VH-39

362 16 7
                                    


PAGKAGALING sa function room ng mansyon kung saan ginanap ang meeting nila, dumiretso na si Jos sa kwarto na kasalukuyan niyang inuukupa sa Arfeudson mansyon. Pagkapasok ay isang ngiti kaagad ang gumuhit sa mga labi niya nang makita ang alaga niya na mahimbing na natutulog sa kama niya.

Tahimik ang mga hakbang lumapit siya rito saka tumabi ng higa rito at maingat na niyakap ang mabalahibo nitong katawan. Mas lalo pang lumawak ang pagkakangiti niya nang bahagya itong kumislot at isiniksik ang sarili nito sa kanya.

Jos closed her eyes and feel Luvan's warm furs hanggang hindi niya namalayan ang pagnakaw ng dilim sa ulirat niya.

NAGISING si Jos nang maramdaman niya ang isang mamasa-masang bagay na paulit-ulit na dumadampi sa pisngi niya. Nang imulat niya ang mga mata, a chuckled escaped from her mouth when she saw Luvan busy licking her cheeks.

Yayakapin na sana niya ang alaga nang isang katok mula sa pintuan ang nagpatigil sa kanya. Walang pagmamadali sa kilos niya na bumangon siya mula sa pagkakahiga at hinalikan muna sa ulo si Luvan bago tinungo ang pintuan na patuloy pa ring kumakatok sa naturang pinto ang kung sinuman ang nasa likod niyon.

Kahit hindi makikita sa mukha ni Jos, hindi niya maitatangging bahagya siyang nagulat nang makilala ang taong napagbuksan.

"Vicks.. May I help you?" kaswal niyang bati rito.

He just shrugged na siyang ikinakunot ng noo niya at mas lalo pang kumunot ang noo niya nang walang imik itong pumasok sa silid niya saka kumportableng dumeritso nang higa sa kama niya.

"Seriously?" hindi makapaniwala niyang anas dito. "Wag mong sabihin na iyan ang ipinunta mo rito?"

Mula sa paghihimas sa ulo ni Luvan, lumingon si Ryker sa kanya at nagsalita. "Not really... I'm here to ask you something."

"Tungkol ba ito sa Ruin?" walang pag-aalinlangan niyang tanong sa binata sabay upo niya sa mahabang couch na naroroon. She doesn't want to get too close to Vicks, alright. He has this kind of effect on her that she can't understand, kaya mas mabuti nang dumistansya siya rito. Precaution, ika nga.

"Kind of..." he shrugged saka bumangon sa pagkakahiga at umayos ng upo sa gilid ng kama kapagkuwan ay matiim na tumitig sa kanya, "but first thing first, why don't you sit beside me?"

"And why is that?" hindi niya mapigilan ang pagtaas ng kilay niya and at the same time ang pagkailang dahil sa uri ng titig nito na iginagawad sa kanya.

"Or should I do it by myself instead," anito na hindi pinansin ang tanong niya.

"What are you up to, Mr. Arfeudson?" pilit na sineryuso ni Jos ang boses niya lalo na nang makita ang pagtayo nito at paghakbang papalapit sa kanya.

"There's this thing na kanina ko pa gustong gawin but can't see a perfect time to do it."

Hindi alam ni Jos kung bakit siya kinakabahan sa unti-unting paglapit sa kanya ni Vicks. Gayunpaman ay pilit niya itong tinatago at nilalabanan, iniiwasang makita o maramdaman ng binata ang kabang nararamdaman niya sa katotohanang ilang dipa pa lamang ang layo nito sa kanya but still, the weird effect is in there, slowly running in every inches of her veins. "At sa tingin mo ngayon ang tamang oras para gawin ang kung anumang ang iniisip mong gawin?" nakataas ang kilay niyang tanong dito.

A sexy smirk drew on Vicks' lips upon hearing her question that made her secretly gulped. "Damn..." she mentally curse at mabilis na inialis sa isipan ang isang bagay na naisip niya upon seeing those pretty red lips of him.

"Yes, ngayong tayong dalawa lamang ang nasa silid na ito, now is the perfect time to do it." pahayag nito na hindi pa rin naaalis sa mga labi nito ang ngising iyon, plus the spark in his eyes na parang may binabalak.

"Ano nama--"

"This." putol ng binata sa itatanong niya na siyang nagpasinghap sa kanya sa labis na pagkabigla!

She can't believe that Vicks actually thinking the same thing as hers! And now that his lips are pressed securely against hers, Jos can't think of anything to do aside from closing her eyes, specially when Vicks started to move his delectable lips.

HINDI alam ni Jos kung ilang minuto na siyang nakatulala sa kisame ng silid niya matapos siyang halikan ni Vicks at walang paalam itong lumabas ng silid. She blinked how many times habang pilit na pinapapasok sa isipan ang nangyari ilang minuto pa lamang ang nakakaraan. "What the hell just happened?" Jos asked herself unknowingly while thinking about how she responded on Vicks kisses.

"Did you saw it?" wala sa sariling baling niya kay Luvan na nasa tabi niya na abala sa pagdila sa sariling katawan.

"Ako nakita ko."

Kunot ang noong napatingin si Jos sa balkonahe ng silid niya kung saan nagmula ang isang pamilyar na boses. May nakikita siyang anino roon ngunit dahil sa kurtina na sumasabay sa ihip ng hangin, nahihirapan siyang aninagin kung sino ang nagmamay-ari niyon.

"Who's there?" tanong niya rito sa seryusong boses habang nanatili pa ring nakaupo't nakasandal sa bandang ulunan ng kama niya. Nakatutok lang siya sa kinaroroonan ng aninong nakikita niya habang hinihintay itong magpakita't magpakilala.

"It's me, Phiney..." tugon sa kanya nito na bahagyang ikinalaki ng mga mata niya sapagkat iisang tao lamang ang tumatawag sa kanya ng ganoon.

Nang umalis ito mula sa pagkakasandal sa nakabukas na pinto ng balkonahe at pumasok sa silid niya dahilan para makita niya ito, hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya nang mapatunayang tama nga ang hinala niya. It's Ian!

"Ian!" she called his name with a smile on her lips at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo saka ito sinugod nang yakap. Damn... She miss this man so much.

Natatawa at iling-iling naman itong gumanti sa kanya ng yakap at saka bumulong, "Its Kuya Ian for you, lil' missy."

Napangisi si Jos sa narinig. Ever since they were just a kid, palagi na nitong iginigiit sa kanya na tawagin niya itong kuya dahil iyon daw ang nararapat but knowing her, asa pa ito.

"Whatever, Ian. Whatever." nakangisi pa ring turan niya rito sabay kalas niya ng yakap dito. Iling-iling naman ito dumistansya sa kanya habang nakangusong bumubulong, "Kailan ko kaya maririnig ang salitang kuya mula sayo."

See? Paano niya ito tatawaging Kuya kung mas isip-bata pa ito sa kanya? Lihim na lang din siyang napailing.

"It's been a while. How are you?" aniya at hindi na lang pinansin ang nakanguso nitong mukha.

Kaagad namang napalis ang pabebe nitong ekspresyon at napalitan ng seryusong mukha na mariing nakatingin sa nakatingin sa kanya. "No. It's how are you."

Jos shrugged at akmang ibubuka na sana ang mga labi niya upang sagutin ito ngunit bigla siyang naantala nang bumukas ang nakasaradong pinto ng silid niya at inuluwa niyon si Vicks na may gulat na ekspresyon sa mukha nang makita si Ian ngunit kaagad din iyong nawala at napalitan ng isang blankong mukha at malamig na mga mata.

"Pinapatawag ka sa baba, nakahanda na ang hapag-kainan." anito na nakatingin na sa kanya kapagkuwan ay walang imik na tinalikuran sila, ngunit hindi sa sinabi nito natuon ang atensyon niya kundi sa napakalamig nitong boses.

"What was that?" Jos can't help but to asked herself.

******

F. Sylveon

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon