"THANK you." mula sa kaharap na desktop, lumipad ang paningin ni Jos sa nagsalita. "Thank you, Inori is getting well and that's because of you.""No." mabilis siyang umiling-iling sa tinuran ni Akaniro. "It's because of the medicine we injected to her not me."
"Hindi rin. Kung hindi dahil sa kaalaman mo, medicine is useless." he insisted. "And I can't thank you enough for that...
Napabuntong hininga na lamang si Jos. "Whatever you say." ani niya sa boses na sumusuko at muling humarap sa monitor na kaharap. She's studying about a certain chemical na sa tingin niya ay malaki ang maitutulong sa larangan ng medisina.
Nang maisip ang tungkol sa chemikal ay muli siyang napabuntong hininga. She remembered about the Ruin na minsan nang nagpagulo sa bahay nila-- sa buhay niya. After four consecutive days of knowing about its capacity of restoring dead cells, hindi niya mapigilang pangilabutan. Mas malala pa ito sa tinatawag nilang mechacapsule since may nakahalo itong dalawang uri ng magkaibang DNA, which is hers and Luvan.
Ang pinaghalong DNA ng tao at hayop ay iba na ang epekto, what's more kung dinagdagan pa ng isang uri ng malakas na kemikal? Maituturing na itong isang makapangyarihang sandata kapag nakontrol ito ng isang tao at halimaw naman kapag hindi.
Siya nga na tanging mecha pa lamang ang nasa kaugatan niya ay nahihirapan na siya, ano pa kaya kung ang Ruin mismo? Lihim na lamang siyang napailing-iling at itinuon na lamang ang buong atensyon sa ginagawa.
Makalipas ng ilang sandaling pagtitipa sa keyboard, muling napaangat ng mukha si Jos nang maramdamang hindi nawala sa tabi niya ang presensya ni Akaniro.
"Bakit?" naitanong niya rito nang makitang nakatingin lang ito sa kanya.
Akaniro shrugged. "Hindi ko kasi maintindihan kung bakit hindi mo ginamit ang Ruin kay Inori. Di ba, sabi mo noon mas mapapabilis ang recovery niya kung ang Ruin an--"
"Dahil hindi iyon ang magandang solusyon." putol niya rito nang makuha ang pinupunto nito.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam ko ang kakayahan ng Ruin and it's not good for Inori. At saka, ang anumang bagay na minamadali ay may kaakibat na kapalit..." makahulugan niyang aniya, "...and I'm not willing to take the risk. I'm sure hindi mo rin gugustuhing malagay sa alanganin ang buhay ng babaeng mahal mo."
"And one more thing, bakit pa tayo magri-risk kung may isang solusyon namang sigurado?" dagdag pa niya. "It's maybe a turtle-like process but one thing is for sure, you can guarantee that it's effective."
Akaniro smiled. "Yeah, you're right. Wala na akong sinabi. Ikaw na ang maalam."
She returned the smile to him bago muling hinarap ang monitor ngunit bigla siyang natigilan sa pagtipa nang marinig ang iniwanang mga salita ni Akaniro sa kanya bago ito lumabas ng silid na iniukupa niya sa headquarter nito.
"Anyway, mukhang masyado nang mahaba ang panahong ginugol mo para gamutin si Inori and now that she's getting stable, hindi kaya oras na para sarili mo naman ang asikasuhin mo? Specifically that little thing inside your chest?"
NAPAPAPIKIT si Jos sa tuwing nararamdaman niya ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat niya. Matapos marinig ang sinabi ni Akaniro sa kanya ay hindi na niya magawa pang i-focus ang buong atensyon sa ginagawa, bigla iyong nahati sa magkaibang dimensyon. Kaya naman ay naisipan niyang maglakad-lakad na lang muna.
Sa rooftop siya dinala nang mga paa niya. Mula sa kinatatayuan ay kita niya ang mga abalang tauhan ni Akaniro sa pag-aayos ng mga nasirang parte ng gusali dahil sa nangyari noong isang linggo.
Yeah. Isang linggo na ang lumipas mula ng sumalakay doon sina Vixx upang iligtas kuno siya. At isang linggo na rin ang nagdaan nang pinili niyang talikuran ang lalaki matapos ng ipinagtapat nitong damdamin sa kanya. Isang linggo na niya itong hindi nakikita at aminin man niya o hindi, hinahanap-hanap na nang sistema niya ang binata lalo na ang mga mata nito.
She sighed. Siguro nga ay tama si Akaniro. Panahon na siguro para ang sarili naman niya ang ayusin niya. Para bigyan ng pansin ang pangalang sinisigaw ng puso niya ngunit ang tanong, may madaratnan pa kaya siya? Hinihintay pa rin kaya siya ng binata matapos niya itong talikuran nang walang pasabi? She sighed again. Dahil kung wala na ay wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya. Kasalanan niya kung sakaling biglang magbago ang nararamdaman nito para sa kanya. Hindi niya kasi nilinaw dito ang punto niya bago ito tinalikuran. Kaya naman hindi niya ito masisisi kung iba ang pagkakaintindi nito sa ginawa niyang aksyon.
And now, to clear things up, she need to do something... and maybe... just maybe, she can able to make things right and crystal clear this time.
PAGKABALIK ni Jos sa silid, kaagad na hinanap ng mga mata niya ang cellphone na ibinigay sa kanya ni Akaniro when she decided to stay for a while.
Nang makita ito ay kaagad niyang idinayal ang numerong nasasaulo niya.
"Who's this?" tanong ng nasa kabiling linya nang sagutin ang tawag niya.
"It's me, Glenne." tugon niya sa mahinang boses ngunit tiyak naman niyang naririnig pa rin iyon ng nasa kabilang linya.
"Oh my, Jos! Where the hell are you?!" pasigaw nitong tanong.
"Still in here." imporma niya rito.
"You mean, hindi ka umalis sa pinagdalhan sayo ng halimaw na Akaniro'ng iyon?" hindi makapaniwala nitong muling tanong sa kanya.
Napabuntong hininga si Jos bago ito sinagot. "Oo... at hindi halimaw si Akaniro."
"At ngayon ay pinagtatanggol mo pa ang damuhong iyon. Damn, Jos... What the hell happened to you? Anong ginawa sa iyo na Akaniro para makapagsalita ka ng ganyan?"
"Nothing really," she shrugged na para bang nasa harap niya ang kausap. "He'd just explained some things to me and I came to understand it crystal clear. That's what happened."
"Ewan ko sa'yo, Jos. Ewan ko talaga sa iyo."
Jos chuckled nang maisip ang posibleng ekspresyon sa mga oras na iyon ng kausap. "Anyway, nasa mansyon ka ba?" pag-iiba niya sa usapan.
"Yup." mabilis nitong tugon. "Why?"
"Nandyan ba si Daddy?"
"Wala eh. I think tumutulong siya sa paghahanap--"
"Paghahanap ng ano?" nakakunot ang noo niyang putol dito.
"Hindi ano, kundi sino."
"Edi sino nga?" hindi niya pagpapansin sa pagtatama nito.
"Si Vixx. Hindi pa raw kasi umuuwi simula ng mangyari iyong alam mo na..."
Natigilan si Jos sa narinig. Ibig sabihin ay hindi ito umuwi pagkatapos ng--
"Hey Jos... are you still there?"
"Ah yeah... W-wait, paanong hindi umuwi? I mean--"
"Jos, don't act as if hindi mo ako naiintindiha--"
"I understand you, Glenne, alright. What I mean is, can't you track him?" putol niya rin dito.
"We did but we failed. Sa hindi malamang kadahilanan ay hindi namin siya mahagilap, even his mother na may invented na special tracker can't find him." turan nito na ikinabagsak ng mga balikat niya.
Jos sighed heavily sa narinig. "I will try to find him." ang tanging nasabi niya bago wala sa sariling pinutol ang linya.
And just like that. Just one call, seemed everything messed up again. Ngayon, saan naman niya hahanapin ang HAPLOS niyang iyon?
******
F. Sylveon
BINABASA MO ANG
VF BOOK 2: VIXEN's HEIR
ActionAlright reserved ©2017 VF BOOK 2: VIXEN's HEIR He will take his own path. Like her mother, he is unpredictable... and also, he is an unbeatable. He inherited it all, every single pieces that his lovely mother has... and now, he had more than the exp...