TAHIMIK na sinusundan nila Ryker ang lalaki hanggang sa makarating sila sa isang partikular na silid. Kaagad na binuksan ng lalaki ang nakasaradong pinto nito saka inaya silang pumasok na mabilis naman nilang sinunod.
Pagkapasok ay kaagad na pinalibot ni Ryker ang mga mata sa kabuuan ng silid, habang ang lalaki na nagdala sa kanila ay kinakausap ang isa pang lalaking naka-lab coat at facemask din katulad nila. Hindi pamilyar na mga gamit ang unang pumukaw sa atensyon niya na bahagyang ikinakunot ng noo niya, gayunpaman ay isinawalang bahala na muna niya iyon at ipinagpatuloy ang lihim na pagmamasid sa paligid.
"Kayong dalawa, ano pang tinatayo niyo riyan?" mabilis na napalingon si Ryker sa nagsalita. "Lumapit kayo rito't tulungan niyo ako, ano ba!" dagdag pa nito.
Nagkatinginan muna sila ni Shinji, bakas sa mga mata ang pagkakaintindihan bago tumalima sa tinuran ng lalaki. Dahan-dahan at puno ng ingat na sabay silang lumapit sa kama kung saan nakatayo sa gilid nito ang lalaki at may hawak-hawak na syringe. Mula rito ay ibinaling ni Ryker ang mga mata sa kama kung saan kita niya ang isang babaeng nakahiga. Hindi nakaharap sa gawi niya ang mukha nito dahilan para hindi niya ito maaninag, gayunpaman ay hindi niya mapigilang mapakuyom ng mga kamao at lihim na pagtagis ng mga bagang. Sa itsura nito ay masasabi niyang wala itong malay.
"They will pay for it..." turan niya sa sarili habang nag-iigting ang bagang.
"Here..." muli siyang napatingin sa lalaki nang may iabot ito sa kanya. Napatitig siya sa dalawang bagay na nasa kamay nito at walang imik na inabot ito. "Cut her pulse and take some of her blood."
Lihim siyang natigilan sa narinig. Kita rin sa gilid ng mga mata niya na ganoon din ang reaksyon ng Tito Shinji niya. Mula sa hawak na kutsilyo at isang maliit na lalagyan ay lumipat sa nakahigang babae ang paningin niya at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makita ang mukha nito.
"Oh fuck!" he cursed mentally at mabilis ang mga kilos na isinaksak ang hawak na kutsilyo sa katabing lalaki. Ganoon din ang ginawa ng Tito Shinji niya sa isa pang lalaki, dahilan para sabay itong bumagsak sa lapag nang walang malay.
"Damn! What the hell!" hindi makapaniwalang nakatitig ang Tito Shinji niya sa mukha ng babae. "Where the hell is Jos?!" dagdag pa nito nang mapagtantong hindi si Jos ang nakahiga sa kama.
Hindi ito sinagot ni Ryker. He just frustatedly heaved a sighed at napatitig na lamang sa kisame habang bumubulong, "Where the fuck are you?"
"IS that..."
"Yes, I'm sure of it... It is the formula." pagpapatuloy ni Annette sa sasabihin ni Glenne.
"Bakit nandito ito? I mean, ba't nila ito iniwan dito?"
"I don't know..." walang ideyang sagot niya sa mga tanong nito. "I have no idea." dagdag pa niya habang ina-unlock ang code ng vault kung saan nakapaloob doon ang formula. "We must bring it back home."
"Yeah." pagsang-ayon ni Glenne sa kanya.
Habang abala si Annette sa pag-a-unlock ng vault ay tahimik namang pinakikiramdaman ni Glenne ang paligid. Pagkalipas ng ilang sandali ay kapwa sila natigilan nang makarinig ng isang pamilyar na tunog. Sabay silang napatingala sa kisame kung saan nagmula ang tunog at ganoon na lamang ang paglabas ng mga malulutong na mura mula sa mga labi nila nang makita kung ano ang nakadikit doon.
"Fuck! It's a bomb!"
"And it's in the last minute..." Glenne muttered.
"Damn! Move now, Glenne!"
HINDI pa tuluyang nakalabas ng warehouse sina Annette nang umalingawngaw ang malakas na pagsabog sa lugar na iyon. Ngunit bago pa sila tuluyang makain ng lumalaking apoy at matabunan ng gumuguhong gusali, gamit ang natitirang lakas, desperada nilang tinakbo ang isang bintanang hindi kalayuan sa kinaroroonan nila at dinambahan iyon gamit ang mga sariling katawan.
Kasabay nang tuluyang pagkawasak ng may kalumaang warehouse ay ang pagbagsak ng mga katawan nila sa malupang bahagi ng lugar. Impit ang mga daing nila habang pinipilit ang mga sariling kumilos at tuluyang lumayo sa lugar na iyon.
"Damn... That was so close..." nakangiwing turan ni Glenne habang paika-ikang naglalakad patungo sa pinaradahan nila ng sasakyan. Hindi siya inimik ni Annette gayunpaman ay hinayaan na lamang niya itong nakasunod sa kanya at hindi na nilingon pa, ngunit nang marinig ang biglang pagmumura nito ay kunot ang noong napalingon siya rito.
"Fuck it!"
"Why? What's wrong?" she asked.
"The vessel is empty." sagot nito sa malamig na boses.
"What?" hindi makapaniwalang napatitig siya sa hawak nitong nakabukas na. "I knew it..." she added after a few moments.
"Yeah, it was a bait." anito habang nakatiim-bagang. "And we actually caught by it. Damn!"
Marahas na napabuntong hininga na lamang si Glenne sa katutuhanang naging kampante sila at masyadong pabaya. "Now what? Ano nang gagawin natin? Sa nangyari kanina, masasabi kong alam na nila ang plano natin, to the point na nakapag-set up sila ng trap. At kung nagkataon na hindi tayo nakalabas sa tamang oras, baka tustado na tayo ngayon."
Glenne saw Annette heaved a sighed kapagkuwan ay initsa sa kung saan ang hawak na vessel na wala namang laman. "We must find Jos, no matter what."
"Yeah, but the question is, how?"
"I honestly don't know..." sagot nito sabay muling bumuga ng marahas at malalim na hininga.
"Maybe, we should ask some help." suhestiyon niya rito dahilan para mapatingin ito sa kaniya.
"Kanino naman, if ever?"
"Alam mo na kung kanino." simpling tugon niya rito.
"How sure are you na tutulungan nila tayo?"
She shrugged. "Not quite sure but I guess, it'll worth a try."
"If that so, let's go then..." Annette said shrugging.
Sabay nilang tinungo ang pinagparadahan nila ng kotse. Pagdating doon ay mabilis silang sumakay dito saka kaagad na binuhay ni Glenne ang makina at pinaharurot iyon patungo sa lugar kung saan naroroon ang taong binabalak nilang hingan ng tulong.
MABILIS ang mga kilos na ginalugad nila Ryker ang kabuuan ng base. Sa bawat marahas na pagbukas ng mga pintong nadadaanan nila ay lihim na hinihiling ni Ryker na sana ay iyon na ang kinaroroonan ni Jos, ngunit sa hindi mabilang na pagkakataon ay lagi na lamang bumabagsak sa pagkadismaya ang mga balikat niya. Unti-unti na siyang naiinis sa sarili niya, sa kadahilanang hindi pa rin niya nakikita ang silid na kinaroroonan ni Jos. Doon lang din niya napagtantong may kalakihan pala ang base na pinasok nila at ang nakakairita pa ay bawat anggulo mayroong mga pintuan, dahilan para hindi nila malaman kung alin sa mga iyon ang dapat unahin.
"Fuck this shit!" hindi na mapigilang asik ni Ryker nang isang blankong silid na naman ang bumungad sa kanya pagkabukas ng isang pinto. "What kind of base is this? A hotel? Damn it!" aniya sa iritadong boses at sunod-sunod na binuksan ang mga nakahilerang pinto, ngunit katulad nang nauna ay wala ring mga laman ang mga iyon maliban sa isang malapad na kama.
Abala si Ryker sa pagbubukas sa iba pang pintuan nang may marinig siyang ikinatigil niya.
"Did you heard it?"
Mabilis siyang napabaling kay Shinji na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya.
"Yeah... and it's coming from--"
"Right down there." putol ng Tito niya sa sasabihin niya. "Let's go, Ryker." dagdag pa nito at tumalikod.
Kaagad naman siyang tumalima at sumunod dito na pababa na sa isang hagdanan. Napakunot ang noo niya nang hindi niya iyon napansin kanina ngunit nang makita ang isang pintuan sa gilid niyon ay napatango na lamang siya.
"So... Thats how it's works, huh..." he uttered when a realization hit him kapagkuwan ay mabilis na bumaba ng hagdanan nang isang putok ng baril na naman ang narinig niya na nagmula sa baba.
******
-typos&errors
F. Sylveon
BINABASA MO ANG
VF BOOK 2: VIXEN's HEIR
ActionAlright reserved ©2017 VF BOOK 2: VIXEN's HEIR He will take his own path. Like her mother, he is unpredictable... and also, he is an unbeatable. He inherited it all, every single pieces that his lovely mother has... and now, he had more than the exp...