VH 42

329 11 4
                                    


NAG-IISANG bumalik si Jos sa Arfeudson mansion. Hindi man niya naising bumalik pa roon ay wala siyang magagawa. Nandoon ang alaga niyang si Luvan at hindi niya maaaring hayaan na palaging iba na lang ang mag-aalaga rito. Mahirap na at baka magtampo ito at lumayo ang loob sa kanya, though she doubt about the latter. Malaki ang tiwala niya na hindi magbabago ang pagtingin sa kanya ng alaga. She will always be his only righteous owner. She's sure of it.

Pagka-park ni Jos ng sasakyan sa malawak na parking lot ng mansyon ay kaagad siyang dumeritso sa likod ng mansyon. Kung saan niya iniwang nakakulong ang alaga, since hindi niya ito maaaring iwan na pagala-gala sa loob ng mansyon. It will definitely make the mansion's maids and butlers freak out.

Kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ni Jos nang matanaw ang alaga na tahimik lang habang nakahiga sa loob ng kulungan. Gayunpaman ay kapansin-pansin na nakikiramdam ito sa palagid. Dahan-dahan ang ginawang paglalakad ni Jos upang mapatunayan ang kanyang hinuha at hindi nga siya nagkamali, biglang tumayo mula sa pagkakahiga si Luvan at parang tao na may sariling pag-iisip na inalisto ang sarili.

Huminto si Jos sa paglalakad at pumulot ng isang maliit na bato. Ibinato niya ito sa kulungan ni Luvan ngunit sinigurado niyang hindi ito matatamaan. Gusto lang niyang subukan kung gaano kalakas ang pakiramdam ng alaga. Kaya naman ay mas lalo pang lumawak ang pagkakangiti niya nang mabilis ang kilos ni Luvan na hinarap ang natamaan ng batong itinapon niya na tumama sa bahagi ng kulungan kung nasaan ang pinto.

"Good job, baby..." aniya pagkalapit niya sa alaga sabay bukas ng kulungan nito. "How are you?" tanong niya rito as she squatted and tapped Luvan's head.

Ipinikit ni Luvan ang mga mata nang lumapat ang kamay niya sa ulo nito habang ang buntot naman nito ay panay ang wagayway. Halatang masaya itong makita siya and so she is.

Dinala ni Jos si Luvan sa loob ng silid niya. Nang makapasok ay nakahinga siya ng maluwag nang wala siyang makasalubong na kahit isa man sa mga myembro ng pamilya ng Arfeudson. Kung bakit? Hindi niya alam.

Pansamantalang iwinaglit na muna ni Jos ang tungkol sa isiping iyon saka hinarap si Luvan. Matiim niya itong tinitigan bago napagpasyahang dalhin ito sa banyo at paliguan. Good thing is wala siyang problema sa alaga pagdating sa pagpapaligo rito. Tahimik at hindi ito gumagalaw habang siya naman ay mabilis ang mga kilos sa paglilinis sa katawan nito.

Nang matapos, gamit ang hair dryer niya, pinatuyo niya ang makapal na balahibo ng alaga pagkatapos ay inilagay niya ito sa kama niya at hinayaan itong humiga roon saka sarili naman niya ang inayos niya.

Pagkatapos ayusin ni Jos ang sarili ay muli niyang binalikan si Luvan. Kaagad naman niyang nakuha ang atensyon nito na ikinangiti niya. Luvan stand up and wiggle its tail habang hinihintay siyang tuluyang makalapit dito. Nangingiting napailing-iling na lamang si Jos nang hindi na ito makapaghintay sa paglapit niya. Tumalon ito mula sa kama at patakbong tinawid ang ilang dangkal na distansyang namamagitan sa kanila, kapagkuwan ay masuyo siya nitong dinambahan.

"Hello there, boy..." Luvan wiggled his tail way more faster than before as his respond to her greetings that her chuckled. Dumukwang siya sa alaga at inilapat ang mga labi sa ulo nito kapagkuwan ay bumulong, "We'll gonna have a very long day ahead, baby... So, be ready, a'right..."

"Grr..." Luvan growled na para bang naintindihan ang ibinulong niya rito. And by hearing Luvan's voice, Jos expression instantly turned into blank. "Let's move, baby. Time to end this shits."

NAGTATAKA si Ryker kung bakit bigla na lamang nagpatawag ng meeting ang Mommy niya sa Palacio, gayunpaman ay hindi na siya nagtanong pa't nagtungo na lamang doon at doon na lang din alamin ang dahilan ng emergency meeting.

Pagdating sa Palacio ay nakasalubong niya ang ilan sa mga council na katulad niya'y kararating lang din. Tahimik na sumunod siya sa mga ito dahil mukhang hindi siya napansin ng mga ito. By the judge of their action, halatang nagmamadali rin ang mga ito katulad niya, ngunit ganoon na lamang ang pagtataka niya nang hindi ang mga ito dumeritso sa function room kung saan gaganapin ang emergency meeting bagkus ay nagsitunguan ang mga ito sa kanya-kanyang opisina.

Saglit na napahinto si Ryker sa paglalakad nang marinig ang pag-iingay ng cellphone niya. Mabilis niya itong dinukot sa bulsa ng suot na pantalon kapagkuwan ay muling naglakad habang sinasagot ang tumatawag.

"Nandito na ako, just give me a moment." sagot niya sa Daddy niya na siyang nasa kabilang linya at nagtatanong kung nasaan na siya.

Sakto naman na nasa tapat na siya ng pinto ng function room kaya pinatay na niya ang linya at walang katok-katok na binuksan niya ang nakasaradong pinto.

"There you are," bungad sa kanya ng ama pagkakita sa kanya.

"Yeah, so what it is all about?" tanong niya habang isa-isang pinasadahan ng tingin ang mga kasama niya sa silid na iyon. Then, his eyes landed on not so nice view for him. By the sight of him, Ryker can't help but to mentally gritted his teeth in annoyance. Lalo na nang biglang rumehistro sa isipan niya ang ginawang pag-akbay nito kay Jos. Plus the fact that they are undeniably close. He's jealous, alright. Tsk!

"Have a sit, son." aya ng kanyang ama dahilan para mapabaling siya rito. "So, we can start."

Ryker took a deep breathe mentally kapagkuwan ay blangko ang mukhang umupo sa tabi ng ama. Nang muli niyang pasadahan ng tingin ang mga kasamang nakapalibot sa hindi kalakihang kwadradong lamesa, doon lang niya napagtantong sila-sila lamang ang naroroon, ni ang mga kaibigan niya ay wala roon at si Jos na ilang araw na rin niyang hindi nakikita. It's only them, his parents, Dr. Oak, his Tito Shinji and the bastard named Ian. Now, he's really wondering, what the heck is going on? And where's the other? Where's Jos? Is something's happened while he is out? He badly needs answers, pronto!

"It's about Jos." pag-uumpisa ng Tito Shinji niya sa dahilan ng biglaang pagtitipon nila.

"What about her?" Dr. Oak voiced out the question inside his head. "Where is she, anyway?" dagdag tanong pa nito.

"Honestly, she's no where to be found..."

"And that means, she's up to something." pagpapatuloy ni Ian sa inanunsyo ni Shinji.

"Paano kayo nakakasiguro?" his dad asked.

Shinji and Ian both shrugged their shoulders, "We just know it."

"So, if Jos is no where to be seen, anong koneksyon niyon sa meeting na ito?"

"Obviously, we need your help." tugon ng Tito Shinji niya sa kanyang ama.

"What kind of help?" sabat ng Mommy niya na noon ay tahimik lang na nakikinig sa usapan ng mga ito katulad niya, gayunpaman ay nakakasiguro siyang may nabubuo nang plano sa isipan nito.

"A help to stop Jos from killing Akaniro all by herself."

*****

F. Sylveon

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon