VH 4

629 26 2
                                    

VH 4

HINDI alam ni Jos kung saan niya hahanapin ang alaga niyang si Luvan na nakawala. Halos nalibot na niya ang lahat ng lugar na maaari niyang puntahan ngunit hindi talaga niya ito mahagilap.

"Sorry talaga, Jos... Hindi ko talaga sinasadyang hindi isarado ang gate. Sana'y naman kasi akong nasa hawla lang si Luvan o di kaya'y nasa loob lang ng mini forest mo..." ang paulit-ulit na sambit ni Annette sa kanya.

Jos heaved a sighed bago niya ito hinarap. "Forget about it, Annette. Just help me find Luvan." she said and silently hoping na hindi pa nakakalabas ng village ang alaga, dahil kapag nagkataon ay masyadong delikado, hindi ang alaga niya kundi ang taong makakakita nito. Baka ano pa ang gawin ni Luvan. Wala pa naman iyong ibang sinusunod maliban sa kanya. She sighed again.

"Oh, nandito na pala kayo." sabay silang napalingon ni Annette sa gawi ng nakabukas na pinto nang may magsalita roon. "Hindi niyo man lang sinabi na uuwi na kayo." dagdag pa nito ngunit nang wala itong nakuhang sagot mula sa kanila ay nagtataka itong pinasadahan sila ng tingin. "May problema ba?"

"Nakawala si Luvan..." mahina ang boses ni Jos na sinagot niya si Glenne.

"Huh? Paanong nangyar--"

"It's my fault." sabat ni Annette.

"It's nobody's fault." kaagad namang niyang sambit sa narinig.

"Josphine..."

Sabay silang napalingong tatlo sa tumawag sa kanya. Nang makita itong umiling-iling ay bumagsak ang mga balikat niya. "Hayaan niyo na po Tang, kami na po ang maghahanap kay Luvan." magalang na pahayag ni Jos sa matandang lalaki na siyang asawa ng Yaya niya, na siyang naging katiwala na rin ng mga magulang niya at siyang pinagbilinan sa kanya noong kinailangang mag-migrate ng mga ito sa ibang bansa.

"Pero..."

"Sige na  po, Tang. I'm sure na nakalabas na ng village si Luvan." aniya.

Walang itong nagawa kundi ang tumango at sundin ang gusto niya. "Tawagan niyo na lamang po kami kung sakaling umuwi si Luvan dito."

Nang makita ni Jos ang pagtango ng matandang lalaki ay kaagad na silang nagpaalam dito. Hindi nga nila nagawang makapagpalit ng damit, kaya naman ay naka-school uniform pa rin silang lumabas ng bahay nila, kung saan magkakasama silang tatlo na nakatira roon.

"Annette..." pagkapasok sa sasakyan ay tawag niya rito.

"Hmmm..."

"Can you call the animal welfare? Let them know about what happened para if ever na may magreport sa kanila ay alam na nila kung sino ang kokontakin nila."

"Sure." kaagad nitong sagot at inilabas ang cellphone mula sa loob ng bus.

Jos heaved a sighed before she start the engine. Kahit walang kasiguraduhan kung saan pupunta at hahanapin ang alaga ay pinatakbo niya pa rin ang sasakyan at hinayaan ito kung saan sila dadalhin.

"I just hope na wala pang nakakagat ngayon si Luvan..." turan ni Glenne na nasa backseat nakaupo.

Yeah. I hope too...

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon