NANG makita ni Jos kung paano manigas ang katawan ni Vixx pagkakita sa tinutukoy niya, right there, Jos knew... Tama ang hinuha niya-- hinuhang lalo pang nagpagulo sa isipan niya. Why?Bakit pa hinahabol ni Akaniro ang mecha kung in the first place ay meron na siya nito?
"Paano nangyari ito? Paanong may mecha na nakahalo sa dugong ito? Is this the Ruin they've been looking for?"
Sunod-sunod na iling ang itinugon ni Jos sa binata kapagkuwan ay tumango. "Yeah, that's the Ruin and I'm so fucking confused as hell!" Jos blurted out. Naguguluhan siya! Hindi niya alam kung ano ang una niyang iisipin. Lalo na nang mapunta sa dako kung saan mahimbing na natutulog si Luvan ang paningin niya. Lalo na sa fact na ang kombinasyon ng dugo nila ng alaga ay ang bumubuo ng Ruin.
And yeah... Paano nangyari? Paanong mayroong nakahalong mecha sa mga dugo nila ng alaga?
Mariin na lamang na napapikit si Jos when she can't find any possible answer to her own questions. Mga sagot na kahit anong hagilap niya sa isipan ay hindi niya matagpuan.
"Hey... Are you okay?"
Jos open her eyes when she felt a pair of hands on her shoulders. Bumungad sa kanya ang mukha ni Vixx na bakas ang pag-aalala na ikinakunot ng noo niya.
"You're shaking..." anito. Doon lang niya naramdaman ang sarili sa narinig. Iniangat niya ang dalawang kamay at doon lang niya napagtantong nanginginig nga siya. Damn. What happened to her?
"Hey... Talk to me, Jos. What's wrong?" bahagya nitong niyugyog ang mga balikat niya dahilan para mapunta muli rito ang atensyon niya.
Tumango siya para alisin ang pag-aalala sa mukha nito. "Nothing... Ayos lang ako. Siguro napagod lang." Yeah, pagod lang siguro siya kaya siya nagkakaganito. Pagsang-ayon ng isang bahagi ng isipan niya.
"You should rest then."
"Yeah, I think--hey!" napahiyaw siya nang bigla na lamang siyang pinangko ng binata. "Anong ginagawa mo? Put me down!"
"Shhh... Rest... and let me take care of you." turan nito habang humakbang palabas ng lab.
Wala nang nagawa pa si Jos kundi ang hayaan ang lalaki sa ginagawa nito. She like it, though. She felt at ease being wrapped with his arms. It's seems like, its the safest place among all. With the thoughts of it, wala sa sariling naipikit ni Jos ang mga mata habang dinadama ang nakakakalmang init na nagmumula sa katawan ng binata.
Nang maramdaman ni Jos ang paglapat ng likod niya sa malambot na kutson, doon lang niya iminulat ang mga mata. Doon lang din niya napagtantong nasa isa sa mga silid ng bahay siya nito dinala nang pasimple niyang ipinalibot ang mga mata.
Nang ibinaba siya ni Vixx at tuluyang pinahiga sa kama ay gusto niyang magprotesta. Parang ayaw na yata niyang lumayo ang binata sa kanya na lihim niyang ikinailing-iling at kinastigo ang sarili, Put yourself together, Jos.
"There. Now, rest and stop stressing yourself out." anito saka siya tinalikuran.
"Why are you doing this, anyway?" hindi niya mapigilang tanong dito bago pa ito tuluyang makalabas ng silid. Nakakapagtaka kasi ang mga ikinikilos nito. They aren't even close in the first place para mag-offer ito na alagaan siya at kung dahil naman ito sa Ruin, he can have it without exceeding any effort if he wants too... But this... Why?
Tumigil ito sa paghakbang ngunit hindi na ito nag-abala pang humarap sa kanya, "Because this is my own way of saying I love you."
Literal na nanlaki ang mga mata ni Jos sa narinig. Mula sa pagkakahiga ay napabangon siya ng wala sa oras ngunit bago pa man siya mapagsalita upang linawin sa binata ang narinig, tuluyan nang sumara ang pinto at wala na roon ang binata.
BINABASA MO ANG
VF BOOK 2: VIXEN's HEIR
ActionAlright reserved ©2017 VF BOOK 2: VIXEN's HEIR He will take his own path. Like her mother, he is unpredictable... and also, he is an unbeatable. He inherited it all, every single pieces that his lovely mother has... and now, he had more than the exp...