VH 16

502 27 0
                                    

SA PAGMULAT ng mga mata ni Jos, isang puting kisame kaagad ang bumungad sa kanya. Kahit masakit at mabigat ang katawan ay pinilit niya pa rin ang sariling ilibot sa kinaroroonan niya ang kanyang paningin para kumpirmahin ang hinala niya.

Nang mapadako ang mga mata niya sa medical hose na nakakabit sa palapulsuhan niya at ang dextrose na nakasabit sa tabi ng kinahihigaan niyang kama, doon lang niya natiyak na tama nga ang hinuha niya. She's in the hospital.

Napabuntong hininga na lamang si Jos at ipinagpatuloy ang pag-ikot ng paningin sa kabuuan ng silid. Masasabi niyang siya lamang mag-isa sa naturang silid dahil sa katahimikang bumibingi sa kanya.

Napabuntong hininga siyang muli. Maya-maya pa ay parang isang naka-set play video na nag-play sa isipan niya ang nangyari sa bahay nila at kung paano niya nakuha ang mga sugat na meron ang katawan niya sa mga oras na iyon.

She just can't believe that those fuckers caught her off guard. And now, she's pretty sure na nasa kamay na ng mga ito ang bagay na iyon. Napakuyom siya ng mga kamao sa isiping iyon.

Dahil sa inis at galit na nararamdaman ay marahas siyang bumangon mula sa pagkakahiga, hindi alintana ang kirot sa katawan niya na dulot nang biglaan niyang paggalaw. At nang akma na sana siyang tatayo, isang malamig na boses ang nagpatigil sa kanya.

"Don't you dare move..."

Nilingon niya ang nagmamay-ari ng boses na hindi niya namalayang pumasok, ganoon na lamang ang pagsikdo ng damdamin niya nang makilala ito and at the same time ay kumunot din ang noo niya.

"What are you doing here, Vaporub?" she asked him.

He tsked. "What an incredible way of saying thanks to the person who saved you."

Mula sa pagkakakunot ng noo ni Jos, napalitan ito ng pagtaas ng kilay dahil sa narinig. "What the hell are you talking about?"

"Your welcome, by the way." he replied instead of answering her question.

Bahagyang natigilan si Jos nang maintindihan niya ang ibig nitong sabihin. "Ho--Paano mo pal--"

"What happened?" putol nito sa itatanong niya.

Napaiwas siya ng tingin dito. "It was just an accident," aniya.

"Yeah right. At aksidente ring may mga ligaw na basyo ng mga bala ang nagkalat sa bahay mo, especially those marks of bombs na siyang dahilan ng sunog." puno ng sarkasmong tugon nito sa kanya dahilan para muli siyang mapatingin dito at mapagtantong mariin itong nakatitig sa kanya.

"No more lies to pick?" anito nang hindi siya makasagot sa tinuran nito.

Napahugot na lamang siya ng malalim na hininga. "So, what do you want me to say?" walang emosyon niyang tanong sa binata.

"The truth, of course. I want you to tell me, why Pirate Skull are after you?"

Nanigas si Jos sa narinig. Pakiramdam niya ay binuhusan ng isang baldeng yelo ang buo niyang katawan sa narinig. "H-how did you know?"

"Underestimating me, I see..." he tsked again. "Now, are you gonna tell me, or do I have to wait the result of the investigation we did?"

Nanlaki ang mga mata ni Jos. "P-pinaimbestigahan mo ako?" gulat niyang tanong dito.

Ryker shrugged. "Why not--"

"Jos! You're awake!"

Naputol ang anumang sasabihin sana ni Ryker nang biglang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa niyon sina Annette at Glenne kasunod sina Jinx.

Sabay silang napalingon ni Ryker sa mga bagong dating na siyang lihim niyang ipinagpasalamat. Atleast, kahit papaano ay nakaiwas siyang sagutin ang mga tanong sa kanya ni Ryker.

"How's your feeling, Jos?" tanong sa kanya ni Glenne pagkalapit nito sa kanya.

"I'm fine." maiksi niyang sagot dito.

"Yeah. And fish can walk." sabat sa kanila ni Annette na puno ng sarkasmo. "If I were you, hindi ko na siya tatanungin tungkol sa bagay na iyan. Kailan pa umamin ang babaeng iyan sa totoo niyang nararamdaman?" dagdag pa nito.

"Eh, anong gusto mong sabihin ko?"

"Anything." Annette shrugged. "But don't ask her, dahil I'm sure as hell na taliwas sa totoo ang isasagot niya."

Napabuntong hininga na lamang si Jos sa mga naririnig niya. She can say, that Annette really knows her well. And yeah, she's right. Jos pretty knew na hindi niya kayang sabihin sa mga ito ang totoong nangyari ngunit... may pagpipilian pa ba siya? Lalo na ngayong hawak ng mga damuho ang bagay na matagal na niyang tinatago at pinakaiingatan? Guess she don't have any choices but to tell them what happened dahil aminin man niya o hindi, involved na ang mga ito sa sitwasyon.

"So... What now, Jos?"

Mula sa malalim na pag-iisip, biglang napabaling si Jos kay Annette nang kunin nito ang kanyang atensyon.

"What?" she asked innocently.

"Oh, c'mon Jos. Don't play suchlike a naive, hindi bagay sayo." anito, "We wanna know what happened at alam kung iyon din ang gustong malaman ng mga lalaking ito ngayon."

For the ninth time, Jos heaved a sighed saka seryusong pinasadahan ng tingin ang mga tao sa harapan niya na tahimik lamang na nakamasid at nakikinig sa usapan nila.

"Okay fine. I'll tell you..." pagsuko niya sabay tingin kina Annette na bakas sa mga mukha na nasiyahan sa tinuran niya, "...pero pwede bang pakainin niyo muna ako? I'm starving to death kung hindi niyo alam."

Lihim na napangisi si Jos nang makita ang mga mukha nina Glenne, hindi ito makapaniwalang napatitig sa kanila at saglit silang nilukob nang katahimikan.

"Pffttt..."

Binasag nang pagpipigil na tawa ni Suher ang namumuong katahimikan sa loob ng silid, dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat. Nang mapansin ito ay pasimple siyang tumikhim at umayos ng tayo mula sa pagkakasandal sa dingding kapagkuwan ay nagpaalam.

"Ako na ang bibili ng pagkain sa labas," anito sabay tungo sa pintuan.

"Sasama ako." sabay na turan nina Jinx at Trevor na sinundan din nila Annette at Glenne. "Kami rin..."

"Since malapit na din namang mag-lunch time." dagdag pa ni Glenne.

Hindi na nagawa pang pigilan ni Jos ang mga ito dahil mabilis pa sa alas kuatrong nagsilabasan ang mga ito sa silid, dahilan para sila na namang dalawa ni Ryker ang maiwan sa loob ng naturang silid.

Napakagat-labi na lamang si Jos nang maalala ang usapan nila kanina bago pa dumating ang mga kaibigan niya.

"You know what?"

Mula sa pagkakayuko ay takang napaangat ng mukha si Jos nang magsalita ito makalipas ang ilang minutong paglabas nila Glenne. "Huh?"

"I've decided to do this now."

Kumunot ang noo niya sa narinig. Naguguluhan siyang napatingin kay Ryker na unti-unting lumalapit sa kanya mula sa pagkakasandal sa isang bahagi ng dingding sa loob ng silid.

"Ano bang pinagsasab--"

Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Jos dahil sa hindi niya inaasahang gagawin nito! Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya lalo na nang magsamulang gumalaw ang nakalapat nitong mga labi sa mga labi niya!

He's kissing her for hell' sake!

*******

-typos&errors

F• SYLVEON

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon