VH 3

710 24 0
                                    

VH 3

"JOS!"

Mula sa plato ay muling napaangat ng mukha si Jos nang marinig na naman niya ang pangalan niya. Naningkit ang mga mata niya nang makita si Annette na tumatakbong papunta sa lamesa nila ni Glenne.

Mabilis nitong nalampasan ang grupo ni Jinx na papalapit din sa kanila.

"Anong problema mo?" kunot ang noong tanong ni Jos pagkalapit sa kanila ni Annette.

"Oo nga, what's with the hurry?" segunda ni Glenne.

"It's an emergency!" kaagad na tugon ni Annette at mabilis na hinila patayo si Jos. "You should come with me!" dagdag pa nito sabay hatak kay Jos palabas ng cafeteria.

"Hey wait!" sabay na sigaw nina Glenne at Jinx.

Saglit lang na nilingon ni Glenne si Jinx bago mabilis na sumunod kina Jos habang bitbit ang gamit nilang dalawa na hindi na nagawa pang damputin ni Jos.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin at anong emergency ang pinagsasabi?" tanong ni Jos kay Annette na hatak pa rin siya sa braso habang binabagtas nila ang kahabaan ng hallway.

Saglit na huminto si Annette sa lakad-takbo nitong ginagawa at alanganing tumingin sa kanya habang ang isang kamay ay nakakamot sa batok.

Lalo pang lumalim ang gitla sa noo ni Jos sa inasta ng kaibigan. "Kasi Jos... Si Luvan nakawala..." anas nito na ikinalaki ng mga mata niya.

"The fuck! Emergency nga!" turan ni Jos at mabilis na kumaripas ng takbo papuntang parking lot para umuwi sa bahay nilang tatlo.

Kaagad namang sumunod si Annette kay Jos para ituro rito ang lugar kung saan nila huling nakita si Luvan.

BAGSAK ang mga balikat ni Glenne nang hindi niya maabutan sina Jos. Pabagsak siyang umupo sa isang bench sa hallway habang habol ang hininga.

"Nasaan na kaya ang mga iyon?" tanong niya sa sarili habang nakatitig sa bag ni Jos.

"Where's Jos?"

Napaangat ng mukha si Glenne nang may biglang magsalita sa harapan niya. She shrugged nang makilala kung sino ang nagtanong. "Dunno." maikli niyang sagot kay Jinx sabay tingin sa mga kasama nito. Hindi niya mapigilang mapakunot ng noo nang may isa siyang mukha na nakitang hindi pamilyar sa kanya. 'Maybe he's the son of Mr. Arfeudson, they'd talking about...' she said mentally nang makita ang pagkakahawig nito sa may-ari ng university.

Muling napabaling kay Jinx si Glenne nang mapansin ang pagbagsak ng mga balikat nito. "Sayang, aayain ko pa naman sana siya mamayang gabi."

Mabilis na napaangat ng kilay si Glenne sa narinig. "Si Jos lang?" hindi niya napigilang isa-boses dahilan para makarinig siya ng mahinang pagtawa sa likod ni Jinx.

"Of course, kayong tatl--"

"Pero si Jos talaga ang pinaka-imbitad--aww!" daing ni Suher nang binatukan ito ni Trevor dahil sa pagsabat nito.

Glenne rolled her eyes dahil sa nasaksihan. "Ewan ko sa inyo. Diyan na nga kayo. Hmp!" anas niya sabay walk out.

"Hey Glenne! Wait!"

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon