard it right? May nanggugulo sa Black Kingdom?" he asked.
"Hindi naman sa nanggugulo, sir." maagap na sagot ng tauhan.
"Then what do you mean?"
"Panay kasi ang hamon ng lalaking iyon sa mga gangster na naroon, gayunpaman ay hindi ito matalo-talo kahit na sunod-sunod ang nagiging laban nito at mag-isa lang siya na siyang nagpaingay at mas lalong nagpadami ng tao sa Black Kingdom dahil lahat nang nakakarinig sa balita ay gustong makita ang lalaking muling nagpabuhay ng dugo sa lugar na iyon makalipas ang mahigit-kumulang dalawang dekada." mahabang paliwanag nito.
Sa narinig ay mas lalong kumunot ang noo ni Jos at tumindi ang nararamdamang kuryusidad ukol sa sinasabi nitong lugar. Sa hindi malamang kadahilanan ay gusto niyang puntahan ang lugar na iyon ora mismo.
"Sino raw ang lalaking iyon?" bakas ang kuryusidad sa boses na muling tanong ni Akaniro sa dalawang tauhan.
"Sa pagkakatanda ko, isa siya sa sumugod dito no'ng nakaraaan, boss." mabilis na tugon ng isa dahilan para matigilan si Jos.
Maya-maya pa ay nagkatinginan sila ni Akaniro. Bakas sa mukha nila ang iisang ekspresyon. "Mukhang pareho tayo ng naiisip." anito sa kanya.
"I think so..." tumango siya rito. "Saan ba ang lugar na ito?"
Mataman siya muna nitong tiningnan bago ito muling nagsalita, "Let me take you there."
"Are you sure?" paniniguro niya sa narinig, "Paano si Ino--"
"Inori is already fine. Nagamot mo na siya at ang panggising na lamang niya ang hinihintay natin. Saka hindi naman tayo magtatagal doon. Sigurado ako na kapag nakita ka na ni Arfeudson ay titigil na iyon sa ginagawang kagaguhan." putol nito sa kanya.
Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ni Jos bago siya dahan-dahang tumango. "Okay. Ikaw ang bahala.
IT took just an hour bago nila narating ang tinatawag ng mga itong Black Kingdom. Sa labas ay parang ordinaryong gusali lamang ito sa mga mata ni Jos, ngunit nang tuluyan na silang makapasok, she can't help but to feel the creeps the place sending to her.
"This is the gangster's lair." Akaniro said habang nilalakad nila ang isang pasilyo. Bahagya lamang niya itong nilingon at hindi na umimik dahil nasa dulo ng pasilyong tinatahak nila ang atensyon niya kung saan rinig na rinig niya ang mga hiyawang nagmumula roon.
"Anong meron doon?" hindi niya mapigilang tanong.
"Ang arena."
HABANG papalapit na papalapit sa sinasabing arena ni Akaniro, hindi maintindihan ni Jos ang sarili. Mula sa kinaroroonan nila ay langhap niya ang sariwang dugo ng kung sinuman ang nandoon. Kinakapusan siya ng hininga sa hindi niya malamang dahilan, and her muscles tensed.
Palihim siyang humugot ng malalim na hininga nang maaninagan na niya ang dulo ng pasilyo at ang mga ilaw na nanggagaling sa arena, ngunit mukhang hindi iyon nakalagpas kay Akaniro.
"Hey... You alright?"
"Yeah." maagap niyang tugon dito kasabay ng pagpasok niya ng dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng suot na jacket at doon iyon mahigpit na ikinuyom.
"Good. Let's hurry, then... Mukhang hindi na maganda ang nangyayari sa loob."
Wala sa sariling napalingon si Jos kay Akaniro dahil sa tinuran nito. She wondered if he can feel what she'd felt too but she doesn't dare to ask. Imbes na magsalita ay itinuon na lamang niyang muli ang atensyon sa tinatahak nilang pasilyo habang palakas nang palakas ang naririnig niyang hiyawan mula sa dulo noon.
JOS' jaw literally dropped when they finally reached the arena and saw the situation there. She can't think of anything more brutal in her entire life except the scenery she's seeing below-- inside the arena's ring.
She gulped multiple times upon seeing the stage covered by blood-- by fresh blood from the people who'd got lost their lives.
Nang maramdaman ang kakaibang pakiramdam na dumadaloy sa kaibuturan niya, mabilis na iniiwas ni Jos ang paningin mula sa mga nagkalat na dugo. She diverted her eyes into somewhere and there, it landed into someone so familiar.
"Vixx..." she muttered his name at sa hindi inaasahang pagkakataon, lumingon ang binata sa gawi nila na para bang narinig siya nito nang bigkasin niya ang pangalan nito.
They're eyes met and Jos can't help but to gulped again upon seeing those pair of orbs. She saw it again... those hypnotizing bloody red eyes.
Parang nahihipnotismong nakatitig lang si Jos sa mga mata ng lalaki. Hindi naging hadlang ang ilang metrong layo nila sa isa't isa para hindi niya ito makita ng maayos. They stared each others eyes for a moment or two hanggang sa maramdaman na lamang ni Jos ang kakaibang sakit sa tagiliran niya.
Kasabay nang paglabas ng mahinang daing niya ay ang pagngiwi ng mga labi niya na kaagad namang napansin ni Akaniro na nasa tabi niya na noon ay nasa arena din ang atensyon. "What happened?"
Hindi nagawang sagutin ni Jos ang tanong nito. Abala siya sa pagkapa ng tagiliran niya kung saan nanggaling ang sakit na naramdaman. Nang maramdaman niya ang malapot na likido na dumadaloy doon at ang isang maliit na bagay na nakabaon, mabilis na bumaba ang paningin niya roon para lamang makita ang dugong masaganang dumadaloy doon.
"Shit!" she heard Akaniro cursing simultaneously pero wala roon ang atensyon niya kundi sa bagay na nakabaon sa tagiliran niya.
Humugot siya ng malalim na hininga saka kagat ang pang-ibabang labi na hinugot iyon gayunpaman ay hindi niya napigilan ang mapahiyaw sa sakit. Akaniro cussed even more. Natataranta siya nitong dinaluhan ang sinipat ang sugat niya sa tagiliran na hindi niya Alan kung saan nanggaling at kung sino ang may gawa.
"Kailangang matingnan ito kaagad. Baja kung ano pa ang meron sa--" bigla itong natigilan nang makita ang bagay na sanhi ng sugat niya. Walang pasabi itong kinuha sa kamay niya at matamang tiningnan ang limang talim niyon. "Is this a fucking shuriken?" hindi makapaniwalang patanong na anas na ito.
"I guess so..." aniya na bahid sa boses ang iniindang sakit. Magsasalita na sana siyang muli nang bigla na lamang nag-iba ang pakiramdam niya. Gone the pain. Sa hindi niya malamang kadahilanan ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng kakaibang pangangailangan na dumadaloy sa kaibuturan niya.
Lust. She felt nothing but lust. The lust of blood. More blood. Before everything went blurred.
*****
F. Sylveon
BINABASA MO ANG
VF BOOK 2: VIXEN's HEIR
AksiyonAlright reserved ©2017 VF BOOK 2: VIXEN's HEIR He will take his own path. Like her mother, he is unpredictable... and also, he is an unbeatable. He inherited it all, every single pieces that his lovely mother has... and now, he had more than the exp...