VH 48

325 18 1
                                    


"DNA? But... How? I mean--"

"It is a DNA created accidentally by Akamori." this time it was his Tito Shinji who interrupted his Tito Dwen dahilan para mapalingon siya rito. "Noong nabubuhay pa ito at wala pa siyang ideya kung ano ang kayang gawin ng pinaghalong dugo na aksidente niyang nagawa. Pinangalan niya itong Ruin pansamantala at inilagay sa plastik na mga maliliit na capsule saka iyon itinago sa isang ligtas na lugar. And unfortunately, the safest thing Akamori thought those time is inside a living creature's body." mahaba nitong pahayag.

"Kaya inilagay niya iyon sa katawan ni Jos?" hula ng kanyang ama.

"Not exactly." mabilis na sagot nito.

"What do you mean, Tito?" he asked.

"Hindi lang si Jos ang sinubukan niyang paglagyan noong mga panahong iyon. Akamori took both human and wild animals for his experiment but no one of those animals survived pwera na lamang sa huli, na nagawa pa naming gamutin and along with those creature is Jos, doon namin napagtantong sabay silang pinag-aaralan at nagawa nang ibaon sa kanila ang mga capsule sa braso ng mga ito. Fortunately for them, they survived sa kabila ng kakaibang sakit na epekto ng mga katas ng capsula'ng naibaon sa kanila."

Pagkatapos ng mahabang pahayag nito ay binalot sila ng katahimikan ngunit hindi rin iyon nagtagal ng basagin iyon ng Mommy niya. "I wonder... When did it happened? How come, hindi ko alam?"

Ngumisi ang Tito Shinji niya sa naging tanong ng Mommy niya, "Because you're quiet busy with your little game called revenge, kaya hindi na kita inabala pa."

"Whatever." nakaismid na anas ng Mommy niya.

"Pero di ba nagawa nang alisin ni Jos ang mga iyon sa katawan niya katulad ng sabi niya?"

"Oo nga at saka, nasaan na nga ba talaga ang Ruin na ito?"

Napalingon si Ryker kay Jinx nang sumali na ito sa usapan at tama nga ito, wala na sa katawan ni Jos ang Ruin, ngunit may isang bagay pa ang nagpapagulo sa isip niya. Iyon ay kung bakit may ilang doses ng Ruin ang meron si Jos. Ganoon na kadami ang ibinaon sa katawan nito? He wondered.

Sa gitna ng pag-iisip ay napatingin siya sa Tito Dwen niya. He is a doctor, a scientist to be exact, who study a lot about chemicals and such, siguro naman ay magagawa nitong ipaliwanag sa kanya ang tungkol doon.

"I know where the Ruin's were." he suddenly blurted out dahilan para makuha niya ang atensyon ng mga ito. "Nasa laboratory ni Jos." dagdag pa niya nang makita ang mga nagtatanong nilang mga mata.

"WOW..." manghang anas ni Suher pagkapasok sa laboratory ni Jos habang pinapalibot ang mga mata sa kabuuan niyon.

Nang sabihin ni Ryker ang tungkol sa laboratory ng dalaga, kaagad nag-aya ang mga itong puntahan ang lugar at ngayon nga'y nandoon na sila. Pansin niya na mabilis na tiningnan ng Tito Dwen niya ang mga gamit ni Jos, mula sa mga malalaki hanggang sa pinakamaliit. Then, his eyes settled on a long white table-- sa mga bagay na nakapatong dito. Bakas sa mga mata nito ang kuryusidad.

Nilapitan niya ang doktor saka sinabi rito ang alam niya tungkol sa tinitingnan nito. "Sabi ni Jos, iyan daw ang Ruin." imporma niya habang nakatingin sa bakahilerang mga maliliit na glass tube na may lamang mga dugo.

"Say what?" hindi makapaniwalang anas nito kapagkuwan ay kumuha ng isa sa mga glass tube at naglagay ng dalawang patak sa isang maliit na bilog na salaming parang platito at isinalang iyon microscope at tiningnan. Katulad ng nauna ay ganoon din ang ginawa nito sa iba pa samantalang siya naman ay tahimik lang na nagmamasid sa ginagawa nito.

Nang matapos ay muli itong bumaling sa kanya at nagsalita. "They are all the same, two types of DNA mixed together but there's something odd with the mixture..."

Matamang pinasadahan ni Ryker ang doktor sa narinig. Mukhang napansin din nito ang napansin niya noong una niyang kita sa mga dugo.

"There is..." anas nito makalipas ang ilang sandaling pagkakatigalgal dahil sa natuklasan. "...a mecha with it but... how come?" pagtatapos nito sa mahinang boses ngunit rinig pa rin niya.

"Did I heard it right?"

Sabay na napalingon sila ni Ryker sa nagsalita at hindi na siya nagtaka ng makita ito. "Mom..." he called her ngunit hindi ito sa kanya nakatingin kundi sa Tito Dwen niya.

"Lei..." the doctor muttered his mother's name.

"Answer me, Toffer..."

He saw his Tito Dwen heaved a sighed bago tumango. "Yes, you heard it right."

"But how?" kunot ang noo ng mommy niyang tanong. "Di ba sabi mo, ubos na ang mecha and it takes a decade to make a new one, paanong may nakahalong mecha sa mga iyan?"

"Hindi ko alam," umiling-iling na sagot ng doktor, bakas sa mukha ang kawalan ng ideya. "When I say na wala na akong spare dose ng mecha, I mean it. And yes, it takes a decade to make a new set of doses dahil sa haba ng prosesong dapat sundin... Kaya nga, ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita ang mga ito na may halong mecha."

"Baka maliban sa inyo ay may iba pang nakatuklas kung paano binubuo ang mecha sa mas madaling proseso?" sabat ni Ryker sa usapan ng dalawa. Natigilan ang dalawa sa tinuran niya. Saglit ang mga itong napaisip sa narinig. Bago pa man makapagkomento ang isa sa kanila, isang ungol ang kumuha sa atensyon niya.

Mabilis na hinagilap ng mga mata ni Ryker ang pinanggalingan ng ungol, doon lang niya naalala na naiwan pala sa loob ng laboratory ang alaga ni Jos, si Luvan. Nilapitan niya ito at tiningnan kung maayos lang ba ito. Nang masigurong maayos lang ito ay nakahinga sa ng maluwag. Tiyak kasing hindi matutuwa si Jos kung may mangyayari sa mahal nitong alaga.

Jos...

Thinking of her being captivited again made his heart twitched in so much pain and disappointed to himself. He felt so useless knowing the fact na wala siyang nagawa para protektahan ang dalaga. Naikuyom niya ang mga kamao bago itinali sa hayop ang nakita niyang panali saka ito masuyong hinila at dinala sa gitna ng lab para ipaalam sa mga kasama ang tungkol sa presensya ng hayop para hindi ang mga ito magulat kapag nakita ito.

Siguro ay nagsawa na ang mga kaibigan niya sa paglilibot sa buong lab dahil naabutan niya ang mga itong nakaupo sa mahabang couch habang kanya-kanyang nagkakalukat ng mga gadgets.

Kasabay ng paglapit niya sa mga kaibigan ay ang pagguho rin ng mga magulang niya sabay sabing dapat na silang gumawa ng konkretong plano kung paano ililigtas si Jos na mabilis nilang sinang-ayunan.

*****

F. Sylveon

VF BOOK 2: VIXEN's HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon