VH 15

444 21 0
                                        

"OH MY GOD! Jos!" sabay na sigaw nina Glenne at Annette nang makita nila si Jos na duguan at walang malay na nakabulagta sa sahig ng kusina malapit sa lababo.

Nanlamig silang pareho and at the same time ay kapwa nag-iigting ang mga panga sa galit.

"Jos!" Glenne called Jos' name again at akma na sana itong lalapitan ngunit bigla rin silang natigilan nang bumigay at gumuho sa mismong harapan nila ang kisame ng kusina na may kasamang mga malalaking tipak ng debris!

"Glenne!  Watch out!"

Annette pulled Glenne palayo sa mga naglalaglagang mga debris. "No! Jos!" Glenne screamed horrifyingly nang makita kung paano tabunan ng mga debris si Jos.

Napasinghap si Annette sa nakita! Gayunpaman ay pikit-mata niya pa ring hinihila si Glenne palabas ng kusina upang hindi sila mabagsakan ng mga naglalaglagang debris kahit na panay ang  palag ni Glenne sa paghila niya. She did it with all her might kahit na nagtatagis ang mga bagang niya sa nangyari kay Jos!

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay isang pader ng koridor kung saan sila naroroon ang biglang gumuho at tumama sa kanila dahilan para pareho silang mawalan ng malay.

"YOU know what to do." seryuso at puno ng autoridad na turan ni Ryker kina Jinx habang ang paningin ay nasa umuusok pa ring bahay sa harapan nila.

Nang makita ni Ryker ang pagdukot ni Trevor sa cellphone nito sa bulsa ng suot na pantalon ay walang salitang humakbang siya at pinasok ang bahay.

Ngunit hindi pa man siya nakakatatlong hakbang nang bigla siyang mapatigil, dahil kay Luvan na biglang humarang sa kanya.

Matamang tinitigan ni Ryker ang mga mata ng kaharap na lobo. Wala na ang pinapakitang bangis nito kanina nang makita sila, siguro dahil ay nakilala sila nito, kaya ganoon. Habang tinititigan ni Ryker ang mga mata nito na kakulay nang sa kanya, right there, he knew that the poor creature wants to tell him something.

Kaya naman ay lumuhod siya sa harap nito, tapped its head and then asked, "What do you want to say, buddy?" as if it will answer him, but to his surprise, Luvan growled loudly at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng kabahayan. As if, its telling him to follow.

Kahit hindi sigurado kung tama nga ang pagkakaintindi, malalaki ang mga hakbang ni Ryker na sinundan ang lobo sa loob ng bahay. Nang makapasok ay hindi mapigilan ni Ryker ang mapakuyom ng mga kamao sa nakikita niyang kalagayan ng bahay.

Wasak at sunog ang mga gamit sa loob, mula sa mga materyales hanggang pader. And he can tell na ganoon din ang ayos sa iba pang parte ng bahay.

Hinanap ng paningin niya si Luvan at nang makitang papaliko ito sa isang komedor. Kaagad niya itong sinundan. Pagdating sa parteng iyon ng bahay ay ganoon na lamang ang pagkunot ng noo niya nang makita si Luvan na parang may hinuhukay sa isang bahagi ng koridor kung saan may pader na gumuho.

"What's wrong, buddy?" tanong niya sa hayop habang lumalapit dito ngunit hindi siya nito pinansin at patuloy lang sa ginagawa habang lumilikha ng ingay na parang umiiyak.

Ryker heaved a sighed. He don't understand and he don't know what to do. Ngunit nang makitang pursigido talaga si Luvan na hukayin nakaumbok na sementong iyon, he decided to help it out and find out what's under those shits.

Nasa kalagitnaan si Ryker sa pag-aalis ng mga malalaking tipak ng semento sa nakaumbok na bahaging iyon ng koridor nang dumating sina Jinx kasama ang ilan sa mga underlings ng Palacio na tinawagan nito na kaagad nilibot ang kabahayan.

"Anong meron sa ilalim niyan?" nakakunot ang noong tanong ni Suher nang makita ang ginagawa ni Ryker.

"I don't know." hinihingal na sagot ni Ryker dito. "Something's odd with thi--Holy shit!" bigla siyang napamura nang sa pag-angat niya nang isang tipak ng semento ay bumungad sa kanya ang isang kamay. "Fuck!"

"What--the fuck! Damn!"

"Fuck!"

Sabay-sabay na mura nina Jinx nang makita ang kamay na natabunan ng mga semento. Mabilis silang kumilos at lumapit kay Ryker na mabilis na rin ang kilos na binubuhat at hinahagis sa kung saan ang madadampot na tipak ng semento.

Trevor called some of their underlings to help them out too. Kaya hindi nagtagal ay naalis na rin nila ang mga sementong iyon. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nila nang makita at makilala kung sino ang may-ari ng kamay na nakita nila.

"The fuck! Glenne!"

"Annette!"

Sabay na sigaw nina Suher at Jinx sa pangalan ng dalawang nadaganan ng semento. Mabilis ang kilos ng dalawa na nilapitan ang mga ito at binuhat saka patakbong lumabas ng bahay para dalhin sa hospital ang mga ito.

Hindi nakaimik si Trevor dahil sa gulat sa nakita, gayunpaman ay nakakuyom ang mga kamao nito at nag-iigting ang mga panga sa galit, samantalang walang nagawa si Ryker kundi ang sundan na lamang ng tingin ang dalawang kaibigan habang buhat-buhat ang dalawang babae na parehong walang malay.

Hindi pa man tuluyang nawala sa paningin ni Ryker sina Jinx, biglang naagaw ang atensyon niya nang marinig ang pag-ungol ni Luvan. Nang libutin niya ang paningin ay ganoon na lamang ang pagkunot ng noo niya nang hindi niya ito mahagilap sa kabuuan ng koridor. Kaya nang muli itong lumikha ng ingay ay mabilis niya itong sinundan hanggang sa makapasok siya sa isang silid na hinuha niya'y isang komedor.

Mabilis na hinagilap ng paningin niya si Luvan at katulad nang kung paano niya ito nadatnan sa koridor kanina ay ganoon din sa bahaging iyong ng kusina.

Pilit itong may hinuhukay. Pilit na inaalis mula sa pagkakapatong-patong ang mga debris at kisame na bumagsak sa sahig. Sa pag-aakalang, katulad ng nauna, na may taong nabagsakan ng mga muwebles na iyon, walang tanong at imik na nilapitan niya ito at muli, isa-isang inalis ang mga debris at inipon ang mga iyon sa isang parte.

Nang buhatin niya ang malaking hardiflex ay ganoon na lamang ang panlalamig ng katawan niya nang makita ang isang pamilyar na mukha na nadaganan niyon!

"Fuck! No! Josphine!"


******

typos&errors

Fairy Sylveon

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon