"BUKAS na ang party sa Palacio ah. May mga date na ba kayo?"
Mula sa kakalikot sa hawak na cellphone, napabaling ang paningin ni Ryker kay Suher na nagtanong.
"Wala. Can't find someone na pwedeng ipasok sa Palacio," sagot dito ni Trevor na nakapatong pa ang mga paa sa ibabaw ng desk nito.
Sila lang ang nasa loob ng classroom nila dahil ang iba nilang kaklase ay nasa labas, nagti-take ng break.
"Ikaw ba?" balik na tanong ni Trevor kay Suher.
"Can't find one too." Trevor shrugged, "Kaya iyong pinsan ko na lang ang inaya ko, since she already knows a lot about the Palacio at alam din niya ang pagiging bahagi ko nito." dagdag pa niya.
"Oh, good for you. How about you bud?" sabay baling ni Trevor kay Jinx dahilan para lumingon ito rito.
"I'm thinking about inviting Annette, kaya lang hindi ko pa nagagawa since kahapon pa siyang hindi pumapasok at hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Wala rin sina Jos na maaari kong pagtanungan. I wonder kung nasaan ang tatlong iyon ngayon." mahabang sagot ni Jinx kay Trevor. "Bakit hindi na lang din si Glenne ang ayain mong maging date, Tre?" dagdag pa nito.
Trevor just shrugged. "Pwede rin. Kung papayag," anito.
"Tingnan natin--"
"Eh kung puntahan niyo na kaya ngayon, para kung sakaling hindi pumayag ay may panahon pa kayo para maghanap." sabat ni Suher sa kanila.
Bago pa man ito masagot nila Jinx, biglang tumayo si Ryker sa kinauupuan niya na kanina pa tahimik at nakikinig lang sa tatlo.
"Where are you going bud?" Jinx asked him.
"Gonna find my date." maikli nitong sagot sabay labas ng classroom na ikinangisi ni Jinx.
"I knew it." Jinx muttered meaningfully.
"Huh?" anas ni Suher, confusion is all over his face.
"Let's go, you two. Let's hit the road too. We're heading the same direction with Vixx."
Nagkatinginan na lamang sina Trevor at Suher at kahit nagtataka ay sumunod pa rin sila sa dalawang nauna nang lumabas ng silid.
RYKER set his eyeglasses GPS to Jos address na nakuha niya sa office kaninang umaga pagkapasok niya sa kotse na naka-park sa isang VIP slot ng school.
After setting, mabilis ang mga kilos na binuhay niya ang makina ng sasakyan at pinasibad iyon palabas ng skwelahan. He expertly drove to Jos' house and arrived there in no time but something unexpected welcomed him!
Ganoon na lamang ang pagkunot ng noo niya nang isang sunog at umuusok pang bahay ang bumungad sa kanya sa address na narating niya.
Sa pag-aakalang namali siya ng napuntahan ay tsinek niya ang address na nakuha niya mula sa school. Paulit-ulit niya itong binasa hanggang sa magsawa siya ngunit wala talaga siyang nakikitang pagkakamali sa address. Magkapareho ang address sa hawak niyang papel sa lugar na kinaroroonan niya ngayon.
"What the hell..." he muttered sabay mabilis na hinablot ang baril niyang nakapatong lang sa passenger seat saka lumabas ng sasakyan habang inaalerto ang sarili.
"What the fuck!"
Mabilis na naitutok ni Ryker ang hawak na baril sa nagsalita.
"Bud! Its us!" mabilis na turan ni Jinx kay Ryker habang nakataas ang dalawang kamay sa ire.
Kaagad din namang ibinaba ni Ryker ang baril nang makilala ang mga bagong dumating na hindi man lang niya namalaya.
"What the shit is happened?" Trevor asked to no one habang tinatanaw ang umuusok pang bahay, tanda na kakapatay pa lamang ng apoy.
"Where are the--"
"Grrrrr...."
Sabay na napalingon silang apat sa bahagi ng bahay kung saan nanggaling ang narinig nilang ungol.
"Luvan!"
"Rr..."
HALOS paliparin na ni Glenne ang sasakyang minamaneho niya makarating lamang kaagad sa bahay nila, samantalang si Annette naman ay seryuso lang na nakaupo sa passenger seat at mahigpit ang pagkakahawak sa baril niya.
Annette doesn't like the feeling of being nervous, yet here she is now, can't help herself, thinking about Jos na maaaring nasa panganib. Her teeth are gritting cause of too much tense she felt. She took a deep breathe and calmed herself down, trying to maintain her composure and at the same time, keeping her guard up.
Glenne expertly drifted every obstacle na nadadaanan nila, and when she said obstacle, that includes the traffic rules, wheels that getting into their ways and such. Wala siyang pakialam kung hinahabol na sila ng mga traffic inforcer dahil sa mga nalalabag nilang rules at mga nababangga nilang sasakyan. All she cares and think is Josphine and its safeness.
Pagkalipas ng ilang sandaling pakikipaghabulan nila sa mga pulis sa gitna ng kalsada ay nagawa rin nila itong iligaw at nakarating din sila sa bahay nila and just like what they expected, sunod-sunod na putok ng baril ang sumalubong sa kanila!
Eksperto nila itong iniwasan kapagkuwan ay kanya-kanyang hablot ng mga baril at kasa nito sabay ganti ng paputok sa mga armadong lalaki na nakaabang sa harapan ng bahay nila habang bumababa sila ng kotse.
They dodged every bullets na tumutungo sa direksyon nila and countered it at the same time hanggang sa bumulagta na sa semento ang mga kalaban nila.
Marahas na humugot ng malalim na hininga si Annette samantalang si Glenne naman ay mabilis ang mga kilos na pinalitan ng magazine ang dalawang hawak na baril. Pagkatapos ay sabay silang pumasok sa loob ng kabahayan ngunit ganoon na lamang ang pagliksi ng mga katawan nila nang sunod-sunod ang nangyaring pagsabog sa loob ng bahay, resulting a big explosion!
"Fuck! Jos!" Glenne cursed at mabilis na pumasok sa loob without minding those falling debris. Sumunod din dito si Annette habang panay ang ilag sa mga bumabagsak na debris.
Deritso nilang tinungo ang silid ni Jos kung saan alam nilang nakatago ang pinakaiingatan nitong bagay ngunit pagdating doon ay wala na silang naabutan maliban na lamang sa mga nagkalat na mga sira at sunog na gamit.
At nang tumuon ang mga mata ni Glenne sa vault kung saan nakalagay ang bagay na iyon at makitang wasak ito, nagtagis ang mga bagang niya. Mukhang nakuha ng kung sinumang pumasok sa bahay nila ang bagay na iyon, but she still hoping that her assumption was wrong.
"Where's Jos?" Annette asked, bakas sa mukha ang pag-aalala.
Hindi na nagawang sagutin ni Glenne ang tanong nito nang makarinig sila ng kalabog sa baba. Nagkatinginan silang dalawa, kapagkuwan ay mabilis na sabay nilang tinungo ang pinagmulan ng ingay.
Nang marating nila ang kusina kung saan nila narinig ang kalabog ay ganoon na lamang ang panlalamig ng katawan nila at panginginig ng mga tuhod sa nadatnan.
"Oh my God! Jos!"
*******
-typos&errors
Vomments amores... 😉
FAIRY SYLVEON
BINABASA MO ANG
VF BOOK 2: VIXEN's HEIR
AçãoAlright reserved ©2017 VF BOOK 2: VIXEN's HEIR He will take his own path. Like her mother, he is unpredictable... and also, he is an unbeatable. He inherited it all, every single pieces that his lovely mother has... and now, he had more than the exp...